Chapter 4: Lupus Tribe

1.6K 83 2
                                    

NAPATALON ako pababa nang sinunggaban ako nito. Mabilis akong napatakbo paalis sa lugar na 'yun. Alam kong hahabulin parin ako nito kahit anong mangyari.

Rinig ko ang mabibilis na mga hakbang nito pahabol sa akin. Shit!

Tumakbo ako sa kabilang direksyon. Marami paring humaharang na matataas na damo sa aking dinadaanan. Halos mahirapan na ako dahil pakapal ng pakapal ang mga ito.

Hanggang sa 'diko napansin ang sumunod na nangyari, "Ahhh!"

Nalaglag ako sa napakataas na bangin. Pilit kong binabalanse ang aking katawan kahit nahihirapan ako.

"Feros!" nakahinga ako ng maluwag nang tumalon sa akin si Feros at mabilis nitong sinakmal ang aking damit at inihagis sa kanyang likuran. Napabuga ako ng hangin sa kaba. I'm not accustomed with this body that's why I can't use my power the way I used to.

Dumapo si Feros sa ibang magubat na namang lugar. Haist...

Bumaba ako sa kanya at nagulat nalang ako nang sinunggaban ako ng isang malaking lobo.

"F-feros!" nakita kong sinunggaban rin si Feros ng tatlong lobo, "H---hindi!"

Napapikit ako habang pinipigilan ang bibig ng lobong nakadagan sa akin dahil ilang dangkal nalang ay makakagat na niya 'yung mukha ko. Fuck this small body!

Mabilis na lumiwanag ang kanan kong kamay at awtomatikong lumitaw ang isang patalim dito. Buong pwersa ang ginamit ko para isaksak ito sa lobo habang ako'y nakapikit.

Nagulat na lamang ako nang may kamay ang pumigil nito.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay isang lalaking may maskuladong pangangatawan ang nakadagan sa akin, "Ahh! Bastos!"

*Wapak!*

"Ouch!" at napalayo siya sa akin ng tuluyan habang hawak ang mata niyang nasuntok ko.

Dali-dali akong napatayo at napansin kong naka-anyong tao na ang apat na lobong sumugod sa amin ni Feros. Si Feros naman ay nasa aking tabi habang hinaharang niya ang kanyang buntot sa akin, to protect me from any harm.

"Masakit 'yun hah!?" Bakit parang pamilyar sa akin ang boses na 'yun!?

Tiningnan ko 'yung lalaking nasapak ko. Nakatalikod ito habang nakahawak parin sa kanyang mata.

Those flat back and muscled body. Those ragged pants of him. And those arrogant tone of voice.

'Di ako makapagsalita. Nanatiling kinikilatis ng aking mga mata ang kanyang pustura kung siya nga ba talaga ang nasa aking harapan. Napangisi ako sa kanya.

"Sinabi ko bang dadaganan mo ako!?" mataray kong saad.

Tuluyan na siyang humarap sa akin nang may pagtataka. Now, I clearly see his face, same as before, "Bumalik kana sa baryo niyo. 'Di ka pwede sa lugar na ito!" This is really him.

He won't recognize me in my appearance but he will recognize me through my posture.

"At sino ka para utus-utusan ako?!" nakapmeywang kong tugon.

"Wait!" bigla siyang napatitig kay Feros na parang may naalala. Huli na nang ilaho ko si Feros sa kanyang harapan, "Is that Feros---!"

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now