Chapter 17

1.5K 69 2
                                    

BOARD MEETING

Aminado si Evelyn na nakakaramdam siya ng takot. Oo..siya ang pinamanahan ng ama sa kompanya nila pero ano nga ba ang alam niya sa paghawak ng kompanya nila?

Ni minsan hindi siya nagkaenteres na alamin ang pamamalakad sa kompanya nila lalo ng mag-asawa muli ang kanyang ama ng mga panahon na yun ay gusto na ng ama niya na pag-aralan niya ang pagpapatakbo ng kompanya nila pero ang ginawa niya bumukod siya at lumayo sa kadahilanan n hindi niya gusto ang pakikitungo sa kanya ni Bianca na kung umasta ay siya ang sampid roon.

Marahas siyang napabuga ng hangin. Napasinghap siya ng may kamay na pumatong sa ulo niya. Walang emosyon ang mga mata ni Alazis ng magtama ang kanilang mga mata.

"Kung nais mo kaya ko naman kontrolin ang magiging sitwasyon ng pagtitipon na ito," anito sa seryosong anyo.

Napangiti siya kahit masungit ito alam niyang kasingningning ng mga bituin ang kalooban nito kaya nga siya nabuhay muli dahil rito!

"Ayos lang,Alazis..ang dami mo ng nagawa para sakin..hindi ko nga alam kung paano ako makakaganti sayo," tugon niya rito.

Mataman na pinakatitigan siya ni Alazis. Kung kaya lang niya basahin ang nasa isip nito.

Bago pa man siyang muli makapagsalita bumukas ang pintuan ng board meeting room.

"Ms.Sacariaz," agad na pagbati sa kanya ng isa sa mga board members hanggang sa sunod-sunod na nagsidatingan ang lahat at ang huling dumating ay ang mag-ina.

Pinagmasdan niya ang masayang pakikipag-usap ng mag-ina sa mga board members. Napabuga na lang siya ng hangin. Alam niyang lamang sa kanya si Bianca sa tiwala ng mga ito pagdating sa pamamalakad ng kompanya nila.

Hindi nagtagal sinimulan na ang pagtitipon.

"Palagi ka nababanggit ng iyong ama..nanghihinayang siya na hindi ka raw enteresado sa pamamalakad ng kompanya," untag ng isang matandang board member.

Nakita niya ang pagngisi ni Bianca bago ito matamis na ngumiti sa huli na tila kakampi nito ang matanda.

"Nagtataka nga po ako kung bakit sa akin niya ipinangalan ang kompanya ito," nakangiti niyang saad sabay titig kay Bianca.

Nagkatinginan ang lahat at nawala ang ngiti sa mga labi ni Bianca samantala pilit naman ngumiti sa kanya ang madrasta niya.

Alam niyang nahimigan ng lahat ang sarkasmo sa sinabi niya.

Isang maikling tawa ang pinakawalan niya upang basagin ang biglaan pananahimik ng lahat. "Isang malaking responsibilidad sakin ang pamamalakad sa kompanyang ito at hindi ko kinakaila na wala nga kong alam sa pagpapatakbo ng kompanya na iniwan sa akin ng aking ama," aniya na may diin ang huling mga salita na hindi inaalis ang tingin  kay Bianca na kakitaan na ng inis at galit sa kanya.

"Dahil doon kakayanin ko ang lahat para lang mapatakbo ang kompanya ng maayos,"kumpiyansa niyang saad.

"Pero,Hija..kailangan mong pag-aralan ang pasikot-sikot sa kumpanyang ito kaya habang ginagawa mo yun..lahat kami ay kampante na pasamantalang hawakan muna ni Ms.Bianca ang kumpanya," pagsasalita muli ng natandang board member.

Lihim niya naikuyom ang mga palad na nasa ibabaw ng armrest ng upuan niya. Muling kumislap ang ngisi sa mga labi ni Bianca. Tinaasan pa siya nito ng kilay na animo'y nanghahamon sa kanya.

"Wala naman ako tutol dun..kaya nga lang may isang bagay kayo na hindi niyo alam kung bakit siya napunta siya sa ganitong sitwasyon,"usal niya habang mariin na nakatitig kay Bianca na bigla na lamang namutla ang mukha nito.

"Uh,Hija...Evelyn..alam kong kaya mo patakbuhin ang kompanya habang pinag-aaralan mo ito," anang ng madrasta niya.

"Mama...", mariin na sita rito ng anak.

Napapahiya naman ngumiti sa kanya ang ginang.

Obvious naman na wala sa kanya ang panig ng lahat.

"Nakapangalan sa kanya ang kompanya,meron man o wala siyang alam sa kumpanya ito wala naman kayong choice kundi kunin ang dapat sa kanya..She's the boss here,anyway.." pagsabad na ni Alazis na kinatahimik muli ng lahat.

Lahat ay wala nasabi sa binitawan salita ni Alazis. She's glad to having him by her side.

"Well,tama ka dun,Atty.Daru..uh,sakin naman ang mahalaga mapangalagaan ng mabuti ang ating mga empleyado at alam kong kakayanin ni Ms.Sacariaz ang paghandle sa kumpanya," pagkibot na ng ibang board members na agad naman sinang-ayunan ng lahat.

Maliban na lamang kay Bianca at wala naman nagawa ang isang matandang board member na nakisang-ayon na lamang.

Isang ngiti ang pinukol niya kay Alazis na mataman lang nakatitig sa kanya.

"Well,aasahan namin na magiging maayos ang lahat kung may kailangan ka nandito lang kami ,Ms.President.."

"Salamat sa tiwala niyo,asahan niyo gagawin ko ang lahat na makakaya ko," aniya na nakipagkamay sa bawat miyembro ng kumpanya.

"Sana nga lang magawa mo ng maayos ang trabaho mo dahil maraming empleyado ang madadamay kung palpak ang boss nila na wala naman alam sa pamamalakad ng kumpanya,"pagbitaw ni Bianca ng matatalim na salita bago ito mabilis na lumabas ng silid.

"Uh,Hija..congrats and good luck!" anang ng ginang at sinundan ang anak.

Napailing na lang siya.

"Babantayan ko siya..hindi ko gusto ang sunod na gagawin niya para lang mabigo ka," untag ni Alazis.

Walang sabi-sabi na niyakap niya ito na kinabigla naman nito.

"Salamat,Alazis!"

Hindi naman nagtagal naramdaman niya na nag-angat ito ng braso at gumanti ng yakap sa kanya na kinangiti niya.

Niyakap siya nito!!!!

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now