CHAPTER 6: Marry me?

5 8 0

Lavi

"Seryoso? Pinakilala ka ni Dash sa papa nya?" halos paliguan ako ng laway ni Kein dahil sa kinuwento ko sa kanila. Napangiti nalang ako, Heh! Hindi sila makapaniwala sa sinasabi ko. "WEHH? WEEHH? SI DASH IPAPAKILALA KA--" sinapok ko sya para matigil ang bunganga. Imbis na matuwa sa kaibigan nya, mas pinapamukha pang hindi ako mahal nung tao eh.

"Congrats! Dahil ba dyan manlilibre ka?" nakangiting tanong ni Kiel saakin habang lumalamon ng cupcake.

"No! I'm saving up my money for our wedding." sagot ko sa kanila. Bilgla itong nasamid at nag ihit naman ng tawa si Kein.

"Damn! Bro! Ang advance mo naman ata? Ni hindi mo pa nga alam kung gusto kang pakasalan ni Dash eh! Si Dash ang pinag uusapan dito, tandaan mo. Hahahaha!" sabay tapik tapik nya sa likod ko.

Sa totoo lang, kanino ka ba pumapanig Kein?

Napatingin ako kay master narcissist na nagtitingin ng mga skin priducts ata yon sa isang online shop. He sure can't live without this products he loves so much.

"Master! Sa tingin mo ba gusto ako pakasalan ni Dash?" tanong ko sa kanya.

"Ask her, not me. It will all depends on her answer not others." nagliwanag nanaman ang mga mata ko sa narinig na payo ni master ko. Maasahan talaga to pag sa ganitong bagay.

Hulog ka ng langit! Master Narcissist!

"Nga pala, Lavi. Gusto mo sumama mamaya?" biglang tanong ni Kiel na umiinom ng tubig. Di pa natuluyan, sayang.

"Saan nanaman ba yan?"

"Emoji Bar! Yung bar na madalas naming tambayan lalo na pag uwi ng school." sabat naman ni Kein habang nakangiti saakin.

Oh, that bar? Yun yung bar na sa entrance ay tatanungin ka ng mga naka-assign doon kung ano ba ang mood mo ngayon. Then, they will give you some emoji badge na ididikit mo sa iyong damit to represent to others what's your mood today. It's a unique bar, pero tong mga to naman ang hilig tumambay doon mga alam na ngang mga minor palang kami.

Umiling-iling ako. Wala akong rason para pumunta doon, atyaka hindi ako interesado sa mga ganyang bagay since may girlfriend naman na ako. Priority ko sya kahit hindi nya ako priority. T-truth hurts...

"Oh? You... Really change, Lavi." sabay akbay saakin ni Kein at lapit ng bibig sa aking tainga. "You're acting innocent when you're really not. Naalala mo pa ba kung sino mismo ang nagturo saamin ng bar nayon?" tinitigan ko sya gamit ang peripheral vision ko. Napakuyom naman ako ng biglang hatakin papalayo saakin ni Kiel si Kein.

"I forgot! I have a job for you, Kein." sabi nito sa kanya habang hinahatak papalayo at papaalis ng school.

"Huh? Oi! Let go of meh! You spoiled brat rich kid kidnapper!" sigaw sa kanya ni kein habang nagpupumilit pumiglas pero hindi nya magawa.

Seryoso ba sila? Magkacutting class? Anlalakas pa ng loob dumaan sa mismong gate na kung saan nandodoon yung bodyguard.

"Don't mind those two, Lavi." nilingon ko naman si Master at nabigla naman ako ng anlapit ng mukha nito saakin. H-he's staring at me like i'm kind of piece of shit. "Don't let those guys get into your nerves. You're just stressing yourself, it's bad for your skin." napatango-tango nalang ako sa kanya at inilayo naman nya na yung mukha nya.

Napabuntong hininga nalang ako. PE namin ngayon kaya nasa labas kami. Kasalukuyang katawag nung subject teacher namin yung girlfriend nya ngayon kaya inexcuse nya muna ang sarili nya saamin.

Napatingin nalang ako sa bintana na kung saan ang klase ni Dash. Hindi ko sya matatanaw kasi nasa first row pinakadulo ang pwesto ng upuan nya, science ang subject nila ngayon at since 8:49 am na, probably she's sleeping right now.

My Coldhearted GirlfriendWhere stories live. Discover now