CHAPTER 3: Meeting My Girlfriend's Father

18 14 3

Lavi

Pumasok kami sa loob ng bahay. Hindi din ako makakibo masyado dahil alam kong badtrip saakin si Dash pero this is my chance to know her slowly!

Sino ba naman ang boyfriend na hindi alam ang history ng kanyang girlfriend? That's why i'm risking my life to know her more than i know!

"He's waiting for you, Laurence." seryosong sabi sa kanya ni samurai at napatango naman ito. Out of place ako sa kanila at walang alam kung sino ba yung naghahantay sa girlfriend ko.

Mabuti nalang at mukhang walang relasyon ang dalawang to! Tama nga talaga si master narcissist, worth it tong effort ko.

"Do you want to come with me?" nabigla ako ng magtanong si Dash saakin. This is the first time na inaya nya ako. Sa aming dalawa kasi puro ako.

Parang pinagbuksan ako ng pintuan sa langit ng isang anghel. Si Dash naman iyong anghel na tinutukoy ko kahit sobrang layo ng personality nito sa pagiging isang anghel.

Napangiti naman ako at masiglang tumango kahit na wala akong clue kung sino tong imimeet namin.

"A-are you sure about that, Laurence?" biglang tanong ni samurai kay Dash. Palihim nalang akong ngumisi dahil hindi sya ang inaya ni Dash kundi ako. He's probably jealous right now.

Serves you right! Magnanakaw ng halik sa girlfriend ko!

"Yeah, I'll introduce him." sagot naman nito sa kanya.

Nginitian ko nalang sya ngunit nabigla ako ng tapikin nya ang aking balikat. "Goodluck, going inside." ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay sa aking balikat. Nginisian nya lang ako. Hindi ko naman gets kung bakit nagkakaganoon sya at wala akong pakialam sa kanya so bahala na.

Nagsimula kaming maglakad ni Dash papunta sa aming pupuntahan. Ngayon lang ako nakakitang may ganito pala dito, at ang ganda. Ganito kaya ipatayo ko pag nagpakasal kami ni Dash? Damn! Kinikilig ako.

Tahimik kaming nakarating sa aming destinsayon. Huminto kami sa isang pintuan bago kumatok si Dash at nagsalita. "Father, I'm here." halos maistatwa ako ng marinig ko syang magsalita. F-f-father? B-bahay to ng p-parents ni D-dash at hindi kay samurai?

P-parang hindi lang katagalan na sinasabi kong hindi ako pinapakilala ni Dash sa parents nya pero, mukhang sya ang mauuna kaysa sa aking pamilya!

Hindi pa ako ready! Masyado naman atang biglaan to!

Nabalik ako sa aking sistema at umiling-iling. I can do this! At least pinakilala ako ni Dash sa kanyang Dad na kahit hindi ko ineexpect na mangyayari ang ganitong bagay. A-anyway! I'll do my best.

"Come in." nabigla ako ng magsalita ang kanyang tatay mula sa loob. Binuksan nito ang pintuan saka nauna pumasok sa loob.

Huminga ako ng malalim. I need to act natural and mimic my girlfriend's personality just this once. Inside this room, the real challenge of being a true man is awaits me! I wouldn't back off because my love for Dash is above the universe!

Pumasok nadin ako sa loob. Halos masilaw ako sa sobrang liwanag yung tipong kukunin na ako ni lord. Sandalian lang naman iyon at nakakita na ako ng maayos.

Isang lalaking nakaupo sa habang ansama ng tingin saaming dalawa ang bumungad saamin. May mga bodyguards din na may mga armas yung illegal na armas ang nakahilera magkabilaan. I-is that even allowed?

Also, THIS IS SO DAMN SCARY! DASHIELLE'S FAMILY IS SO DAMN SCARY! T-this is like facing the demon lord who's about to kill me.

Nanginginig ang bibig ko pero pilit kong pinipigilan. Anlalaki ba naman ng mga katawan ng lalaki parang ganon sa nakita ko kanina. Yung nagbukas ng pintuan kay Dash.  Nakakatakot sila kahit walang ginagawa saakin.

My Coldhearted GirlfriendWhere stories live. Discover now