Day 3: Path to Resolution

Magsimula sa umpisa
                                        

"Aba malay ko? Ba't mo ako tinatanong?", mataray na sinabi ni Levy.

Naghintay lang kami doom for like how many seconds, kapag ako talaga na-late sasampalin ko 'tong mga babaeng 'to!

Napatingin ako sa isang babae na nakatayo lang sa gilid ng gate, sa katabi niya ay may maliit na space na pwedeng magkasya kami doon papasok ng school.

Yes! Thank you Lord!

"Tara guys, may nakita akong daanan na," pagyaya ko.

We really need to go now. Kailangan pa namin pumunta sa PO para makuha ang sched namin, malelate kami nito! Fifth floor pa raw ang PO sabi ni Chesca, at kadalasan ay puno ang apat na elevator na nakainstall sa magkabilang gilid ng building kung saan naka-locate ang office ng Principal.

Nagsimula na akong maglakad. "Sundan niyo lang ako guys."

--Principal's Office--

Sa awa naman ng Diyos ay nakalusot kami sa crowded area ng school.

"It's really overwhelming that the Internationl Models are going to transfer to this school," binigyan niya kami ng welcoming smile bago nagpatuloy sa pagsasalita. "It's an honor to handle wonderful and powerful people," kita ko ang admiration at ang respeto sa mga mata niya.

For some people, matutuwa pa kapag nakarinig ng ganoon. A joy that will lead to a rude and arrogant attitude. Para sakin, hindi nakakatuwa iyon. I hate it when someone talks as if we're Kings and Queens.

That's pure bullshit.

Ang turo sa amin ng lolo namin ay marunong pa rin dapat kami kung paano maging mabuting tao, which is what we're doing right now. We greeted the Principal and waited for him to let us sit down.

Ang tao, kapag sumikat, sikat lang yan. Hindi yan Diyos or Santo para pagyukuan mo ng ulo or pagluhuran mo, Diyos lang ang sinasamba hindi ang mga tao. Pwede mong gawing inspirasyon sa buhay, o kaya maging idol mo lang, pero tandaan, wag na wag sasambahin, tao lang sila.

"Hindi mo kailangang magsalita na para bang Diyos kami. We appreciate you appreaciating us models, but please, treat us like we're normal people, not Gods," irita kong sabi.

"Y-yes Ms. Park," nataranta siya bigla. Nagkandahulog-hulog na nga ang mga papeles niya eh.

Since malapit si Mira sa papel na nahulog ay pinulot niya ito at binigay kay poging principal. Kita kong nginitian ni Mira ang principal para mawala ang kaba nito. Well, sorry naman for intimidating him, nairita lang ako eh.

"So here's your schedule and the key to your locker. All of your PE uniforms are located in the gym's locker room. Also, here are your IDs and laptop," kinuha namin sa kanya ang mga iyon at linagay sa bag ang laptop at ID.

"Bakit may laptop? Para saan?", tanong ni Levy.

"It's for your studies. You will not need any notebooks or papers to write on and for exams, you will be taking down notes using that laptop provided by the school and you will use that laptop for your exams. So please take care of it and do not misplace it."

Napatango kaming apat. Ang galing talaga ni lolo. Hay naku, kung dito na lang kaya kami noon nag-aral? At least hindi pa kami nahirapan kakadala ng mabibigat na bag dahil sa mga notebooks at books namin.

Kaya pala laptop lang ang nakita kong hawak ng ibang estudyanteng nadaanan namin kanina dahil ito na ang gagamitin namin all throughout the year.

"And also, if you're planning to cheat, all of the lessons and files that you saved there will be printed and your advisers will confiscate all of the students' laptop and will be submitted to the Technical Building."

Path of Destruction (Editing and Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon