#17. ''Digmaan ni Aling Luna''

206 6 0
                                    

Kumukulong tubig,
Mainit na hangin
Kaakit-akit na tanawin;
Hinahaplos ang kalangitan

Karagatan ay sinisid,
Nahanap ang perlas;
Maharlikang prutas,
Pintuan ay nabuksan

Pumasok sa tahanan
Lumabas isang tauhan;
Salitang masasarap
Parang ibon na kumakausap

Sugatang umuwi,
Pero hindi naman nalugi,
Si Pedro'y babalik nanaman,
Dadala ang sandatahan.

Tula ng makataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon