CHAPTER 1: Do you really love me?

23 17 2

Lavi

I'm Lavi Keider Piercival, 17 years old, Status: Taken.

Graduate na ako sa pagiging NGSB. Mag-iisang week na ang relasyon namin ng girlfriend kong si Dashielle Claurence Keaton. Hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sa kanya, nalaman ko nalang na mahal ko na sya. I've asked her out and she said Yes apathetically. Then, I've asked her to be my girlfriend, she said the same when i asked her out.

Ansaya! Napasakin yung taong mahal ko kahit na alam kong Ruthless sya, Oblivious, Self-centered, Nonchalant, Apathetic and lastly, Coldhearted.

Or so i thought.

Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan! Wala naman akong ginawang masama o kung ano sa kanya. Yung feeling na kahit malapit kayo sa isa't isa pero feeling mo anlayo-layo nyo na?

Oh shit! Wag mong sabihin ito yung part na NAKAHANAP NA SYANG IBA? Hindi pwede! Wala pa kaming dalawang week! No, wait... Hindi naman si Dash yung tipong maghahanap ng iba, I mean, witnessing her personality is more than enough to put my trust into her.

Then, what? Meron ba sya? O sadyang trip nalang hindi pansinin yung boyfriend nya? Ah! Boyfriend nya ako pero hindi ko alam kung ano yung nasa isip nya.

Nilingon ko sya. Sabay kaming naglalakad papasok sa school since hindi naman kalayuan ang bahay namin sa isa't isa kaya naman araw-araw ko syang sinusundo at hinahatid.

Poker face lang. Yung itsura nya parang walang pakialam sa mundo. Ni hindi ko nga alam kung may pakialam ba saakin to.

Ako nga lang ba ang nagmamahal dito?

Bigla nyang tinakpan yung mukha ko gamit ng kanyang kanang kamay habang patuloy parin kami sa paglalakad. "If you needed something, spill it already. Wag mong idaan sa pagtitig sakin." She said coldly.

Ang init ng panahon pero nilalamig ako. Nanlalamig yung puso ko sa babaeng to.

"N-nothing." hindi nya din naman ako sasagutin kung sabihin ko sa kanya yung gumugulo sa isip ko.

Tinanggal nya na yung kanyang kamay sa mukha ko. Napatingin nalang ako sandali sa kanyang kamay na gusto kong hawakan. Hindi ko magawa, hindi ko ba alam bakit. Mas nakakatakot pa kasi tong si Dash kaysa sa mama kong hinahabol ako habang may hawak-hawak na syansi.

Nakarating kaming dalawa sa school na parang nagkasabayan lang. For sure walang nakakahalatang may relasyon kaming dalawa nito noong nasa labas pa kami kanina at naglalakad palang papuntang school, Si Dash ba naman ang tinutukoy dito.

Kilala sya sa buong campus dahil sa unique nyang personality. Miski mga teachers hindi nakakaubra sa malamig nyang awra, mga hayop nagsisilayuan sa kanya na akala mo may ginawang masama sa kanila.

Wala ding lumalapit sa kanya o kumausap manlang. Malamang ganito yung nararamdaman nila sa nararamdaman ko kahit lumapit ka manlang.

Girlfriend ko na nga eh, pero pati ako takot parin.

"Bye!" pagpapaalam ko sa kanya ng mauna akong makarating sa classroom. Hindi kasi kami magkaklase. Sa kabilang section pa sya, dalawang room pa yung lalagpasan nya. Long distance kaming dalawa.

Tango lang ang sinagot nya. Napanganga ako dahil hindi manlang nag goodbye back o goodbye kiss manlang! Gusto kong umiyak! Parang one sided lang talaga ang itsura namin dito!!

Napabuntong hininga nalang ako at pumasok sa loob ng classroom. Dumiretso sa aking upuan na kung saan nasa unahan at mismong tapat pa ng teacher's desk. Sa dinami-dami ng upuan dito pa talaga sa kalagitnaan. Parang family tree lang, ako yung nasa tuktok ng puno.

My Coldhearted GirlfriendWhere stories live. Discover now