Chapter 13

17 11 0
                                    

Chapter 13

Kurt's Pov

"Pahamak ka kamo Zach" Pailing iling na sabi ko dito. Umarte ako na para bang nadidisappoint ako sa kanya.

"Malay ko ba" masungit na sagot nito at walang pasabing umalis. Bastusing bata. Buti pa si Zafira, Matino ng kapirangot haha!

Napalingon lingon ako sa aking paligid. Shocks bakit nasa madilim na parte na ako? Bahay ba to ng mga mangkukulam? Mommy huhu.

"AH ASWANG!" agad akong tumakbo pabalik sa loob ng bahay ni Zafira ng may mabanga ako sa mag pool kung kaya't muntik na kami mahulog pareho.

"Muntik na tayo dun pre" sabi ko nang makita kong si Jc pala ang nabangga ko
Pero dinedma lang niya ako. Bakit ba ang susungit na ng mga people ngayon?

Lumipas ang Minuto at mukhang wala talagang balak si Jc na pansinin ako kaya Iniwan ko nalang siya dun kasi mukhang malalim din ang iniisip.

Pumunta ako sa may garden nina Zafira. Mas mabuti na dito para makapagisip din ako mag isa.

How long would I be in pain? Why is my destiny like this? Bakit kailangan ko masaktan tuwing nakikita ko sila?

I deep sighed. I know that I shouldn't be feeling this way pero lalaki naman din ako at hindi na siguro maiiwasan ang nararamdaman ko ngayon.

Ano nga ba kasi nararamdaman ko?

I think I'm in love.

"Kuya Kurt?" Mythoughts suddenly stopped. Akala ko ako lang ang nandidito. I tried my best to smile.

"Ginagawa mo dito tomboy?" Pang asar na tanong ko sakanya. Pansin na pansin ko na sinamaan niya ako ng tingin na parang papatayin na niya any time.

"Ay joke lang. Ano nga ginagawa mo dito Gab?" tanong ko ulit sakanya. Siya yung isa sa pinsan ni Zafira. I realized that I'm so stupid para tanungin itong si Gab dahil for sure susungitan lang naman niya ako.

"Nagpapahangin lang tsaka ayoko sa loob, ang ingay. Ikaw anong ginagawa mo dito?" I gave her a shocked look. Did she just answer my question? Grabe achievement ito!

"Magpapahangin lang din sana" sagot ko bago pa man niya mapansin ang gulat kong mukha dahil baka samaan nanaman ako nito ng tingin. Mahirap na. Baka madamay ang gwapo kong pagmumukha ko dito.

"Kamusta na pala si Girl-i-don't-know-who mo? Ano na nangyari?" pagiibang tanong nito.

Umiling ako "Wag echosera" natatawang sagot ko sa kanya.

"Nakakainis ka talaga! Pareho kayo ni Kuya Jc!" Naiirita na sabi nito sa akin.

Napatingin muli ako sa kawalan. Kaya siguro kami mag Bestfriends ni Jc dahil pareho kami. Parehong pareho.

"Ingit ka? Pakapogi ka din" Pagloloko ko sa kanya.

"Sus eh kung siraan kita sa mga pinipormahan mo" Saglit nawala ang ngiti sa aking labi. Hindi niya na kailangan sirain dahil matagal na akong sira dahil kilala niya ako ngayon bilang Makukit na Kurt pero hindi ang seryosong ako.

"Eh kung siraan din kita kay Justin?" balik na pagbabanta ko sa kanya. Si Justin ay kapatid ni Jc at ewan ko kung anong klaseng utak ang meron si Gab para magustuhan ang isang napakalamig na lalaki.

Perfectly ImperfectWhere stories live. Discover now