CHAPTER 7: Gift

9 11 0

Lavi

Napatitig ako sandali sa box na pinabigay ni Father bago buksan. Nabigla naman ako ng makitang isang normal na gamit lang ito, akala ko kasi bomba na lalo na pag binuksan ko baka sumabog.

Hindi ko rin masisi ang sarili ko dahil may katok--nagpapalit ang ugali ni Father. Mahirap na lalo na kung bad mood sya pero mukhang hindi naman at masayang binigay saakin tong kwintas na may pendant na sun.

Napangiti naman ako habang tinitignan ito, to think that her Father gave me a gift, I'm so happy! Father really accepts me as one of his family!

Next, yung letter.

"Lavi, take these gifts as my thanks for being my daughter's lover. You're such a good man with great personality, to think that Claurence loved someone like you, i'm so proud of you. This necklace is a match to the other one i gave to Claurence which is the moon. I gave you the sun because you're the one who brings light to my daughter and hopefully my soon to be son, get that? Anyway, take care of Claurence and yourself, huwag mo din kakalimutan yung sinabi ko sayo na pag may nabalitaan akong may ginawa ka kay Claurence, alam mo na ang mangyayari."

-Abraham

Halos maiyak ako sa letter ni Father lalo na yung sinabi nyang 'soon to be son'. Huwag po kayo mag alala! Hindi ko kayo bibiguin sapagkat gagawin ang aking makakaya para pigilan ang sarili kong hindi gawin ang bagay na iyon kay Dash! Wala din naman ata syang balak saakin gawin iyon, malamang k-kaya w-wag kayo mag alala.

Agad ko namang sinuot iyong kuwintas. So Abraham pala ang pangalan ni papa nya? Ang banal nung pangalan pero yung may ari dinaig pa ang demonyo sa kasamaan--anghel sa kabaitan.

Ngayon ko lang ding napagtanto na parang may natanaw ako sa leeg ni Dash na parang may suot syang kuwintas dahil sa kuminang. To think that this is a couple necklace coming from his father, It's a nice gift, indeed.

If i ever lost this necklace, i would do anything to take it back! But if i myself perhaps accidentally destroy this necklace, i wouldn't know what will happen.

I guess, i should pay a visit on Father's house after school.

Huh? Now that i've said it, kung sa iba nakatira si papa ni Dash at hindi sila magkasama, does that mean na mag isa lang sya sa bahay nya? Hindi ko parin namimeet si mama nya dahil hindi naman sya nagkukuwento saakin ng mga ganoong bagay, maybe i should ask Father? O baka naman nasa loob lang ng bahay ni Dash nor Father at sadyang bihira lang talaga lumabas? I'll find out later...

Humiga na ako ulit at saka natulog. Siguro naman paggising ko okay na ako at pwede ng tanggalin ang mga bandages nato sa mukha ko? Baka pag pumunta akong nakaganito ay mapagkamalan pa akong ibang tao ni Father, paulanan ako ng mga bala at baka ipahabol pa ako sa mga bodyguards nya.

--------------

Isang malakas na sampal ang naramdaman ko kaya naman nagising ako. Napa upo sa pagkahiga habang hawak-hawak yung pisngi ko. Galit kong tinignan at napawi din naman agad ng makita si Master narcissist lang iyon. Nakakadalawa nato saakin ah.

"Tch! Tapos na yung klase. Buti bumalik ako dito para siguraduhin kung nandidito ka pa, natutulog ka parin pala." sabi nya saakin at tinanggal na iyong bandage sa mukha ko.

Nasaan ba yung nurse na naka-assign dito?!

"If you're looking for the nurse, he isn't here. May meeting lahat ng mga employees sa school para sa paparating na sport fest." binigay nya yung bag ko saakin. "Akala ko sinundo ka na ng pamilya mo, mukhang hindi pa nila alam." he looks like a mother, taking care of his own child.

My Coldhearted GirlfriendWhere stories live. Discover now