# 42. "HINDI KITA ASO"

85 4 0
                                    

Isang buong papel ang kumawala,
Parang tiwala na biglaang nawala;
Bibig ko'y hindi makapagsalita,
Mga luha mo kase ang aking nakikita.

Nakatingin lamang ako sayo,
Tinititigan mo naman ako sa malayo;
Sinusundan moko na parang loko 'loko,
Inutusan ba kitang bantayan ako?

Nasasakal ako't hirap na gumalaw,
Masasakit na sigaw na nga ang umalingawngaw.
Subalit mga salita ko'y patuloy na nagsasayaw,
Sa utak mong patuloy na umaayaw.

Tula ng makataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon