22 - Renz's bday

241 17 11
                                    

Dedicated kay ate devilEYES salamat po ng marami sa pagbasa at pagbigay ng mga idea malapit na po yung idea mo hehehe..thankyou po ng sobra. enjoy reading..^_^

CHAPTER 22- RENZ'S BDAY

CHAD'S POV

Ilang araw naba ang nakalipas? Mag-iisang linggo na ata. Malay ko, di ko alam, nakakairita at nakakawalang gana. Kung tatanungin nyo sakin si Rose, potek magpakamatay na kayo. Nakakairita, nakakairita talaga, bwisit.

Simula nung nangyaring paghagis ko sa cellphone nya na parang flying saucer hindi na ko nagpapakita sa kanya, hindi na ko sumasabay sa pagkain nila at lagi lang akong nasa rooftop ng school dun na din ako kumakain mag-isa. Bakit? Pake nyo ba! At subukan nyo lang isipin na nagiguilty ako patay kayo sakin. Unang una hindi ako guilty..oo aaminin ko medyo. Aba at sabihan ba naman nyang bwisit ako, tsk bahala sya basta ako di ako nagsisisi kahit lahat ng cellphone pa nya ang ihagis ko para lang makalimutan nya ang bwisit na yun.

Nakakairita sya sobra, ang sarap pumatay ng ewan..nakakainis. Wala syang karapatang magalit cellphone lang yon! Kami nga ng mga alagad ko naghahagisan ng cellphone pagwalang magawa, minsan ginagawa din naming bola ng soccer pag tamad kami pumulot ng bola tapos SYA.. para sa cellphone nyang bulok sasabihan nya kong bwisit.

" Eh kasi boss..di lang basta cp yun. Yun lang tanging kunikasyon nya sya syota nya."

Bigla namang pumasok sa isip ko yang sinabi ni Jeff sakin nung nabanggit ko sa kanila yung nangyari. Sira ulo talaga yun parang gusto ko syang batukan ngayon, pero andito kasi ako ngayon sa bahay dahil sabado ngayon at walang pasok. Tsk.. sayang.

Pero basta nakakairita. Basta sa nangyari ako ang dapat magalit, diba? Ewan ko basta wag kayong kokontra patay kayo sakin! Ako ang may karapatang magalit dahil nakakainis sya. Ano bang ginawa sa kanya ng bwisit na hayop na yun para maging ganon nalang sya kabaliw sa isang hayop!?!

Di hamak naman na mas mayaman ako ah, mas pogi, mas kinababaliwan ng lahat, mas malakas, mas makapangyarihan, mas matino, mas...ahhhh basta ako ang mas sa lahat........... mas minamahal ko din sya.... ugh bwisit!

SARAP PATAYIN NG KUMAG NA YON!!!!! LANGYA!!

Hmmm...madali ko lang naman syang mapapatay eh. Haha kating kati na ata ang mga tauhan ng pamilya namin. Bata palang ako tinatanong na nila kung may ipapagawa daw ba ko, kung may ipapadispatsa. Normal lang yun dahil ako ang magiging susunod na Don ng clan namin.

[ clan - ito ay samahan ng iba't ibang pamilyang mafia na under sa iisang pinakamakapangyarihang pamilya. 

Parang pamilya nila Jass, Russel, Lily at Jeff na under sa Dreion family. Bale Dreion Family ang pinakapinuno ng clan.

Don - sabi ng classmate ko ito ang tawag sa pinakapinuno ng mafia. Ang tatay ni Chad ang kasalukuyang Don ng clan at sya ang susunod na Don.]

back to story.....

Pero syempre kakasabi ko lang na mas matino ako diba kaya wag muna, papanindigan ko muna. Baka bukas ko nalang ipapapatay yung hayop na yun.

Tsk..nakakairita, ano ba tong pinag-iisip ko parang sira dahil lang sa babae...tsk. Ginulo ko ang buhok ko at sinipa ang center table, nakaupo kasi ako ngayon sa sala ko sa kwarto, wala kasing magawa bwisit.

At SYA naman...tsk bwisit. Bakit ba ganon nalang sya kabaliw sa hayop na yun ah!??!

SAGUTIN NYO ANG TANONG KO!!

Bwisit..alam kong wala namang sasagot sakin. Napasandal ako sa sofa kung san ako nakaupo ngayon at hinawakan ang noo ko at napapikit.

Bakit?

GirlfriendS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon