11 - I've decided

391 18 3
                                    

CHAPTER 11 - I'VE DECIDED

2:10am sa kuwarto ni Russel:

"problema mo dre?" parang inis na sabi ni Russel habang nakaupo sa kama niya at humihikab. Ginising kasi siya ni Chad na kinagulat niya, hindi naman kasi nang-iistorbo si pinsan niya ng gantong oras kaya di niya alam kung mag-aalala ba siya o maiinis.

"hehehe..dre, nakapagdecide na ko ^__^" ganadong-ganadong sabi ni Chad na nakaupo sa may couch ng kuwarto.

"ng alin?"

"hehehe..ano..liligawan ko na si Rose,ano dre?" parang nahihiyang na sabi ni Chad na abot langit ang ngiti

si Russel naman nagulat at sabay kunot ng noo sa narinig..tinitigan lang niya ng matagal si Chad, samantalang si Chad mukang excited na inaabangan ang magiging reaksyon ni Russel.

.

.

(-_-) <-- muka ni Russel sabay higa at takip ng kumot. parang nainis naman si Chad kaya tumayo siya at hinihila ang kumot ni Russel.

"HOY DRE!! wala namang ganyanan, di mo ba alam kung gano katagal kong pinag-isipan yun tapos gaganyanin mo lang ako"

"dre, itulog mo na yan" pagkasabi ni Russel nyan nahila na ni Chad ang kumot niya at sabay hagis ulit kay Russel

"tsk..wala kang wenta kausap dre, ngayon lang manliligaw yung tao tapos ganyan pa banat mo..tsk..bahala ka" inis na sabi ni Chad sabay upo sa kama..

"pano dre, ginising mo talaga ko para dyan"

"syempre dre, pagkatapos kong mapagdesisyunan na manligaw kailangan ko naman malaman kung pano ^_^"

"at sakin kapa talaga dumiretso"

"tsk, oo nga pala" sabi ni Chad sabay hawak sa noo, bigla nang pumasok sa isip niya na never pa nga din palang nanligaw ang insan niya

"dre, pano yan? seryoso talaga ko. Pinag-isipan ko toh noh"

"halata dre,anung oras na nga eh."

"pano yan,pano ko haharapin bukas si Rose dre"

"umuwi kana lang, pede?" inis na sabi ni Russel dahil gusto na niyang matulog

"dre, pede pa kutos? pag ikaw talaga nainlove di kita tutulungan dyan.tsk"

ROSE'S POV

time check: 6:05am

naglalakad ako ngayon on the way sa s

chool, medyo maaga pa nga eh. kainis kasi di ko masyadong nakatulog di ko alam kung bakit. Hayzz..medyo iniisip ko parin yung nangyari samin ni Chad dun sa karate room, well oo, wala nga palang nangyari muntikan lang, pero kahit na! hindi toh maari, hindi pede.tsk, asar naman. sabi ko sa isip ko sabay iling ng ulo ko haist, di ko na talaga alam haist.

medyo mabagal lang akong naglalakad at nakayuko, hindi naman kasi kailangang magmadali, diba? 

.

.

"wah!?" sabi ko sabay lingon sa likod ko. my tumapik kasi ng balikat ko, pagkalingon ko...

"oh, Russel..wow! nagkita na naman tayo ng gantong oras ah, ustah? gigitara ka ulit? ^_^" tanong ko sa kanya dala niya kasi ulit yung gitara niya at hindi din siya naka-uniform, naku aabsent na naman toh.

ngumiti lang siya sakin pabalik, nag nod at sinabayan na ko sa paglalakad. 

"ahmm..Russel sa park ka ulit maggigitara?"

nod ulit si Russel

"ahhh...hehehe...pede bang tumambay muna ko dun, maaga pa naman eh ^__^"

umiling siya....OUCH .... nalungkot naman ako bigla at napayuko, haist bitter naman niya

"joke lang, tara" sabi niya sakin, pero parang ang sungit parin ng dati, bakit kaya? hehehe yamoh na nga basta pumayag na siya diba, hehe

.

sa park:

nakaupo na ulit ako sa swing na pinag upuan ko nung unang punta ko dito, sarap kasi magswing ehh, si Russel naman sa may ground nakaupo sa may bench malapit sa swing naggigitara na. ako naman nakangiti habang pinapanuod ko siya maggitara, galing niya kasi eh ^_^ .

"Russel ang hilig mo magguitar noh ^__^"

nod lang ulit sya

"ahh...hehehe, hanga ko sayo di kasi ako marunong niya eh" anu ba yan parang ayaw niya makipag-usap

nagsmile lang siya, habang nakatingin sa string ng gitara niya. wala siya sa mood, ayoko na nga siya kausapin hmf. nag swing-swing nalang ako

.

S     I      L      E       N    C    E   ..........................................

"nga pala" nagulat ako sa biglang pagsalita ni Russel

"oh! ano yun?" 

"ahmm..ano"

"ano?"

"pag may nanligaw sa'yo sasagutin mo?"  sabi ni Russel habang tuloy parin sa pagstrum ng gitara niya... O_O reaksyon ko yan, nabigla naman kasi ako sa biglang pagtanong ni Russel sakin ng ganyan, hmmm..wow! bakit bigla syang nacurious dun??

"ahhh.........hehehehe, wala namang nanliligaw eh, tsaka hindi ako pede may boyfriend na ko" nakangiting sabi ko,

()_() <--- reaksyon ni Russel, nagtaka naman ako at napatigil ako sa pagngiti sa nakita niya reaksyon, anong nangyayari dito kay Russel? parang ang weirdo niya ngayon.

napayuko na siya matapos manlaki ang mga mata at balik ang tingin sa gitara niya.

"bakit di mo sinabi agad?" ano daw di ko sinabi agad, sinabi ko yun nung bagong dating si Jass ah

"hah? nabanggit ko yun ah, nung unang dating ni Jass...........ala ka ba don?"

"di ko na maalala" bitter na pagkakasabi ni Russel, problema nito, di naman siya ganyan sakin dati ahhh..diba friend na nga kami, kiniss pa nga niya ko sa cheeks ehh, tapos....haist ewan.

"ahhh...ganon ba, basta nabanggit ko na yun, baka wala kayo ni Chad non, di ko na rin masyadong tanda ehh, sige pasok na ko baka malate pa ko sige , ingat ka dito" sabi ko sa kanya sabay tayo at ayos ng palda ko. siya kasi ehh, gusto ko pa sana magstay kaso parang ayaw na niya, nakakaistorbo na ata ako kaya ganon hmff.. =(

nagulat naman ako nang makita kong nakatayo narin siya at nililigpit na ang gitara niya.

"oh bakit? di ka dito maggigitara?" usisa ko, nagtaka kasi ako bigla eh

"hah? papasok ako?"

"ahhh...wow! kala ko aabsent ka ulit ngayon ahh ..hehehe ^__^"

"nagbago na isip ko" sabi niya sabay sukbit ng gitara sa balikat niya

"ahhhh.....pede malaman kung bakit usisa ko ulit ^__^

"tingin ko lang kailangan para sa kaibigan"  

????????? ano na namang pahiwatig niya don????????? ay ewan bahala na nga siya, hehehe baka sabihin pa todo usisa ako diba,

nag wave na ko sa kanya sabay lakad sa direksyon papuntang school, siya naman iba ng direksyon, uuwi muna siguro yun di pa siya naka-uniform eh...

may pagka weird talaga si Russel, noh?

^_^ BrashHeart ♥

GirlfriendS.Where stories live. Discover now