"Dad? 'Yung totoo, paano n'yo ako nabuo ni mommy?---Aww! The fuck!"

Binato ako ni mommy sandok.

...

"SIGURADO ka bang magugustuhan niya 'to?"

"Oo naman, Ser. Preskang-preska pa ang mga 'yan. Kababa lang niyan galing sa Safina's Garden. "

Sinipat ko ng tingin ang isang bouquet ng rosas. Dumaan ako sa flower shop para bilhan ng mga bulaklak si Heaven. I decided to start getting her attention. I even researched about this last night.

Flowers can melt any woman's heart and kisses can melt the knees. Pasasaan ba't mapapalambot ko rin ang matigas niyang puso. Kung hindi man lalambot, tuhod niya na lang ang palalambutin ko-sa sarap.

"Good. I want a perfect arrangement of flowers for my girl. Baka kasi hindi niya magustuhan at itapon niya sa basurahan. Medyo may pagkamasungit pa naman 'yon."

"Naku, Ser. Kapag gano'n kasungit ang babae kahit araw-araw mong bibigyan ng bulaklak tiyak na malalanta lang iyon sa basurahan-este malalanta din ang puso niyang sintigas ng baston ni Barabas."

"What?"

"Ay, ang ibig ko pong sabihin, Ser, sa ganda nitong mga bulaklak at sa guwapo ninyo, tiyak na mapapalambot n'yo rin ang puso ng babaeng napupusuan ninyo."

I nodded in agreement. I will not stop until my Heaven gives her heart to me.

"Thanks for these."

"You're welcome, Ser. Balik kayo ulit, ha?"

Binayaran ko na iyong mga bulaklak saka lumabas ng flower shop na 'yon. I filed for a leave from work for a week para mapagtuunan ko ng panahon si Heaven. Si daddy na muna ang bahala sa opisina tutal matanda naman na siya.

Nilagay ko sa passenger seat ang bouquet saka umikot papuntang driver seat. I turned the stereo on while driving my way to the Montreal Estates. Naalala kong hindi ko pa pala alam hanggang ngayon kung bakit doon siya nagtatrabaho at kung paanong nasa ospital siya noon at nakasuot ng pang-madreng kasuotan. Anyway, hindi na mahalaga iyon ngayon. Ang mahalaga ay nahanap ko na siya. Malalaman ko rin naman ang totoo, eventually. For now, I will woe her to the core.

I put my aviators on as soon as I exited my sports car. I even parked it on the VIP parking space.

As soon as I graced inside the elevator, pinagtitinginan ako ng mga babaeng sakay nito. I smirked. As much as I wanted to smile at them, I restrained myself. My smile now belongs to Heaven alone. Tarantado ako pero loyal naman ako. I plastered a stoic expression on my face instead.

"Ang guwapo niya, sizzy..." I heard someone whispered but I pretended that I did not hear anything.

Bumukas ang elevator pagkarating ng third floor kaya agad akong lumabas. I know Heaven's office is located here.

Alas nueve na ng umaga kaya tiyak na nakarating na siya. I wanted to surprise her today.

Agad namang nagsulputan ang mga ulo sa cubicle nang maglakad na ako sa aisle. Karamihan sa iyon ay mga babae.

"Excuse me, where is Heaven?" tanong ko sa babaeng pandak pero mataba. Nagningning naman ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Heaven, Sir?" she asked while tucking her stray hair behind her right ear.

"Yes, I'm looking for Heaven."

I was anticipating for an answer but she bit her lower lip.

"Sir, masyadong pang maaga para umakyat sa heaven, but you can have me tonight." She winked at me.

Damn it! Muntik ko nang maihampas sa pagmumukha niya ang bitbit kong mga bulaklak. Tinalikuran ko na lamang siya at isa-isang tiningnan ang nadadaanan kong cubicle.

"Sir, wait!"

Inignora ko na lamang ang pagtawag ng babae sa 'kin. Tangina naman kasi, nakakadiri.

May nadaanan akong isang staff na may katandaan. Siguro nasa mid forties.

"Excuse me, where's Heaven's cubicle?"

Umangat siya ng tingin at hinubad ang makapal na salamin niya.

"Sinong Heaven ang hanap mo, iho? Dalawa kasi ang Heaven dito."

"What?"

"Yes. Si Heaven Cachelle Pantino at si Heaven Castillo."

I paused. Hindi ko pa pala alam ang apelyido niya. Kasalanan talaga ito ni Montreal, ang damot-damot niya kasi.

Tumukhim ako.

"Sino po ang mas maganda sa kanilang dalawa?" Tiyak kasi na mas maganda ang Heaven ko.

"Pareho."

Shit! Napahilamos ako ng mukha.

"Ayos ka lang, iho?"

"A--ah, opo."

Aish! Kapag ako nabuwisit ipapagiba ko 'tong building ni Montreal.

"Sino ba ang hinahanap mo?"

I sighed in frustration.

"Ganito na lang ho, saan po 'yung cubicle ni Heaven Cachelle Pantino at saan naman po ang cubicle ni Heaven Castillo?" I asked. Siguro pareho ko na lang titingnan.

"Yung kay Heaven Cachelle nasa--"

"Tita Lorna!"

My head literally turned around when I heard that familiar angelic voice.

"Heaven..."

My mouth formed a perfect O when my eyes landed on the woman I've been looking for since earlier. She looked so damn gorgeous and ravishing in her pencil cut checkered red skirt paired with a white blouse.

"O, Cachelle, mabuti't nandito ka," sabi ng babaeng kausap ko kanina.

So her name is Heaven Cachelle Pantino. What a beautiful name.

"Tita Lorna bakit po kayo nag-e-entertain ng mga estranghero?"

Her eyes are now darting at me sharply.

"Ah, iha kasi may hinahanap daw siyang--"

"Anong ginagawa mo dito?" matalim niyang tanong sa 'kin.

"Visiting you, babe. Flowers for you." I smiled sweetly at her but she gave me sharp look.

"Hindi ka ba talaga titigil?"

"Why would I? I told you, magkikita pa ulit tayo, babe."

"Shut up and shut down!"

Tinalikuran niya ako at nagmartsa patungo sa pinakadulobg cubicle.

"Heaven, wait!"

She stopped walking then turned to face me. Mga three meters ang layo namin sa isa't isa.

"Tantanan mo na ako, Micaller."

Napaatras ako nang biglang nanlisik ang kanyang mga mata sa 'kin. Damn it, she's becoming more attractive when she's mad!

"Hinding-hindi kita tatantanan hangga't hindi mo ako kinakausap."

"Ano ba'ng kailangan mo sa aking hambog ka?" She placed her hands on her waist.

"Ang mahalin ako."

"What?"

Umusok ang kanyang ilong.

"Yes, babe. I'm here to officially start courting you." Nanlaki ang kanyang mga mata.

"Umalis ka na, sinisira mo ang araw ko."

"Mahalin mo lang ako araw-araw, ako na ang bahala sa bawat gabi mo, babe. I promise to make each night memorable." I winked.

But in just a blink of an eye I saw the stars fell upon my sight when her shoes hit my perfect face.

Fuck!

"Buti nga sa 'yo!" aniya.

©GREATFAIRY

Achilles' HeelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon