Pinaghahampas ko siya sa braso. Bibig talaga ng isang to, napakabastos.

"Bastos mong tao!"

"Love! What's wrong with planning our baby's name?"

"Hindi pa tayo, kasal, anak na kagad nasa isip mo! Kabastos mong tao!"

"H-hey! Stop hitting me, wife. Sadista ka talaga."

"Ewan ko sayo."

Tumayo ako at dumiretso sa kama at dun umupo. Nag-indian sit ako nag-cross arms.

"Love, you know, I want twins. Boy and girl."

"Bunganga mo! Tigilan mo nga yan!" Nagtalukbong ako sa kumot at tinakpan ang tenga ko.

Asar talaga ang isang to.

"Alyssa Klarisse Mendez Tolentino and Alysster Kylde Mendez Tolentino would do! Perfect!"

Ramdam ko ang pagtabi niya at pagyakap saakin.

Inalis ko ang kumot na nakatalukbong saakin at humarap sakanya. "Alam m--"

Nagulat nalang ako ng halikan niya ako. Pakiramdam ko, uminit ang pisngi ko. Tanginaaa! Ito na namang pakiramdam na to!

I don't know but..

I just found myself kissing him back. Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya at mas lalong lumalim ang halik niya.

Napapikit ako ng wala sa oras. Ugh. Stop!

Ng mawalan kami ng hininga ay parehas naming pinaghiwalay ang mga labi namin.

"Bastos ka."

"Why, love? Did I do something?'' Natatawa niyang sabi.

"Nanghahalik ka ng wala sa oras."

"That's what couples always do, love." Ngumisi siya ng pagkalaki laki na siyang ikinainis ko.

"Kung ano-anong pinagsasabi mo."

Napatingin ako sa labi niya. Ay nak ka ng pucha. Nakakakit. Ay, wala! Wala. -,- Erase, erase.

"You want my lips, love?"

Ngumisi siya ng pagkalaki laki. Kingina tong lalaking to.

"G*go!"

"Hahahaha! Love, you can kiss me--"

So I kissed him passionately.

*-*-*

"L-love, wake up."

Naramdaman ko ang marahang pagtapik ni Kean sa braso ko. Naramdaman ko ang malamig na hangin.

Dumilat ako at medyo kinusot yung mata ko. "G-gabi na?"

"Yup. Magpalit ka na. We're going." Ngumiti ito saakin at tumayo na. Tumayo na din ako at dumiretso sa mga gamit ko.

"What should I wear?" Hindi kasi ako makapili ng damit ko. Malay ko ba kung saan kami pupunta.

"Wear your pants, and white long sleeves. Kunin mo yung jacket mo. It's cold outside." Kinuha ko yung mga sinabi niya at dumiretso sa CR.

Naalala ko yung kanina. Yung ginawa ko sakanya. Ang pagtorture ko sa bibig niya. Ugh! Walang nangyari! Wag shrek! Tinorture ko lang yung labi niya, walang nangyaring iba. Wala.

Buti nalang at hindi awkward ang sitwasyon. Tanga ko lang kasi! Eh, sino ba nang hindi gagawin yun? Sa lips na yun?

Sandali nga, kung ano anong iniisip ko! Ugh!

Lumabas ako ng CR at naabutan si Kean na nagtatali ng sintas ng sapatos niya. Naka-tshirt siya at may nakapatong na polong bukas. Ang gwapo tuloy niyang tignan.

Tumabi ako sakanya at siniko siya. "Why, love?"

"Wala lang. Bat ganyan ayos mo?"

"So I could be the most handsome in your eyes, love." Kumindat ito saakin at tumayo para magsalamin.

"Kahit di ka namam mag-ayos, eh."

"Talaga?"

"F*ck." Sinabi ko ba talaga yun?!

"You're so cute!" Pinisil niya ang pisngi ko. Ugh, namumula na nga, mas mamumula pa. What a torture to my cheeks. -,-

Sinuot ko yung rubber shoes kong black at inayos yung buhok ko. Ng makaayos na kaming dalawa ay bumaba na kami para makapunta na kung saan man kami pupunta.

Ng makaalis kami sa hotelbay tinanong ko kung saan kami pupunta.

"To my restaurant here in Baguio, love."

"Restaurant?"

"Yup, love. We have something to do there."

"Ahh. Malayo pa ba?"

"A little bit." Ngumiti siya saakin at nagpatuloy sa pagd-drive.

Tumingin ako sa labas. Ang gaganda ng ilaw. Kahit pala gabi dito sa Baguio ay maliwanag parin.

Kaya siguro dito ako dinala ni Kean dahil maganda dito.

Ilang minuto pa ay tumigil na kami sa harap ng isang restaurant.

KA Restaurant

"K.A?"

"Yup."

"Why K.A?"

"For Kean and Aliyah. Let's go inside?"

Tumango ako at sumunod sa loob ng restaurant.

"Good evening po, Mr. and Mrs. Tolentino."

"Ah. Hehe. Good e-evening." Bati ko pabalik. Ngumti lang si Kean dun sa lalaking nag-assit saamin.

"Give us the menu." Bossy naman netong taong to.

Nag-order na siya ng hindi ko alam dahil nakatingin ako dun sa babaeng may kausap na staff ng restaurant. Parehas kasi kami ng outfit. May kasama siyang lalaki. Kahawig ni kuya. Pero hindi naman si kuya yun. Mas malaki lang ang katawan ni kuya kumpara sa kasama niyang lalaki.

Sinerve nung lalaking sumalubong saamin yung mga pagkain.

"Bat ang dami?"

"Basta. We have something to watch."

Nagulat ako ng sumigaw yung babae. Dahil naiinis ako  at ayaw ko ng maingay, tatayo na sana ako para sitahin siya pero hinila ako ni Kean paupo sa tabi niya.

"Stay with me, love. The movie is starting."

Movie? Shunga ba siya? Movie? Nags-skandalong babae?

*-*-*

The Wife's CryWhere stories live. Discover now