CHAPTER 3

36 6 0
                                    

***

Alex

The sound of the hair dryer roared the room. It's 5:33 of Thursday morning. I'm still sleepy but I had to wake up kasi may klase pa kami na 7:30. It's always been my daily struggle in every morning. Minsan nga kapag tinamad talaga nang sobra, hindi na ako pumapasok. Para sa akin, hindi big deal ang pagliban ng isang araw. It's just one day! Ano bang pwedeng mangyari sa isang araw?

Muli akong napatingin sa phone ko na hindi ko napansing kanina pa palang tumutugtog ng music ng paboritong kong kanta. Hindi ko siguro ito napansin dahil sa malakas na ingay na nilalabas ng dryer. I gazed at the time at nalaman kong magaalas-sais na ng umaga. It meant, may isang oras pa ako para makapaghanda at maglakad papuntang eskwelahan. After a few minutes of grooming, ay natapos din. I was about to wear my uniform when I realized something.

"Suspended nga pala ako!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na matawa. Binato ko ang uniform ko sa higaan at humiga na din dito. Tinitigan ko ang kisame habang inaalala 'yong mga ginawa ko kanina. 'Yong pagtitiis ko sa malamig na tubig, pagpapagwapo, 'yon pala, masasayang lang.

Wait. Si Maica kaya? Hahahaha, baka maaga din 'yon nakagising! Hahahaha, paranoid pa naman 'yon. Speaking of her, I saw her in my dream. What's that suppose to mean?

A knocked on my door stopped me from wondering. Tinitigan ko muna ang pinto at hinintay ang pangalawang kat- Tok! Tok! Tok!

"Alex?" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses ng isang babae. Kung pagbabasehan sa boses niya, nasa 60-80s na ata siya.

Lola Vemine?

Agad akong tumayo sa kama ko at saka tinungo ang pinto. I unlocked the door, twisted the knob at saka dahan-dahang binuksan ang pinto. Bumungad sa harapan ko si Lola Vemine. Siya ang may-ari ng boarding house na 'to at siya rin ang tumayong guardian ko. Kilala niya daw kasi ang mga magulang ko kaya siya na ang kumupkop sa akin. At first, nahihiya pa ako sa kanya n'ong unang dating ko dito, but eventually nagugustuhan ko na siya. Para ko kasi siyang totoong lola. Kahit hindi kami kadugo, I could feel a connection na parang we're somewhat related. Baka nga related kami...somehow.

"Yes po, La?" tanong ko sa kanya, habang nakataas ang dalawang kilay. Lola ang tawag ko sa kanya kapag kinakausap ko siya. Pero kapag ina-address ko siya sa ibang tao, Ms. Vemine ang sinasabi ko.

"Gusto lang kitang kumustahin. Okay ka lang ba dito?"

I was touched nang sabihin sa akin 'yon ni lola. Wala na kasing ibang kumukumusta sa akin maliban kay lola at kay Maica. In our class, I'm the so-called loner dahil walang gustong makipag-kaibigan sa akin, dahil nga sa kumakalat na rumor tungkol sa pagpatay ko sa isa sa mga estudyante ng eskwelahang tinutuluyan ko.

To be honest, no one wanted me around, aside from Maica and Lola Vemine. But I never hated myself because of that. In fact, I liked it. Mas gusto ko 'yong kami lang dalawa ni Maica o hindi kaya ni Lola. I could feel the sincerity kasi na gusto nila akong makasama and I'm so grateful to that.

"Okay lang po ako, La. Kayo po?" bawing tanong ko na nagpangiti sa kanya.

"Okay na okay, anak," sagot niya na may ngiti sa mukha. "Ba't di ka pa nagbibihis? Malalate ka na?"

Agad akong nakaramdam ng kaba, awa at takot. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya. "Ahhh...ano...ano kasi, La..." Umayos ka Alex! Mahahalata ka! "Wala po kaming pasok. Nagkasakit po 'yong teacher namin." I tried my best to look her in the eyes para hindi ako mahalata.

The Mindbender's Journey [Teasers ONLY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon