Chapter 43: ASSAULT

Start from the beginning
                                    

“Pamela”

“It’s okay Kuya, its okay. Wag mong sisisihin ang sarili mo”

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya kaya naman sinubukan kong lumingon pero iniharap nya ulit ang mukha ko. Kinakabahan na ako.

“No”

“Pam…”

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha nya sa balikat ko, hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya at doon ko lang napansin na sobrang lamig nito. Hindi lang yun, medyo nangingitim na din ang kuko nya.

Humarap ako at tiningnan ang itsura nya, umiiyak sya pero hindi iyun ang umagaw ng atensyon ko, ballot ng dugo ang katawan ni Pamela.

“You’re the best Kuya kaya please, don’t blame yourself…”

What happened to her? Shit, hindi ako makapagisip. ANong gagawin ko? Tama, kailangan ko syang isugod sa hospital… pero sinong may gawa nito?

Tang-ina!

“Kuya…”

Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Pam at agad syang binuhat papunta sa hospital nina Ryo.

HOSPITAL

DYLAN POV

The last time na naandito kami was when Ryo died at ngayon… naikuyom ko ang kamao ko.

“What happened?”

Ito lang ulit ang pagkakataon na nagkitakita ang Helena Gang. Kailangan pang umabot sa ganito para lang magkita kita kami.

“Sino naman ang gagawa nito?”

Naikuyom ni Skye ang kamao nito habang nakatingin sa amin. Nag-aalala na ako, mas nagiging komplikado na ang lahat ngayon at isa pa, may mga nadadamay na hindi naman dapat.

“Obviously, it’s Apostle”

“Prime”

Nakasandala lang si prime sa pader habang nakacross arm ito at taimtim na nakatingin kay Jireh na nakaupo sa bench.

“I told you diba? Hindi matatapos ang lahat ng ito dahil lang binuwag mo ang gang…”

Tumingin si Jireh kay Prime at pagkatapos nun ay bigla itong tumayo at sinugod ito. ISang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Prime at bumagsak ito.

“King stop it…”

Nilapitan namin si King pero mabilis nyang naiwasan ang kamay naming ni Skye at malakas na sinipa ang basurahan sa isang tabi.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenWhere stories live. Discover now