Chapter 21

1.4K 69 1
                                    

KISS

Marahas na napabuga ng hangin si Evelyn pagkatapos niyang makausap ang abogado ng kanyang ama.

It's a bad news. Sa naging kalagayan niya napagdesisyunan muli ng mga board members na ipahawak muli kay Bianca ang kompanya.

Naikuyom niya ang mga palad na nasa ibabaw ng hita niya. Ilang araw na mula ng madischarge siya sa ospital at ayaw siyang payagan ni Alazis na bumalik sa kompanya lalo pa at pinaiimbestigahan pa nito kung sino ang gustong lumason sa kanya.

Wala naman siya choice kundi sundin ito dahil nangangamba din siya baka hindi lang iyun ang gawin sa kanya ng kung sinuman ang may gawa niyun sa kanya.

Ayaw niyang isipin na baka may kinalaman roon si Bianca o ang madrasta niya pero...baka imposible.

"Posible gawin nila iyun sayo,Evelyn," ani ni Alazis ng ipaalam niya rito ang hinala niya. "Kung nagawa na nila ng una malamang kaya nila ulit gawin yun...ang patayin ka," matiim na saad nito.

Nakagat niya ang pang-ibaba labi. "Ganun ba sila kasama?" nagugulimihan niyang saad.

Matiim na nakatitig sa kanya si Alazis.

"You are still hoping na hindi sila ang may gawa niyun.." basa nito sa nasa isip niya.

Marahas siyang napabuntong-hininga. "Hindi ko alam,Alazis..umaasa ako na..hindi sila ganun kasama," saad niya.

"Paano kung sila nga?" may panghahamon nitong saad.

Hindi kaagad nakaimik si Evelyn. Mariin niya naikuyom ang mga palad.

"Kailangan..nilang pagbayaran,gusto nila akong patayin..ulit,"wika niya.

"Then,I will prove it na sila ang may gawa niyun sayo,Evelyn," puno ng kaseryusohan nitong sabi.

"Na...naaawa ako sa kanila..kung sakali man na sila nga..shit,hindi ko mapigilan makaramdam ng awa para sa  kanila," matapat niyang sabi rito.

"Sa tingin mo nakakaramdam din sila ng awa sayo? Baka nakakalimutan mo,pinatay ka na nila noon,Evelyn,"mariin nitong sabi.

Nang maalala iyun mabilis na nanumbalik ang galit sa puso niya para sa mag-ina.

"Tama ka...kung nagawa nila kong patayin nung una..hindi posible na gawin nila ulit yun sakin sa pangalawang pagkakataon," saad niya. "Hindi ko hahayaan na agawin nila muli sakin ang pangalawang buhay ko,Alazis," dugtong niya sabay matiim na tumitig sa mga mata ng binata.

"Mabuti kung ganun," saad nito.

Nanatiling nakapagkit ang kanilang mga mata hanggang sa namalayan na lang ni Evelyn na magkalapat na ang mga labi nila.

Hindi niya alam na tinawid na pala niya ang nakapagitan na mesa sa pagitan nila at ngayon nga ay nakatunghay siya rito. Magkalapat ang mga labi.

Hindi gumagalaw ang binata. Alam niyang nabigla ito sa kapangahasan niyang iyun!

Nanglalaki ang mga mata na agad na lumayo siya rito.

"I..I..S-shit!!" natataranta niyang turan at mabilis na tinalikuran ito. Nag-iinit ang mukha niya sa sobrang kahihiyan.

"S-sorry! I-ikaw kasi eh!" paninisi niya rito sabay mabilis na tumakbo palabas ng bahay.

Humihingal at malakas ang kabog ng dibdib niya ng makalabas siya ng bahay.

Awang ang mga labi niya at hinaplod iyun ng mga daliri niya.

"Ang lambot ng lips niya," anas niya.

Lukaret ka talaga,Evelyn!

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now