“Nawawala din si Violet. Tinatawagan ko siya, ayaw niya sagutin."

Napasubsob ko ang mukha ko sa kamay ko. Grabe naman yung dalawang yun. Kung saan saan pa pumupunta eh nagkakagulo na nga dito.

“Kamusta si Darren?" Tanong ni Mama.

“Tulog parin. Ang tagal niya gumising Ma."

“Ganyan talaga. He's in a coma."

Tinignan ko siya. Napaka-peaceful niya talaga tignan.

Niyakap ko siya. “Ma, gigising naman siya diba?"

“Oo naman. Si Darren pa, lalo na kung lagi mo yang niyayakap." Sabay kindat si Mama.

“MA!"

Tumawa lang siya ng malakas. Napatawa din ako.

Nanonood kami ni Mama ng TV nang biglang may kumatok sa pinto.

“Andito siya." Sumalobong sa amin si Tita Marinel. At si Celine.

Agad niyakap ni Celine si Darren, at umiiyak siya. Pumunta sa tabi namin si Tita Marinel.

“Ano ba talaga ang nangyari?" Mahinhin na tanong ni Tita.

Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng sinabi sakin ni Zoey. Pagkatapos nun ay nagusap nalang sila ni Mama. Napalingon ako kina Darren.

My heart sank.

Celine kissed Darren on the cheek.

Why do I have to see this?!

Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto.

Sa corridor may natisod ako.

Kutsilyo.

Teka, kitchen knife namin to ah.

Shxt. Si Zoey!

Tunakbo ako pababa sa hagdan.

Tinatawagan ko si Zoey, pero ring lang ng ring. Ang dilim na sa labas, halos wala nang sasakyan na dumadaan. Ni wala akong ideya kung saan ko siya hahanapin, pero dinala ako ng mga paa ko sa Avenue Seven.

Avenue na puro bars, gyms, apartments, stores. Kung baga modern street.

“Ugh!"

Pumasok ako sa isang bar.

“May nakita ba kayo babae dito na katamtaman lang yung height tapos may nunal sa may mata?"

“Ah, opo. May kasama pa siyang isa pang babae. Nagpupumilit nga sila bumili ng beer, pero under-aged pa po sila."

“Saan sila pumunta?"

“Hindi ko po alam eh."

Lumabas ako ng bar at nagtingin tingin sa paligid.

Kailangan may maalala ako na makakatulong para mahanap ko sila.

Nakakainis! Dagdag problema pa yung dalawang yun!

Biglang umulan.

“Fudge! Kailangan talaga umulan?!"

Pumasok ako sa isang random building at naghintay na tumila ang ulan.

“Ma'am, housekeeping nga po." Sabi nung isang babae na lumapit sa front desk. “Nagsuka yung isa sa mga kasama ko."

Halatang naiinis siya. Teka, parang kilala ko to ah?

Siya yung laging kasama ni Zoey kapag nagagalit siya at laging nawawala? 

Ano nga pangalan nito? Sheena? Shine?

Perfectly Mine (Darren Espanto) | ✓Where stories live. Discover now