03

10 5 5
                                    

FAMILY ISSUE

Nagising ako sa ingay ng phone ko may tunatawag.kinuha ko ung cellphonr ko sa may gilid at si mama ang tumatawag

"Hello po?"

"Pumunta ka dito sa bahay ngayon din katharine"

" bakit po?"

"Wag ka ng maraming tinatanong dyan pumunta ka nalang dito!!!!! " kinakabahan at natatakot ako sa paraan ng pagsigaw na un ni mama

Tututut...

Nga-ngayon nia lang ako binabaan ng tawag

Di nako nagpaligoy ligoy pa gumayak nako at pupunta pako kila mama

***

Mas lalo akong kinabahan ng marinig ko silang nagsisigawan sa loob ng bahay

Binuksan ko na ung pinto

"Magandang araw po mama" akmang mag mamano nako sa kanya ng biglang

Paakkkk

Sinampal ako ni mama

"Ma? Bakit po?" May emosyong tanong ko sa kanya

"Bakit hindi ka na nagpapadala?!"

"Po? Pero kakapadala ko pa lang po nung nakaraang buwan"

"Wala kang pang pinaladala! Wala maski singko! Ano? Lumalandi ka na? Kaya hindi ka na nagpapadala?! Secretary ka ba talaga?! Baka naman G.R.O ka !! At ano? Isang araw mababalitaan kong buntis ka na lang?! Ke bata bata mo pa lumalandi kana?! Tignan mo ang nang yare dahil hindi ka nagpadala ! Naisugod sa ospital ang anak ng ate mo! Bakit hindi ka tumulad sa kanila na mga manager na ngayon?! Ikaw?! Secretary ka lang !! Pinag aaral ka kase ay hindi ka nag aral ng maayos !! Ang panget mo na ang bobo mo pa! High school nalang hindi mo pa naipasa!!! "

Bakit? Bakit parang kasalanan ko pa pinilit ko namang maging mabuting anak,hindi na lang ako kumibo at mas pinili ko nalang na yumuko.

" kaya ka ba lumipat ng bahay para bumukod ba talaga?! Oh para hindi namin makita kung sino sino na ung lalaking dinadala mo dito?! Buti pa ang mga kapatid mo ang gaganda nang trabaho ngayon napaka sisipag ikaw?! Ang liit liit na ng pinapadala mo?! Pumapalya pa?! Hindi ko na tuloy alam kung saan kukuha ng pera pang gamot sa anak ng mga kapatid mo?! Ano yuyuko ka na lang dyan?! Sumagot ka?!!!!!"

Dahan dahan akong tumunghay sa kanya kitang kita ko ung galit sa mga mata nia na hindi ko alam kung anong dahilan

"Ma...sorry" yan lang ang nasabi ko akmang yayakapin ko sya ng bigla nia akong itulak at pinag sasasampal kaya't hindi nako nakapag pigil at buong pwersa ko syang naitulak

Napalayo sya sakin at natumba bakas sa mukha nia ang pag kagulat

"At ngayon ay lumalaban kana?!!"

"Ma! Ano bang pinag sasabe nio?! Nag padala ako nung nakaraang buwan kaya paanong hindi ako nagpadala sa inio?" Mangiyak ngiyak na tanong ko

Di sya sumasagot kaya ako nalang ang nag salita masyado na kong naapakan

"Oo ma...secretary lang ako pero kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na mag benta ng katawan,oo ma secretary lang ako at maliit lang ang kinikita ko pero ma,hindi ako malandi,ma nakikita mo ba ako? Mukha na akong manang tapos itatanong nio kung naglalandi ako? Ni wala na ngang matira sa akin dahil pinapadala ko sa inio lahat.Sila ate ang gaganda ng mga trabaho nila pero ni singko hindi ka nila napadalhan dito" sabi ko na ikinagulat nia

"Ma,pati ba yung mga anak nila responsibilidad ko pa? Ma mga Manager sila mas malaki ang kinikita nila sa akin,sinubukan kong mag aral ng mabuti pero ni minsan hindi mo ako napuri, sa tuwing nag babalak akong mag paturo sayo noon lage kitang nakikitang nakikipaglaro kila ate at lage mokong pinagtatabuyan"

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko napakasakit..sobrang sakit

"I already did my best,ma when will i able to meet all your expectations? What i did is still not enough to make you proud kase sila ate lang ang nakikita mo ma,sila lang ang napupuri mo.Ma, ang gusto ko lang naman ay maging masaya tayong pamilya. Families supposed to lift up each other not to drag the other down... Ma matatanggap ko pang panget at bobo ako kung ibang tao ang magsasabi pero ikaw yan ma... Family means no one gets left behind or forgotten. But look at me.Ma,masyado na akong napag iwanan.Ma kung alam ko lang na ganto ang isasalubong mo sakin sana di nalang ako umuwi"

"Talaga namang sumasagot ka ng lintek ka?!" Akmang sasampalin nia ako ay dinaklot ko ang kamay nia.

"Nakakabastos mang sabihin to ma pero NAKAKAPAGOD NA" tsaka ako tumalikod at iniwan sila na nakayuko totoo naman lahat ng sinabe ko

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makauwi ako sa bahay ko  .....  I Wish My Parents Were Like Google. They Should Understand Me Even Before I Complete.

"Good night self hope you enjoy your sad day"

___________

Author's fucking note

Read it bebe

Enjoy reading if ever na may nagbabasa nito

Dont forget to vote... muaphs...

My Head Above The CloudsΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα