25 - The End - Part 1

Start from the beginning
                                    

Pagkababa naming tatlo sa bus nandun sa may labas sila Chad at sila Micah. Kumpleto na pala ang grupo at kami nalang ang hiniintay. Nakaramdam ako ng onting panghihinayang. Gusto ko sana silang makabonding dito sa amusement park pero ayun nga mas nangingibabaw ngayon ang kagustuhan kong makita si Renz.

Nasibatian naman kaming lahat at mukang masaya naman ang lahat. Bago kami magsimulang gumala nagspeech muna ang principal na wag daw gagawa ng gulo, pinagbigyan na daw nila kami na hindi ireserve ang amusement park kaya gawin naman daw ang part namin na wag gumawa ng eksena o gulo. Hangga't maari daw maging mabait sa ibang tao na madadaanan namin, huwag daw lalabas ng amusement park at bumalik daw ng saktong 12:30 pagkatapos ng fireworks display. Pagkatapos ng mahabang speech ng principal kanya-kanya nang direksyon ang mga etudyante.

"Ui boss at mga tol, ok lang bang humiwalay ako? Hehehe...magha-hunting lang" -- Jeff

"Ui tara sama, sama kana din Igor" --Jerr

"Hoy, mga walawentang alagad. Bakit kailangan nyo pang humiwalay ah? Sama na kami" --Chad

"Oops..oops. Hindi kayo pwedeng sumama." -- Jeff

"Ano?! Aba at nasisiraan kana ata ah. Anong karapatan mong wag akong isama ah?" --Chad

"Eh... boss naman eh. Kung kasama namin kayo ni Russel hindi kami mapapansin ng chicks. Kaya kailangan namin humiwalay ah, sige boss kita tayo mamaya" Sabi ni Jeff sabay takbo at hila kay Jerr at hinila naman ni Jerr si Igor

"Mga adik yun ah, mamaya sakin ang mga yun" Sabi ni Chad at nginitian lang siya ni Russel.

Hmm...kailangan ko na ding magpaalam.

"Ahmm...ano pwede din bang humiwalay?" medyo nahihiyang sabi ko at napunta na ang atensyon sakin.

"Ahmmm...gusto ko sanang ilibot kayo kaso kasi ano...may usapan kami ni Renz"

Hindi na nagulat sila Jass at Lily. Sila Chad at Russel din hindi nagulat. Sila Micah, Anne at Jen nalang.

"Ehhh.... magkikita kayo ngayon? Haist, sayang naman di ka namin makakasama" --Micah

"Ayiiiiiieee ok lang Rose, basta kwento kana lang mamaya ah" --Jen

"Talaga? Sige, salamat ah at sorry talaga ah. Promise bago magfireworks display itext nyo ko at sasama na ko sa inyo sa panunuod sige" masayang sabi ko sabay talikod sa kanila.

"Hoy, at sinong may sabing pinapayagan kita ah?!" napatigil ako sa sinabi ni Chad

"Adik kaba Chad yabang? Ano naman kung di mo ko papayagan Bleeh" pang-asar na sabi ko at binelatan ko pa sya

"Oh-Hoi!! Bumalik ka dito" Sabi ni Chad tumakbo na kasi ako agad. Sigurado kasi sesermunan na naman ako nun baka malate pa ko sa date namin ni Renz.

Pagkarating ko dito sa meeting place namin ni Renz hinanap ko agad siya pero wala pa sya. Umupo nalang muna ko sa bench at tiningnan ang cellphone ko. Wala parin siyang text nakita ko narin yung oras at 6pm palang, maaga pa siguro kaya wala pa sya.

Hmmm... 7pm na pala, tumayo ako at pumunta sa may waffle stall malapit sa bench na kinuupuan ko at bumili ng dalawang waffle at isang softdrinks. Pagkabili ko bumalik na agad ako sa bench. Wala parin si Renz baka natrapik pero dahil gutom na ko makakain na muna. Sana dumating na sya bago pa lumamig yung waffle para sa kanya.

Time check: 9pm na. Haist... nawawalan na ko ng pag-asa parang gusto ko nang umiyak. Tatayo, uupo at maglalakad -lakad sa paligid ng bench ang tanging ginagawa ko para di ako tubuan ng ugat dito. Haist...nag-aalala na talaga ko pero nag-aalangan naman akong umalis kasi mamaya dumating na sya, haist. Hindi pa ko nakakasakay sa kahit isang ride manlang. Haist... bahala na nga maghihintay pa kong onti 12:00 pa naman yung fireworks display eh.

GirlfriendS.Where stories live. Discover now