25 - The End - Part 1

230 15 1
                                    

CHAPTER 25 - THE END - PART 1

ROSE's POV

Fieldtrip namin ngayon at masaya naman. Halos lahat ng pinuntahan namin parang solo namin ang lugar pero syempre pwera dun sa mga tour guide at nag-aayos ng lugar ah. Sabi kasi ni Jass yung iba daw talagang pinareserve talaga para sa school namin para maiwasan ang gulo. Isa lang ang masasabi ko, enjoy naman ako pero ngayon excited na excited na ko hehehehe. On the way na kasi kami sa BLue Moon City. Ang city kung san ako dati nakatira.

Syempre hindi lang ako ang excited, pati sila Jass at Lily ay excited din. Napansin ko nga pati yung iba naming mga classmate ay sobrang excited din, ang ingay kasi dito sa bus eh.

"Bakit parang ang excited nila compare dun sa mga huling pinuntahan natin?" di ko mapigilang tanungin si Lily na napangiti naman.

"Eh kasi sa BLue Moon Amusement park ang next stop natin" Napangiti naman ako ng sobra

"hehehehe..Naku kaya pala eh. Maganda talaga yung amusement park na yun, yun ang pinakamagandang amusement park sa bansa eh" proud na pagkakasabi ko at napangiti naman si Lily

"Alam namin yun friend noh at sure ako marami na sa kanila ang nakapunta don hehehe. Kaya sila excited kasi ito lang yung tanging place na hindi pinareserve at hindi na maghihigpit ang teachers" Napakunot naman ako ng noo di ko masyadong nagets ang gustong iparating sakin ni Lily, nahalata niya ata yun

"Hehehe..ang ibig kong sabihin ang plano talaga ng mga classmate natin ay malayang gumala at manchicks"

"Manchicks??"

"hehehe..di mo narinig yun mga classmate nating lalaki kanina sobrang excited sila kasi may masasalamuha na silang ibang tao bukod sa mga schoolmate natin. May makikita na daw silang ibang mukha, basta ganon hehehe"

"Ah...." Medyo gets ko na yung sinasabi ni Lily

"Don't think of them Rose, ang isipin mo kung pupunta ba yan bitchy bf mo. Mamaya excite-excite ka dyan then he'll not meeting you again pala" Medyo nalungkot ako sa sinabi ni Jass. Bigla nya kasing siningit yun eh. Haist.

Alam nyo minsan feeling ko parang girl version ni Chad si Jass. Kung si Chad kasi Hayop, bwisit ang tawag kay Renz. Si Jass naman damn bf o kaya bitchy bf o kahit ano pa. Kahit magkaiba yung tawag nila kay Renz kasi girlish yung dating pag si Jass pero parang iisa parin yung tingin nila, gets nyo ba? Ay, basta yon.

Tiningnan ko ulit yun cellphone ko, pinaalala kasi ni Jass eh. Haist...at yun wala paring text galing sa kanya. Haist. Nag-aalala na ko.

Hindi ko alam kung yung nararamdaman ko bang pag-aalala ay pag-aalala kasi baka hindi na naman ako siputin ni Renz o baka pag-alala kasi baka may nangyaring masama kay Renz kaya di sya nagpaparamdam, wag naman sana.

Haist...

From: Aa.renzku

Kita tayo sa Blue Moon Amusement park sa may mahabang bench sa tapat ng caroche, iintayin kita don ah. I missyou.

Pagkasend ko nyan napangiti ako. Bahala na kung di siya nagrereply basta iintayin ko siya. Alam kong mabait si Renz at alam kong mahal nya ko kaya wag kayong mag-alala ah, malay nyo bigla syang magpakita siya tapos sinasadya lang niyang wag akong itext para isurprise ako. Hehehehe..di ko mapigilang mapangiti at lalong ma-excite.

Kakaimagine ko ng kung ano-anong mangyayari sa pagkikita namin ni Renz di ko namalayan na nandito na pala kami. Mabilis na nagsibabaan ang mga kasama namin sa bus. Ako, si Lily at si Jass syempre nagretouch muna kami. Nagpulbo lang naman ako, nagsuklay tapos nagcologne syempre dapat pretty parin para kay Renz hehehe pero syempre hindi naman ako nagme-make up diba. Sila Lily at Jass ayun medyo matagal kasi inaayos yung make-up nila. Ako medyo naiinip, baka mamaya andun na si Renz.

GirlfriendS.Where stories live. Discover now