CHAPTER 5: Aleister X Sage Frone's Scheme

13 11 1

Aleister

"Who are you?" tanong ko sa babaeng may gusto sa boyfriend ng taong gusto ko.

"Sage Frone." inilahad nya ang kanyang kamay at masiglang kinuha ko naman iyon at nagshake hands kaming dalawa habang nakangiti.

Nakita ko na ang mukha nya. Kaklase ko to, sa totoo lang. Yung babaeng nasa first row na nasa likod. Halos katabi nung pangalawang pintuan na nasa likuran.

"So? Saan tayo?" nakangiting tanong nito saakin. Nginitian ko nalang sya at binuksan ang pintuan. Lalabas sana ako ng makita ko yung mga babaeng humahabol saakin kanina na nandodoon nakatipon sa tapat ng kabilang room kaya naman agad akong muli pumasok sa loob.

Muntikan na huminto yung pagtibok ng aking puso. Sa sobrang kaba ni yung pagsara ko ng pintuan wala man lang nailabas na tunog kaya hindi nila narinig.

"Bakit? You just look so cool a while ago..." nakakonot noo na sabi saakin nito.

"Tch! Shatap. Dito nalang tayo mag usap. Nandyadyaan pa sila sa paligid akala ko wala na." inis na sabi ko at umupo doon sa upuan. Nanlaki yung mga mata ko at sisigaw sana ng bigla nyang takpan yung bibig ko preventing me from shouting dahil sa may mga kung anong tumusok sa aking puwet. Oo 'mga' madami sila!

"May jackstone dyaan. Dinikit nung mga lalaki at iniligay sa medyo madilim na lugar para may umupo at mabiktima." tinabig ko ang kamay nya at lumayas na sa walang kwentang upuan.

"You should've said it! Hindi yong papanoorin mo pa ako." inis na pabulong kong sabi sa kanya dahil mahirap na, baka nasa labasan pa yung mga babaeng humahabol saakin kanina. Marinig pa nila yung boses ko at pumasok dito, corner ako ah.

"S-sorry. Curious lang ako sa reaction mo." medyo natawa pa nitong sabi.

Umupo nalang ako sa sahig at kinalimutan na yung nangyari. Mukhang wala nadin yung mga babae sa labasan pero napag isipan namin na dito nalang mag usap para walang makakita o makarinig saamin since wala masyadong mga studyante ang naglalakbay-lakbay at halos lahat nasa labas at sa cafeteria.

Inilabas ko ang mahiwagang notebook na kinalalagyan ng aking plano.

"What's that?" tanong nya habang nakaturo sa notebook.

I smirk. "My scheme." ibinigay ko sa kanya at binasa naman nya.

Hindi ko alam na may nagkakagusto din pala sa chicken nayon. Anyways, this must be destiny. Gods are on my side! Gusto nilang masira ko ang relasyon nung dalawa at itadhana kaming dalawa sa nararapat na tao saamin.

"I'm part of this plan right now so..." kumuha sya ng ballpen sa kanyang bag at may sinulat na kung ano doon sa notebook.

Ibinalik nya ito saakin at nabasa ko naman yung sinulat nya. Yung Aleister's Scheme naging Aleister X Sage Frone's Scheme.

"We're one now. And we'll make this plan success no matter what happen. Our lives and happiness are on the line so buwis buhay nating gagawin to!" sabi nya saakin at napatango tango naman ako. "Oh, right. Wala pa akong plano, puro sayo yung nandyan. Akin na muna yung notebook mo, dadagdagan ko ng lima pa. Bukas ko na ibabalik kasi ang hirap mag isip ng plano." binigay ko naman yung notebook sa kanya. She's right, ang hirap. One pa nga lang inaabot na ako ng ilang oras.

-Kinabukasan-

"It's complete now!" nagliliwanag ang mata nitong sabi at binalik na saakin yung notebook. Tinapik-tapik ko naman ang kanyang balikat.

"Nice work. I'm so proud of you."

Nandidito muli kami sa aming Secret Base.

Wala namang gumagamit sa room nato kaya ginawa naming amin. May koneksyon pala ang pamilya ng babaeng to sa school kaya nirequest nya sa principal na gawing base namin yung room na iyon, syempre hindi alam nung principal na para sa plano namin.

My Coldhearted GirlfriendWhere stories live. Discover now