Chapter 19

15 7 0
                                    

"Huh?" I asked Gab. I'm not sure if what is she mouthing. Amnesia, Alesia,Ayesha? Well, Something like that.

"Wala, Wala" Sabi nito bago umalis sa aking harapan at muling bumalik sa couch na inuupuan niya kanina. Muli siyang natulala. What's with Gab?

Pinagmasdan ko ang kaniyang ginagawa. I swear, Something is happening with Gab. Gab usually bit her lips or play with her hair when she wanted to say something she can't say. Ayan ang ginagawa niya ngayon, So therefore, She wanted to say something.

Napansin niya na nakatitig ako sa kanya kaya siguro kinuha niya ang magazine sa tabi niya at itinapat sa mukha niya ito but she isn't reading.

She couldn't read a magazine which is upside down, I guess?

Dahan dahan niyang ibinaba ang magazine sa mukha niya at sandali akong tinignan bago bumaling sa kumot at maliit na unan sa couch na inuupuan niya. Ibinaba niya ang magazine sa sahig at nagtangal ng kaniyang sapatos. Mabilis na humiga ito at nagtago sa ilalim ng kumot.

I sighed. What shall I do? According to Angelique, She's confused right now for she wanted to change her sports pero I feel that it isn't about it. Gab is smart. She knows how she'll handle what she likes.

"Gosh! Ate Zaf!" Nabaling ang aking atensyon kay Shanine na papasok na sa aking kwarto. Patakbo itong lumapit sa akin at halos daganan na ako sa paraan ng kaniyang pagyakap. Nakita ko naman si Alex na nginitian lamang ako bago lumapit sa mga kuya niya.

"Grabe, Ate! Ang tagal mong natulog! One week is so long!" sabi nito nang kumalas siya sa pagkayakap sa akin.

One week? But--

"Nasa hospital ka, Ate. You're lying there for almost 3 days na"

Muli kong pinagmasdan ang mga pinsan ko. Zach was looking at Shanine with his shut-up look. So, Zach lied. I wonder if also Chad and Johanne did.

"Ah eh! Haha! Tara kain ka na Zaf!" Inakbayan ni Angelique si Shanine at tumalikod.

"Kakain ko lang, Angelique" sabi ko dito. Akmang lalayo niya na sana si Shanine sa akin ng napatigil ito sa sinabi ko.

"Ah, Oo nga pala! Comfort room lang kami ni Shanine!" Hindi ako nito nilingon bagkus itinuloy ang paglakad niya habang nakaakbay kay Shanine.

"Angie, May Comfort room dito sa kwarto" I said bago pa man niya mahawakan ang door knob. Humarap ito sa amin at napansin ko ang bahagyang pagkamot ng ulo niya.

"Ano...Tatawagin namin si Tita! Oo!" Sabi nito at muling hinrap ang pinto at mabilis na binuksan ito.

Well, Too bad for her because the moment she opened the door is when Tita arrived holding some paper bags.

"Saan punta niyo?" Tanong ni tita.

"Susunduin sana namin kayo. Ah, eh... Lilibre ko po ng chuckie si Shan!" Sabi ni Angelique. Muli nanaman sana itong hahakbang palabas nang hawakan siya ni Tita.

"Nako, Huwag na! Nagdala na ako ng chuckie para sa kanya" Pagpigil ni tita dito at inilabas ang sa eco bag ang chuckie at inabot kay Shanine. Dinaanan na din ni Tita si Gab at ipinasok ang isang chuckie sa ilalim ng kumot nitom

Angelique was left with no choice but to step back to my room.

"Hija, Ayos na ba ang pakiramdam mo? Mabuti naman at nagising ka na" Sabi ni Tita ng lumapit ito sa akin. Bahagya akong tumango bilang sagot sa tanong niya.

"Nagdala ako ng prutas para sa iyo" Bahagya naman akong ngumiti ng ipinakita niya sa akin ang laman ng bag niya bago inilagay sa lamesa na nasa gilid ko.

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon