Chapter 15

22 11 2
                                    

Chapter 15

Zafira's Pov

I woke up when I heard giggles and chuckles around me. Bumangon ako at umupo sa kama habang kinukusot ang mga mata ko.

"Napaka ingay niyo talaga, Nagising tuloy ate Zafira niyo" Nadinig kong panenermon ni Angelique sa mga pinsan ko.

"Ikaw kaya nagsabi na magingay para magising siya" Masungit na sabi ni Chad na nakatingin sa laptop kasama sina Zach at Johanne. For sure, Nanonoo nanaman ang mga ito ng paborito nilang anime na Naruto.

Napansin ko ang pagsama ng tingin ni Angelique kay Chad na nakatutok sa laptop.

"Totoo naman yung sinabi ni Chad e" Pagtatangol ni Zach kay Chad ng makita ang masamang titig ni Angelique sa kanya.

"Bakit ba kayo nangigising?" Tanong ko habang kinukusot ang aking mata.

"Ah kasi ate Zaf, tumawag si Mama. May party" pagsasalita muli ni Zach na nakatutok pa din sa laptop

"Tapos?"

"Kasama daw tayo tsaka since andito naman na daw sina Ate Angie, isama na daw sila" Sabi ulit ni Zach "Party nanaman.Kakaparty lang natin kagabi" Pabulong na dagdag nito.

"Saan daw ba?" Muling pagtatanong ko. Jeez, I hate parties! It's just Im having a feeling whenever I'm in a party. Like, Parang I have already bad memories though wala naman talaga akong maalala.

"Sa Korean Restaurant daw ba yun? basta! ihahatid naman tayo ni Manong"

"Last Question. Bakit kayo nag tatawanan kanina?" Ako

"Kasi Ate Zaf, si Zach HAHAHAHA" sabi ni Chad

"ubusin mo muna yang tawa mo, bago ka magkwento" sabi ko naman sakanya kasi naman tawa ng tawa

"Eto na HAHAHAHAHAAHAHA Sabi kasi ni Johanne, nagising daw yan nung madaling araw tas nung tinanong daw niya kung saan siya pupunta tapos ang sagot daw ni zach 'Maliligo ang init kasi e'" kwento ni Chad

"What the hell, Zach" Hindi makapaniwalang sabi ko sakanya. Duh? Nakamax ang aircon kagabi at halos manginig ngini na nga ako sa lamig tapos siya naligo kasi nainitan?

"Tagay pa, pare!" Natatawang sabi ni Angelique habang itinataas ang bote ng wine na ininom namin "Ang sarap kasi ng Carlo Reyes, Ano?" Pangaasar pa nito.

Maybe, Zach got drunk kasi siya ang uminom karamihan sa mga kalahating baso na ibinibigay ni Chad. Patuloy sila sa pagtawa while Zach was hiding his face from the pillow.

"Tch. Ano ba yan? Ang ingay ingay niyo!" Pagrereklamo ni Gab na kakagising lang.

"Morning, Ynna!" Mapangasar na pagbati ni Johanne dito. Syempre, Kung andyan si Johanne para mangasar, Edi nariyan rin sina Chad at Zach para dumagdag at sirain ang araw ni Gab.

"Huwag mo nga tawagin na Ynna yan. Mas bagay yung Gab kasi tomboy siya" Si Zach...

"Mas lalaki pa nga sa atin yan e" ... na sinundan ni Chad.

And now, Here's how the sadist Gab is. Agad agad itong bumangon at lumapit sa tatlo.

"HINDI PORKET HINDI AKO GIRLY TYPE NA BABAE AY TOMBOY NA AKO!" Sigaw nito habang pinagpapalo at tinatadyakan ang tatlo. Mamula mula na ngayon si Gab dahil sa pagsisigaw niya.

Perfectly ImperfectWhere stories live. Discover now