Chapter 31

1.5K 72 2
                                    

TEASE

He can't believe na bukod sa may pagkasaltik ang kasintahan na si Evelyn ngayon lang niya ito nakita kung paano itong magalit at maging malamig sa mga kaharap nito. Tila ibang Evelyn ang nakikita niya ngayon at nakakaramdam siya ng pagkaproud dahil hindi ito nagpapatalo sa mga taong gustong pabagsakin ito. Bumaling ang tingin niya sa Step-Sister nito na si Bianca na sobrang talim ang tingin na pinupukol kay Evelyn at matapang naman iyun tinapatan ng kasintahan.

Don't mess up with her...and that's my girl.

Bago pa man tuluyan mawala sa kontrol ang kasintahan nilapitan niya ito at ibinulong ang isang bagay na may kinalaman siya kung bakit nagkakagulo ngayon.

Nanlalaki ang mga mata na napatingin sa kanya ang dalaga at tinanguan niya ito para iassure na kontrolado nila ang sitwasyon. Agad naman kumalma ang dalaga at muling hinarap ang mga naroroon na may paghihinala at malisyosong tingin sa kanila.Who cares,anyway?

Yeah,bituin ng buhay. Wala ng pakielam sa kung ano ang sasabihin at tingin ng iba..untag ng isip niya.

Napangisi siya kung paano maging dominante ang kasintahan na kinataranta ng lahat. Agad na napangisi siya ng maramdaman ang presensyang paparating hanggang sa iluwa ito ng bumukas na pintuan.

Gulat at pagkamangha ang naging reaksyon ng lahat. Singhap naman at hindi makapaniwala naman ang naging reaksyon ng madrasta ni Evelyn at ni Bianca.

"Ang..ang ibig mong sabihin..sakin pa rin ang kompanya?" hindi makapaniwalang saad ni Evelyn ng isiwalat ni Constell ang naging papel nito.

"Yes..nautusan lang naman ako ni Alazis para turuan ng leksyon ang nang-aapi sa sinisinta niya,"anito na may panunudyo.

Napatingin sa kanya ang dalaga. Bumuga siya ng hangin at ipinaliwanag niya kung bakit niya iyun pinagawa sa kaibigan.

" Kung magagalit ka na minapula namin sila..kay Alazis lang ha..ako, bilang kaibigan pinagbigyan ko lang siya,"agad na depensa ni Constell ng makitang tahimik lang ang dalaga at hindi niya mabasa ang nasa isip nito.

Sinamaan niya ng tingin si Constell na kinangisi nito.

"Okay..naiintidihan ko na," maya-maya komento ng dalaga.

Doon lang niya natanto na nakaramdam siya ng kaba sa magiging reaksyon nito. Ganito ba kapag nasa relasyon ka? Nakakatakot na magkaroon ng hinding pagkakaunawaan?

Agad na sinamaan niya muli ng tingin ang kaibigan ng marinig niya ang pagtawa nito.

Tumikhim ito at bumaling sa kasintahan nya.

"Mabuti naman kung ganun..hindi ka kasi nakapagreak eh,nakakatakot ka pala," pagdiin nito sa salitang nakakatakot sabay ngisi nito sa kanya.

Bago pa man siya maganti sa panunudyo nito. Nagsalita na muli ang dalaga.

"Hindi lang ako makapaniwala kasi. Saka kinabahan talaga ako na mawala sakin itong kompanya tapos hindi ko naman kilala kung sino ka," anito.

Tumawa ang kaibigan. "Ngayon kilala mo na ko at...saan ako nagmula," anang ng kaibigan.

"Oo..gaya ni Alazis. Bakit ang gugwapo ng mga tulad niyo? Marami ba kayo?" bigla nitong pagtatanong.

Natawa ng malakas si Constell. "Marami kami..pulos magagandang lalaki," nakangisi tugon ng kaibigan na kinailing niya.

"Talaga? Pero mas gwapo pa rin sakin ang boypren ko!" sabay lingon sa kanya ni Evelyn.

Maang na napatingin sa kanya kaagad si Constell.

"Boyfriend mo na yan na may pusong-bato na bituin na yan?" hindi makapaniwalang bulalas ni Constell.

Tumawa ang dalaga sabay lapit sa kanya at yumakap sa braso niya. "Oo! Bagay kami di ba? Antagal ko kaya niligawan ito,"anang ng dalaga na kinailing niya.

Ang gulat na bumalatay sa mukha ng kaibigan ay napalitan ng pagkamangha. Ngumisi ito.

"Sabi ko sayo eh..ano ka ngayon? Tinamaan ka na ng pana ni kupido eh noh,"  pang-aasar nito sa kanya.

Isang tawa lang ang tinugon ng dalaga.

Sumulyap siya sa dalaga at nakatingala pala ito sa kanya.

"Thank you.." madamdamin nitong saad.

"Kahit ano para sayo,"usal niya.

" Sheyt! Kinikilig ako!"

Isang matalim na tingin ang pinukol niya kay Constell sa binulong nitong iyun. Isang nanunudyong ngisi lang ang naging sagot nito.

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now