CHAPTER 8: Cheating?!

5 12 0

Lavi

Nagising ako ng mapanaginipan kong may kasamang lalaki si Dash sa bahay niya. Hindi ko matandaan yung mukha at nakalimutan ko na yung itsura pero GWAPO! Naalala ko nadin yung hindi ko nagawa kahapon, ang tanungin kung nasaan iyong mama nya kay Father!

Pero panaginip lang naman. There's no way it'll be true... I guess.

Umiling-iling ako at hinampas ang magkabilang pisngi. Don't think some negative things! Sabi na nga ni Master narcissist. Alamin muna kung totoo bago magbintang o mag isip ng kung ano-ano. Atyaka panaginip lang yun!

"Bro, bumangon ka na dyan. Malelate ka na sa school." napatingin ako sa nagsalita at nakita si Kuya Revy sa pintuan.

Napatingin naman ako sa orasan na nakadikit sa pader. Halos lumuwa yung eyeballs ko ng makita ang oras. Shit! Wala ng 30 minutes ang natitira ko pang oras!

-School-

Whew! I made it at the last minute of closing gate. Hay! Hindi ko manlang nasundo sa bahay nila si Dash o sabay manlang kami pumasok, at least pumasok sya at pumasok ako, magkikita din kami pag recess at pagkatapos ng klase.

"What? Hindi pumasok si Dash?" gulat na tanong ko sa kanila.

Pagpasok ko palang kasi ay sinabi ko na sa kanila na hindi ko nasundo si Dash pero iyon ang sinagot nila.

Kiel nod while eating some cookies. "I already ask one of her classmates and said she didin't come to school."

W-wait a minute! Is it possible na... Hinantay nya akong sunduin ko sya?!

Tinapik tapik ni Kein ang balikat ko. "Now, now. Don't jump into conclusions. Halata namang hindi ka nya hinantay na sunduin sya--that will never happen alam mo naman yon diba? Probably may rason syang iba at malayo sa iniisip mong yan." nabigla ako sa sinabi nya. Just how the hell did he knows what's on my head? "Don't give that 'How did you know' look. Halata naman na sa itsura mo kung ano iniisip mo, baka nga pati unggoy malaman pa eh." humingi ako ng isang cookies kay Kiel saka pinasak sa bibig ni Kein.

"Better pay me for that. Mahal yan!" sabat naman ni Kiel. Tch! Isang pirasong cookies lang hindi pa ibigay ng libre, samantalang sobrang dami pa nyang ganyang dala ngayon.

"Kein is right, Lavi..." halos parang tinamaan ako ng kidlat ng marinig na sumang ayon si Aiden kay Kein. M-master pati ikaw ba naman?!

Bigla ng pumasok ang teacher namin ngayong first subject. Nagsiayos na ang lahat at doon nagtatapos ang aming usapan. To be continued after class.

"Mr. Piercival! Are you listening?!" isang chalk ang tumama sa aking ulo at napatingin sa teacher naming galit na galit habang nakatingin saakin.

"Headshot!" sigaw ni Kiel at nagsitawanan ang lahat.

"Shooter si sir! Pwede. Pwede." dadag pa ng isa kong tarantadong kaklase.

"Ilang beses na kitang tinatawag para basahin yung nasa libro pero ang ginawa mo lang ay tumitig dyan sa kawalan!" sermon muli nya saakin.

Tch! Hindi manlang ako kinalabit o kung ano ng mga to. Si Master, palihim na tumitingin sa salamin nya pokus na pokus sa pagtingin ng kanyang itsura. Mga useless ang mga to, bahala kayo pag nag exam na, maling sagot ang ibibigay ko sa inyo.

In the end, pinalabas ako ng classroom at dito daw makinig mula sa bintana na katabi ng pintuan. Bwisit!

Nagbell na at pumasok na ako sa classroom para umupo. May last subject pa bago recess na. May last two subjects padin para uwian na. Ah! Alam kong curiosity can kills pero hindi ako makaconcentrate at masyadong nag aalala kay Dash.

My Coldhearted GirlfriendWhere stories live. Discover now