Chapter O8 :

1.1K 49 14
                                    

Yazuakie's Note :

May mga nababasa ako kung ano raw itsura ng ilan sa mga fictional characters ko?
For example, Travis, Ram, Butler Ashford and Hiroki. So, ayon nga, let me show you 'yung naiisip kong itsura nila habang sinusulat ko ang kuwentong ito.

Again, let me remind my new readers.
I was an avid fan of  CODE GEASS.
So, EUPHEMIA's named came from
Euphemia Li Britannia---First love of
Lelouch Vi Britannia.
Her surname STADTFELD came from
Kallen Kouzuki Stadtfeld--the pilot of guren that had feelings to Lelouch. 😘
Butler ASHFORD surname inspired to Milly Ashford---Student Council President of Ashford Academy.
ALDRICH came from my crush screen name (since 2011) ALDEN RICHARDS.

This is my fan fiction of my favorite anime, crush and favorite love team JADINE in one story.

Kaya ngayon palang ay pinapaalam ko na. Medyo nao-offend ako kapag may nababasa akong comment with "HAHAHAHA" tapos sasabihin Code Geass then 'yung title at genre ay clitch or copy cat parang ganoon.

Sorry kung ngayon lang uli nakapag-update.
Walang pang data lagi. Buti nag-search ako kay google ng Wattpad promo. Tinitipid ko nalang 'yung 200mb a day sa three apps na ni-register ko. Wattpad, Mobile Legends and Google. You know, I really loved to read manga and manhua. Kaya kadalasan mas gusto kong magbasa kaysa magsulat. Pero alam ko na may naghihintay ng update ko.
Kaya sorry kung napaka tamad at napaka tagal ko mag-update.

Happy reading loves!
God bless! xoxo :)

≧▽≦≧▽≦≧▽≦≧▽≦≧▽≦≧▽≦≧▽≦≧▽≦≧▽≦

 
*Euphemia's point of view*


NAPAMULAT ako ng dalawa kong mata at napatingin sa liwanag na nagmumula sa sliding door palabas ng veranda. Sumasayaw sa hangin ang kurtinang naroon. At pumapasok naman ang hangin sa loob ng silid na inukupa ko. Fresh na fresh ang hangin na umiikot sa buong kuwarto na nagmumula sa dalampasigan. Narito pa rin ako sa Stadtfeld Resort, hindi na ako umalis matapos ang meeting kahapon. Gusto ko munang mag-relax at mag-isip ng mga hakbang na gagawin ko. Habang naka-on leave pa ako gawa ng under investigation pa rin ang nangyari sa dalawang doktora. Lalo pa't ako 'yung itinuturong master mind.

Gusto kong matawa sa iniisip ng iba na ako ang may pakana non.

How could I kill my own employees? Even if their rude as b*tch, I couldn't think to take any  revenge on them. I don't give a damn care of what would they think on me.

"Ugh!"   napabangon ako sa kama at napahawak sa noo ko.

Ramdam ko ang sakit ng ulo ko at bahagyang pagkahilo. Alas-tres na ako nakatulog dahil mula alas-onse ng gabi ay magkausap kami ni Sharrise.

Hindi siya nakapunta ng meeting dahil hindi siya nakapagpa-book agad ng plane ticket. Hindi naman niya sinabi na gusto niyang pumunta. Kung alam ko lang ay pinasundo ko na sila ni Travis gamit ang private plane ko. I had two private planes na ginagamit ko for emergency or kapag may importante akong pupuntahan sa ibang bansa. I couldn't use Sky to travel outside the Philippines. Mahirap na baka sa Pacific Ocean palang ay mag-landing na agad kami.

Three years ng nasa Japan sila Travis at Sharisse. Originally japanese citizen si Sharisse. Kaya gusto niya na doon sa Japan manganak sa panganay nila ni Travis.

Masaya ako na may nahanap na ang bestfriend kong si Sharisse. Sa katauhan ni Travis, my first recruited member ng gang. Na meet ko siya somewhere in the street na nakikipagbasag-ulo nung bagong dating palang ako rito sa pinas. Bata palang ay guwapo na siya, habulin ng mga babae at pinagseselosan ng kalalakihan. That's the reason why he used to be nerd nung tumuntong ng third year highschool hanggang college, para 'di na siya pagkaguluhan at pangarapin pa.

She's The GANGSTER I Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon