#22. " KINAIN NG SISTEMA"

374 6 1
                                    

Dalawang pares ng mata,
Nakatutok sa isang pelikula;
Mga kathang-isip na karakter,
Kabilang doon si Eren Yeager

Dalawang pares ng mata,
Nakatutok sa iniidolong "Oppa";
Kantang hindi ko maiintindihan,
Sabay na ipinatugtug ng kababaehan

Dalawang pares ng mata,
Nakatutok sa Wattpad niya;
Mga inilikhang istorya,
Iba't ibang uri ng genre

Dalawang pares ng mata,
Nakatutok sa larong "Dota";
Oras ay hindi pinapansin,
Katawan mo'y amoy asim

Dalawang pares ng mata,
Nakatutok sa pornograpiya;
Mga hubo't hubad,
Damit ay kahit saan napadpad

Dalawang pares ng mata,
Iba't iba na ang nakikita;
Dalawang pares ng mata,
Ito'y pagod na pagod na.

Tula ng makataWhere stories live. Discover now