Chapter 24

19 6 1
                                    

Zafira's point of view.

I'm a hundred percent sure that my life is a big mess. I feel so dumb and stupid.

Pilit ko iniintindi kung bakit, kung paano at syempre kung ano ang nangyayari. I feel like I'm slowly loosing my mind.

Piling ko lahat nalang sila nagsisinungaling sa akin. Parang wala na ako dapat pagkatiwalaan kahit na pamilya ko sila.

Parang kada gising ko na lamang ay nasa hospital ako at walang maalala. Lagi na lang may mga boses sa panaginip ko, laging malabo, laging di ko maintindihan.

Mas malala ay kahit sinong pinsan ko ay pinagbabawal na bumisita sa akin.

"Ate, you should eat," pagbibigay ng pagkain ni Zach sa akin. Iniisip ko ngayon kung pati ba siya ay may tinatago sa akin. Lahat sila halos kwestyunin ko na.

"Saan ka pupunta?" tanong ko nang bigla siyang tumayo at naglakad palabas.

"Uh, wala, ate. May hahanapin lang," He said without even looking straight in my eye. Kahit saglit lang, pwede bang wag muna sila magsinungaling?

"Zach, kahit ngayon lang. Totoo naman sabihin mo sakin. Nakakasawa na 'yang pagsisinungaling niyo." I said. Hindi ko alam saan nanggaling ang mga sinabi ko pero pagod na ako.

Napansin ko ang pagkabigla sa itsura ni Zach. Unti unti siyang napangiti at lumingon muli sa akin.

"Ate, para sayo naman lahat 'to eh." Pagsisimula niya. Ni hindi ko nga maramdaman na para sa akin tong ginagawa nila kasi nahihirapan na ako eh.

"Hindi lang ikaw nahihirapan dito. At sige, gusto mo malaman bakit ako aalis? Nawawala si Gab." Pagkatapos non ay walang pasabing umalis na siya at iniwan ako mag isa.

Oh great, everything seems to get worse than ever.

Alam ko na dahil sa akin kung bakit nawawala si Gab. Simula nang malipat ako sa school ni Angelique, ang daming kong nararamdaman na mali.

Oo, mababa grades ko sa acads pero marunong ako makiramdam at umuntindi. Kung hindi nila kaya sabihin sa akin ang totoo, ako ang aalam.

And Jc? It seems like he is also part of this. Lahat silang nakapalibot sa akin.

"Zafira," tawag sa akin ni mommy pagkapasok niya sa room ko. She's with Daddy. Halata din ang pagmamaga ng kaniyang mata.

I didn't response. Ano pa ba ang dapat kong sabihin? Pag ba nagsalita ako ngayon, magsasabi na sila ng totoo?

"Anak," Dad sat beside my bed. He looked so worried. But I'm still confused as hell.

"I'm sorry," I saw a tear escaped from my father's eye. And hindi ko mapigilan na umiyak nalang din. Bakit ba parang napakakomplikado ng nangyayari sa akin? sa amin?

"I'll fix this, Zaf. I promise you." yan ang huli niyang sinabi bago umalis sa kwarto ko at iniwan kay mommy.

--

Weeks passed and still, I haven't talk with my dad pero nakakalapit na muli  ang mga pinsan ko sa akin. Nakakapanibago. Napakadalang nila ako kausapin at kung makita man nila ako ay ngingitian lang ako. Para bang hindi na nila ako nakilala.

And my brother, Zach, is still not talking to me. Ano na naman ba ang nagawa ko? I know na kahit ano man yang nangyayari sa pamilya ko, nahihirapan sila. Alam ko na masyado na din nila ako iniintindi.

Iniintindi ko naman din sarili ko pero ang hirap. Kung sana sinabi nalang nila sa akin, edi baka naintindihan ko pa.

"Anestasia, pautos naman. Pabili naman ng pagkain sa canteen," Agad naman sumunod si Anestasia sa akin. Sinabi ko na sa rooftop niya nalang dalhin. Para kasing wala akong gana humarap sa mga tao.

Perfectly ImperfectWhere stories live. Discover now