Chapter 49: Apprentice of Eternity

Start from the beginning
                                    

The last is ready to give a second blow towards Hermoine but she didn't let it succeed in a second time.

Bumulusok ang kamao ni Nishra sa mukha niya ngunit nanggigigil na lamang itong napatitig sa sariling kamay na pinipigilan ng hanging kagagawan ni Hermoine. Sa pagkakataong 'yun ay si Hermoine naman ang napangiti habang dahan-dahang tumayo mula sa lupa.

"Take my revenge!" mabilis na bumwelo si Hermoine at mabilis pa sa alas kuwatrong lumipad ang paa nito sa leeg ng kalaban.

"Ack!" ang tanging nasambit ni Nishra bago tumalsik papalayo sa kanya.

"Mukhang malakas ka, ah?" napaatras si Hermoine nang ilang hakbang paiwas sa mga atakeng pinapamalas ni Luthor sa kanya na sumulpot na lamang bigla.

Tinatapik niya ang bawat atakeng ibinibigay nito ngunit napapangiwi siya sa bawat ginagawa niya. Animo'y nanlalambot ang kanyang mga kamay dahil sa kapangyarihan ng kaharap. Umigtad si Hermoine at sinipa sa bandang leeg ang kalaban ngunit nanlaki na lamang ang kanyang mga mata nang nasalo ito ng huli. She bit her lower lip when Luthor grabbed her leg and slammed her body on the ground. Ngunit hindi bumagsak nang tuluyan ang kanyang katawan sa lupa dahil naitutok niya rito ang isa niyang palad, kung saan nagpo-produce 'yun nang suportang hangin para sa kanyang katawan na 'di mahampas ng diretso.

Pumulupot ang mga binti ni Hermoine sa leeg ng kalaban. Sa bawat pagsubok nang kalabang ihampas siya sa lupa ay ang paghigpit ng kanyang mga binti rito.

Nang makakuha ng tiyempong makaalis mula sa pagkakahawak ng kalaban ay nabuhat niya ang kanyang nakatiwarik na katawan habang nakakapit parin ang mga paa sa leeg ng kalaban. She hissed when she used all her remaining strength just to fight back at nagawa niya 'yun.

Lumitaw nang mabilis ang isang patalim sa kanyang palad at walang pag-aalinlangang isinaksak 'yun sa leeg ni Luthor. Ngunit nang mapansin niyang hindi man lang nasugatan ang kalaban sa kanyang ginawa ay napalayo na lamang siya sa katawan nito sa pamamagitan nang pagtadyak ng uluhan nito saka siya nagpalutang sa hangin.

Ngunit 'di pa man siya nakabalanse ay tinalunan siya nang tatlong undead sa kawalan. Mabilis na kumawala ang napakalakas na hangin sa kanyang katawan kaya napatilapon ang mga ito pabalik sa kanilang pinanggalingan. Nang maibalanse na niya ang kanyang katawan ay 'di niya inasahan ang pagsulpot ng Diyosa ng Apocalypse.

Vexa laughed devilishly and control the body of Hermoine then slammed it on the ground.

Napatiim na lamang ang bagang nang huli habang iniinda ang sakit ng kanyang likurang naisampak sa may bato.

"Matigas ka, ah?" nakangising turan ni Vexa nang mapansin niya ang talim ng tingin ni Hermoine sa kanya.

Lalapitan na niya sana ito ngunit naunang sumulpot si Zaphro sa harapan nito, ang Diyos ng Eksplosyon.

"Aba!" naimbyernang saad lamang ni Vexa dahil naunahan siya.

Ngumisi lamang si Zaphro sa kanya saka hinarap ng tuluyan si Hermoine, "So, any last word?"

Kahit masakit ang katawan ni Hermoine ay nagawa niya pang ngumisi at dumura sa paa ng kaharap na kalaban, "Don't underestimate me. Eksplosyon ka lang hangin ako!" tatadyakan sana siya nito ngunit napatigil ito sa bagong dating na kalaban.

"I love your spirit," dumapo ang bagong dating na Diyosang kalaban sa tabi ni Vexa. It's Angelica the Goddess of Resurrection, "Hwag ka nang magtatapang-tapangan pa. Mula pa lang sa umpisa talo na kayo!" nakaarko ang kilay nito habang nakatitig kay Hermoine, na 'di man lang nakaramdam ng kilabot dito ang huli.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now