Chapter 19

1.4K 65 3
                                    

WEAK

Agad na naipikit muli ni Evelyn ang mga mata ng masilaw siya ng puting ilaw na nasa kisame. Alam niyang nasa loob siya ng hospital. Amoy gamot ang nalalanghap niya. Nagmulat siya muli ng mga mata at doon lang niya naramdaman ang panghihina ng katawan niya.

"Alazis..." anas niya.

Napabuga siya ng hangin na matantong mag-isa lamang siya sa loob ng silid.

Saan kaya siya?

Bumukas ang pintuan at nag-aalalang madrasta ang niluwa niyun.

"Evelyn! Diyos ko,ayos ka na ba? Anong nangyari sayo?!" puno ng pag-aalala nitong tanong sa kanya pagkapasok nito.

"Tita.." nanghihina niyang saad.

Muli bumukas ang pintuan at nabuhayan siya ng si Alazis ang pumasok.

Agad naman binati ng madrasta niya ang binata na tango lang ang tinugon ng huli.

"Kamusta si Evelyn? Hindi ko na naitanong sa nurse kung ano na ang status niya?" pagtatanong ng ginang kay Alazis.

Nanatili lang siya nakinig sa dalawa nasa magkabilang gilid niya ang mga ito.

"Okay na siya,stable na ang lagay niya pero kailangan pa rin niya manatili dito ng dalawang araw," tugon ni Alazis.

"What happen to me?"pagtatanong na niya.

Pagkakatanda niya sobrang sakit ng tiyan niya..nangyari yun ilang minuto ng makakain siya ng tanghalian.

" Food poisoning,"agad na tugon ni Alazis.

Napasinghap ang ginang. "Ano? Bakit? Anong kinain mo? Saan nanggaling? Kailangan ko malaman kung saan para mareklamo natin!"anang ng ginang.

" Yung kinain niya na pinabigay lang sa kanya na nakafood poisoning sa kanya kanina,"komento ni Alazis na kinatigil niya.

"Yung..sinigang na baboy?" aniya.

Mataman na tumango ang binata. Napasulyap siya sa madrasta niya. Kunot ang nuo nito pero agad din napangiti ng tipid ng mapuna na nakatitig siya rito.

"Sino daw ba..ang nagpapabigay sayo?" maingat at ilag ang mga mata tanong nito sa kanya.

"Iniwan lang sa table ni Sec.Dori..pero may card na para nga iyun sakin," tugon niya.

Napasulyap siya kay Alazis. Matiim ito nakatitig sa ginang. Alam niya sa klase ng pagkakatitig nito sa madrasta niya ay binabasa nito ang nasa isip ng huli..pero naningkit ang mga mata ng binata.

Ramdam niyang hindi mabasa iyun ng binata kung ano ang nasa isip ng ginang lalo pa nga at ilag ang mga mata nito sa kanila.

"May kinausap na kong mag-iimbestiga kung sino ang nag-iwan sa opisina niyun..sa ngayon,she need more to rest,pwede kayo bumalik bukas,Ma'am.." pagtataboy na ni Alazis sa ginang.

Agad naman tumango ang ginang. "Sige,babalik ako bukas,Evelyn.." anang nito at mabilis na hinalikan siya sa pisngi at lumabas na ng silid.

Nagpakawala siya ng hangin. "Sino kaya gusto lumason sakin?" aniya.

Mataman na tinitigan siya ni Alazis. Isang nanghihina ngiti ang pinukol niya rito.

"Rest now..ako na ang bahala tungkol dyan,"komando nito sa kanya.

"Ang sungit mo talaga,atorney.." Aniya na napapapikit na rin. Marahil sa gamot na iniinject sa kanya kaya ganito siya ka-weak.

Hindi niya maimulat ang mga mata ng maramdaman niya na tila may humalik sa nuo niya.

Sleep now,I'll take care of you..

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora