Chapter 11: Real Fight

1.4K 67 0
                                    

THAT MOMENT nang sabihin ko sa kanya ang opinyon ko tungkol sa bagay na aking itinanong sa kanya ay ‘di na niya ako kinulit ukol dito. Lumipas pa nga ang ilang minuto bago siya nag-umpisa  namang magkuwento sa ibang bagay na konektado sa aming pinag-uusapan kanina.

An hour passed, nagkuwento lang si Zeref sa akin tungkol sa mga nalaman rin niyang kuwento mula sa kanilang mga ninuno tungkol sa mga spiritual beast. Ang mga uri ng mga ito at kung saan madalas itong matatagpuan noon.

Hanggang sa ‘di namin namalayan ang oras sa haba ng aming kwentuhan. Our talks was just cut off when a comrade of his suddenly spoke, Pinuno baka gusto niyo munang maghapunan?” sabay kaming napahinto sa pag kuwentuhan at napalingon dito. Napasulyap naman ako sa may unahan nang maamoy ko ang inihaw na karne ng usa. Hinahati na nila ito.

Kahit ‘di pa ako nakakain nito ay nakaramdam ako ng gutom, natatakam ako.

Ahh, sige susunod kami,” ang sagot lamang ni Zeref sa kasama.

Bahagya naman itong yumuko bago lumisan sa aming harapan, “Do you eat deer’s meat?” bigla akong napatingin sa aking katabi nang bigla itong magtanong.

“I haven’t try before,” napangiti naman ito.

“Why won’t you try?” bigla siyang tumayo at iniabot ang nakabukang palad sa akin. Napatitig naman ako sa kanyang kamay at napalipat muli ang aking mga mata sa kanyang mukha.

“Okay, gutom na rin naman ako,” I accepted his hand and he gently helped me to stand up.

Tumungo kami dun sa mga kasama niyang busy sa paghahati ng mga inihaw na karne. Nang makalapit na kami dito ay kita ko kung paano nila hatiin ‘yung mga karne. Nasa malaking dahon nila ito nilalagay at ‘yung iba naman ay binubudburan ang mga ito ng pampalasa. Buti naman nakadala sila ng mga pampalasa.






Nang matapos na ay nagsimula na silang kumain. Ako naman ay nakaharap lang sa inihaw na karneng ibinigay nila sa akin na nakalagay sa ibabaw ng malaking dahon, na nakalapag sa lupa.

Nasa may bandang sulok ako, sinadya ko talagang mapag-isa pero ito namang si Zeref ay sinamahan talaga ako dito sa aking pwesto.

Kumain kana, masarap ‘yan,” sabi pa nito habang ngumunguya sa kinakain niya.

Napatitig muli ako sa inihaw na nasa aking harapan. Nang mapadako ang aking mga mata kay Zeref ay sarap na sarap na ito sa kanyang kinakain. ‘Diko tuloy mapigilang ‘di mainggit sa pinaggagawa niya. Animo’y isa siyang model na kumakain ng chicken joy sa aking harapan.

“Gusto mo?” medyo napalayo ang aking mukha sa kanya nang inabutan niya ako ng hawak niyang medyo maliit na karne.

Bumusangot ako sa kanya na siyang tinawanan lang niya, Hwag ka nga!” at muli akong napatingin sa aking kakainin. Okay, this is my first time to eat a food like this. Noong nasa kabilang mundo ako ay ‘di ganito ang kinakain ko. It was chicken joy, omelet rice, carbonara, and other sodalicious food.

Napalunok ako sa mga naisip kong pagkain. Okay, wala nang urungan ‘to! Gutom na talaga ako!

Mabilis kong kinuha ang isang hiwang karne at maingat itong sinubo. Nang nasa bibig ko na ito ay sinimulan ko na itong nguyahin ng dahan-dahan para malasahan ito.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now