Chapter 20

1.7K 75 8
                                    

FAVOR

Malapit ng mairita si Alazis sa pagngisi-ngisi ni Constell sa kanya habang magkaharap sila sa ilalim ng punong mangga na malapit sa tinitirahan nito at ng asawa nito.

Sinadya niya itong puntahan para humingi ng isang pabor.

"So,anong maitutulong ko,Star of Stone?" panunudyo nito sa kanya. Iyun ang bansag nito sa kanya kasingtigas daw kasi siya ng bato dahil sa personalidad niya.

Sinamaan niya ito ng tingin na kinangisi lang nito.

"Hindi ko alam kung bakit ako nandito kung tutuusin kaya ko naman gawin mag-isa pero ayaw ko lang masangkot..."

"Masangkot sa isang babae,tama?"agad na pagsabad nito sa sinabi niya.

Sinamaan muli niya ng tingin si Constell ng tumawa ito. Tawa na may panunudyo.

" Ganyan din ako ng umpisa,hanggat maaari ayokong maugnay sa kanya,"tukoy nito sa napangasawa nito. "Pero,masyadong makapangyarihan ang pag-ibig,Alazis..kahit anong tikis mo sa sarili mananaig pa rin ang puso," nakangiti na nitong saad.

Tinanaw ang asawa nito na nakaupo sa ilalim ng puno habang masuyong hinahaplos ang malaking tyan nito.

"Hindi yan ang gusto ko pag-usapan,Constell.." mariin niyang saad.

Tumawa muli ito. "Oo na! Ikaw naman ayaw mo talaga sa kacheesy-han ko ngayon eh noh," anito.

"Ano ba ang maitutulong ko?"pagseseryoso na nito.

Marahas siyang napabuga ng hangin. Ayaw taLaga niya maugnay sa gulo ng buhay ni Evelyn pero...pero hindi siya mapakali kung hahayaan niya yun!

He's even worried to her,damn!

" Do me a favor,"matiim niyang saad.

"Anong klaseng pabor ba?"

"Gusto kong pabagsakin mo ang Sacariaz Company..pinamumunuan yan ngayon ng stepsister ni Evelyn ang kompanya," aniya.

Nagsalubong agad ang mga kilay ni Constell. "Teka,gusto mong pabagsakin ko ang kompanya yun,di ba minana iyun ni Evelyn?" naguguluhan nitong saad.

Tumango siya. "Oo..babalik pa rin naman kay Evelyn ang kompanya kapag nakuha mo na," aniya.

Tumango-tango si Constell. Nakuha ang gusto niyang mangyari. Mabuti na lamang isa ng businessman sa mundong ito si Constell dahil wala na ang abilidad nito bilang isang bituin at naging ordinaryo tao na lamang ay nagsumikap ito at nagtayo ng sarili nitong pagkakakitaan at ngayon nga ay nakikilala na ito isang mahusay na businessman.

"Alright,handa ako tumulong para sa star of your life mo," anito sabay ngisi sa kanya.

Napailing na lang siya sa pinagsasabi nito.

"Sana...makasama kita ng matagal at sana.." pagngisi nito at binitin ang huLing sasabihin na kimasama lang niya ng tingin rito.

"Mapalambot niya ang puso mo..mapaibig ka niya," pagtatapos nito sa sasabihin.

Marahas siyang napabuga ng hangin at tinalikuran na ito.

Kalokohan lang yun!

Worried lang siya!

"Sabi ko sayo masyadong makapangyarihan ang pag-ibig!" pahabol nito sa kanya.

Kabaliwan.

Hindi pa siya nababaliw para mangyari yun. Worried at concern lang siya sa dalaga dahiL  nakakaawa naman taLaga ang kalagayan nito sa buhay!

Oh yeah,Alazis..kasingningning ng bituin ang pag-aalala mo sa kanya.

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora