Chapter O1 :

2.8K 83 16
                                    

*Euphemia's point of view*

BUONG lakas kong itinulak si Prince Reign matapos niyang sapilitang ipainom sa akin ang likidong hindi ko alam kung ano. Kaunti lang ang nalagok ko dahil mabilis ko itong naidura.

"Prince Reign, why did you do this?"  tanong ko matapos lumayo sa kanyang kinatatayuan.

Hindi niya ako kinibo sa halip ay binigyan niya ako ng nakamamatay na tingin. Hindi ganoon ang nakasanayan kong tingin niya.

Si Prince Reign ang ikalawang prinsipe na kapatid ng aking amang hari na unang prinsipe. Sobrang bait niya sa amin ni Emerson pero ngayon ay hindi ko na siya kilala. Parang ibang tao na talaga siya.

Anong nangyari kay Prince Reign? Bakit puno ng galit at paghihiganti ang kanyang mga mata?

"Princess Euphemia,"   tawag niya sa akin habang unti-unti itong lumalapit.

Bigla ay nakaramdam ako ng takot. Pakiramdam ko ay nasa gilid ako ng bangin na anytime ay puwede akong mahulog at  mamatay. Para sa isang twelve years old na ka tulad ko. Hindi sapat ang lakas ko para pumalag pa kung sakaling ipilit pa rin niya sa akin ang likidong iyon.

Napapikit ako sa takot ng mabilis siyang lumapit sa akin habang hawak ang kanyang espada na handang dumampi sa balat ko.

"Princess!"

Napadilat ako ng marinig ko ang boses ng personal servant ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang dugong umaagos mula sa kanyang bibig. Hinarang ni Zezi ang kanyang katawan sa harapan ko at sinalo ang espadang dapat sana'y tatama sa balat ko.

"Zezi! No!"  sigaw ko.

Akmang lalapitan ko siya pero umiling siya at sumesenyas na tumakbo na ako.

"I am happy to serve you, Princess Euphemia."  mahinang sabi niya na pinilit tumayo ng diretso at hinarap si Prince Reign.

Napabalikwas ako nang bangon habang pawis na pawis.

"Panaginip."  mahinang sabi ko na napahilamos ng mukha gamit ang kanang palad ko.

"Uhmm, may problema ba my wife?"   humihikab na tanong sa akin ni Aldrich matapos buksan nito ang lamp shade sa gilid niya.

"Wala, binangungot lang."  sagot ko.

Ilang gabi na akong nananaginip ng mga nangyari noon. Nung gabing itinakas kami ni Emerson sa palasyo. Pero bakit? bakit napapanaginipan ko pa rin iyon?

"My wife pawis na pawis ka! Pero tama naman lakas ng aircon natin,"   natatarantang sabi ni Aldrich matapos niyang yakapin ako.  "Wait."   paalam niya na bumangon sa kama at pumunta sa shower.

"Zezi."  malungkot na pagtawag ko sa pangalan niya.

Zezi is my personal servant. She's only 17 years old when she died protecting me. Hindi ko naisip na darating 'yung araw na mawawala siya sa akin ng ganoon lang. At hindi ko naisip na sa kamay pa ng kadugo ko matatapos ang buhay niya.

Prinotektahan niya ako hanggang sa huling sandali ng buhay niya. Kahit na duguan na siya ay hindi pa rin siya sumukong protektahan ako. Dahil nung pinapatakbo na niya ako ay may biglang sumulpot na kakampi ni Prince Reign.

She's bleeding and wounded but still fighting to protect me. Hinintay niya lang dumating ang tatlong Royal Knights ko bago siya bumagsak ng tuluyan. Unang iniligtas ng mga Royal Knights ko si Emerson dahil ito ang unang pinagtangkaan na patayin. That time, wala pang natatalagang Royal Knights ang kapatid ko dahil isang araw bago mangyari  ang gabing iyon. In-announce ng aming amang hari na ako ang magmamana ng trono na tinutulan ng ilang ministro.

She's The GANGSTER I Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon