Chapter 10

1.6K 78 3
                                    

LAWYER

Hindi makapaniwala sa sarili na inayos ni Alazis ang pagkakasuot ng salamin na walang grado sa mga mata niya.

Sa pagiging kakaibang nilalang niya hindi naging mahirap sa kanya na maging isang abogado na lisensyado pa.

Isang pitik lang iyun na ang katauhan niya ngayon ang maging abogado ni Evelyn.

Yeah,bakit mo nga ba ginagawa ito? Kasama ba yun sa pagiging bituin ng buhay mo?

Agad na sinawata niya ang paninita ng isip niya.

Nang makita niyang luhaan ang dalaga habang nanaginip ito may kung ano na binuhay pa ito sa kalooban niya.

Awa lang siguro yun..? Saad ng isip niya.

Pero gusto komontra ng puso niya na agad naman niyang pinigilan.

Marahas na napabuga siya ng hangin at agad na napadako ang tingin sa matandang lalaki na papalapit sa pwesto niya.

Kasulukuyan siya nasa isang coffee shop at kanina pa nga siya pinagtitinginan ng mga kababaihan roon na tila hangin lang sa kanya.

"Atty.Alazis Daru?" untag ng matandang lalaki ng makalapit ito sa puwesto niya.

Agad na tumayo siya at nakipagkamay rito.

"Yes,it's nice to meet you,Atty.Romano," tugon niya rito.

"Talaga bang malapit na kaibigan ka ni Ms.Evelyn Sacariaz?" namamanghang paniniyak nito sa kanya.

Ito ang abogado na may hawak ng last will testament ng magulang ni Evelyn.

Agad na tumango siya. "Yes,nagkakilala kami ng umalis siya sa poder ng kanyang ama," tugon niya.

Hindi agad umimik ang matandang abogado. Nababasa niya na may pagdududa pa rin ito.

"Anong gusto mong pag-usapan natin kung ganun?" maya-maya untag nito.

Seryosong tumitig siya sa abogado.

"Ang ibalik ang lahat ng para kay Evelyn,Atty.Romano," aniya.

Napakurap-kurap ang abogado. "P-pero..hanggang ngayon hindi pa rin natatagpuan ang bangkay niya at may posibilidad na baka patay na nga siya," anang ng abogado.

"Sinasabi niyo ba na mapupunta ang pag-aaari niya sa mag-ina iyun?"

Hindi agad nakaimik ang matandang abogado.

"Well,sa sitwasyon ito..walang ibang pwedeng humawak sa kompanya na naiwan ng magulang niya kundi ang madrasta niya at ang stepsister niya," maya-maya tugon nito.

"Hindi naman siguro nila tuluyan magagalaw ang mana ni Evelyn ngayon wala na siya,tama?"

Napabuga ng hangin ang matandang abogado. "Kung mapapatunayan na patay na taLaga siya may posibilidad na mapunta sa kanila ang naiwan mana para kay Ms.Sacariaz..dahil sila lang naman pamilya na naiwan nila mag-ama," anito.

"Hindi papayag si Ms.Sacariaz sa bagay na yan,Attorney,"matiim niyang saad na kinamaang ng abogado.

Nalilito ito. Agad na napabaling ang mga mata nito sa tabi niya ng may umupo roon. Kitang-kita niya ang gulat at panglalaki ng mga mata ng matandang abogado ng alisin ni Evelyn ang pagkakataklob ng hood ng jacket nito.

"M-Ms.Evelyn? B-buhay ka?!" hindi makapaniwalang usal ng matandang abogado.

Isang matamis na ngiti ang tinugon ng dalaga rito.

"Opo,Atorney..buhay na buhay," magiliw na tugon ni Evelyn rito sabay baling sa kanya.

Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya na hindi na niyang napigilan pa.

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now