10 - gentleman epek ^_^

412 21 3
                                    

CHAPTER 10 - GENTLEMAN EPEK ^_^

"tuloy ba lipat ni Jass?" sabi ni Russel sa pinsan habang nagkatingin sa labas ng bintana ng classroom nila.

"ang alam ko oo, naayos na ata lahat eh, ang alam ko rin nakausap na niya ang principal" sagot ni Chad na nakatingin din sa labas ng bintana.

mahigit isang linggo na ang nakalipas mula nung nangyari at ngayon din ang labas ni Jasmine sa ospital at bukas na siya ulit papasok.

LILYs POV

hai ^___^ ...ahmmmm.....hehehe XD di ko alam kung pano ko sisimulan ang first ever POV ko. Ahhmmm...salamat sa opportunity at tsaka hindi ko alam kung pano ko icoconvey yung mga dapat ikwento sa inyo kaya bahala na kayong umintindi please, pagpasensyahan niyo na ko ahh..>_<

uwian na namin at nakasakay ako ngayon sa kotse namin on the way sa ospital kung san nakaconfine si Lady Jass, ngayon kasi ang labas niya ehhh at niyaya niya kaming samahan siya pauwi at magstay narin ng onti sa house nila. ang totoo niyan sobrang excited ako ngayon hehehe >_< alam niyo yung feeling na ang tagal niyo nang magkakilala pero ngayon ka lang niya inimbitahan sa house nila? ito yun eh. ito yung nafi-feel ko ngayon. Pero alam ko at nasesense ko na may mas excited pa kaysa sakin, aura palang nitong katabi ko ramdam mo na eh. Hulaan nyo sino katabi ko, hehehe si Rose lang naman walang iba.

nakatingin lang ako sa kanya at siya naman hawak-hawak ang bouquet ng white Jasmine flowers at masayang inaamoy-amoy. abot langit ngiti sobra at syempre hindi ko rin maiwasan ang mapangiti ng sobra.

Masaya ko para sa friend ko na para sakin BFF ko na, pano ok na ang lahat. OO ok na ang lahat, hindi rin ako makapaniwala nung una, akalain niyo yun si Lady Jass at Rose naging friends na. ang hirap iexplain kung pano, pero kung alam niyo lang araw-araw dumadaan si Rose sa ospital para makipagfriends kay Lady Jass. una syempre ayaw ni Lady Jass pero nung mga sumunod na araw ok na sila at super close na sila, oo super close todo kwentuhan na nga sila palagi ehh...kaya ako rin masaya syempre, kahit naman ganon si Lady Jass at kahit naman na masungit siya sa mga girls na nalilink kay King, friend parin ang turing ko sa kanya, ewan ko basta friend ang turing ko kay Lady Jass simula palang kahit na feeling ko hindi ganon ang tingin nya pero anyway hindi lang kami ni Rose ang papunta sa ospital pati narin yung ibang girlfriends ni King na sila Micah, nasa kanya-kanyang kotse sila eh kasi may mga service sila eh kaya hindi namin magawang magsama-sama at nakauniform pa kami lahat ah, mga excited din sila alam ko ^_^.

nagpark na ang kotse na sinasakyan namin, nandito na kasi kami sa ospital eh. dumiretso agad kaming lahat sa room ni Lady Jass. Si Rose ang nangunguna at siya na rin ang nagbukas ng pinto ng room. Naabutan namin si Lady Jass na nakabihis na at may maid na nag-aayos ng mga gamit niya. Napangiti naman kaming lahat dahil hindi mo mahahalata sa looks ni Lady Jass na naospital siya, naka make-up na nga siya eh.

"Jass!!! XD" sabi ni Rose sabay abot ng hawak niyang bouquet at sabay hug pa, oh diba close na sila.

"Lady Jass congrats po makakalabas na kayo ng hospital" sabi ni Micah

"congrats po Lady Jass" sabi ni Jen,Anne, Lyka at syempre sabi ko rin. Si Lyka po yung #6 gf ni King. nabanggit napo siya nung chapter 3 kasama siya ni Micah at King na nahuli ni Rose basta balikan niyo nalang >_<

"Salamat..kayo naman Jass nalang ^_^"

O_O <--- kaming mga girlfriends ni King

tama ba tong narinig ko? talaga bang? hindi nga? sinabi ba talaga ni Lady Jass na Jass nalang??

"oh bakit natahimik kayo? ayaw nyo? ayaw niyo?" bigla naman kaming nagising lahat sa sinabi ni Lady Jass i mean ni Jass pala..hindi ko alam kung matatakot ba ko sa sinabi niya oh matatawa pero napangiti naman kaming lahat

GirlfriendS.Where stories live. Discover now