Chapter Twelve ♥

183 13 2
                                    

“Cat! Buti  naman at okay ka pa! akala ko, nabagok ka na eh! Ang tagal mong tumayo kaya hindi kita nakita agad dahil sa dami ng tao. Nakita ka naming ni Jarred na nag-exhibition kaya hinanap ka naming nang matumba ka.” Bratatat ni Annicko. Dire-diretso, walang tigil. Paran machine gun sa bilis.

“Buti nalang at nasalo ka netong si Seb. Ang bilis talag ang synapses mo, pare!” tinapik niya ang balikat ni Seb.

“Ay, I almost forgot!” nahalukipkip ni Annicko ang bibig niya.

“Seb, si Cat nga pala, bestfriend ko. Magkaibigan na kami niya simula pa nung high school.” Ipinakilala ni Annicko si Cat kay Seb.

“Cat, this is Seb. My best friend. Isa sa mga tropa ko.” Sabi naman ni Jarred kay Cat.

“I know her already. I met her on the way here in the Philippines. “

“Ahhh. I see.” Hinimas ni Jarred ang baba niya.

“Babe, wait lang ha. Iikot muna kami ni Cat.” Malambing na sabi ni Annicko kay Jarred.  Hinila ni Annicko ang braso ni Cat at nilakihan ito ng mata.

“Sure. Come back here before I miss you.” Pa=cheessing sabi naman ni Jarred. Ngumiti ng matamis si Annicko at lumarga na silang dalawa ni Cat.

“Annicks, naiiihi ako. Nasan ba yung CR?”

“Tara dun. Punta tayo.” Lumakad ang dalawa papunta sa isang pasilyo.

“Uy, yun ba yung sinasabi mong pogi sakin? Nung nasa eroplano tayo?” tanong ni Annicko sa kaniya habang nagpa-foundation.

“Yup. Akala ko nga ‘di ko na siya makikita eh. But mabait ang tadhana sa akin at pinagkrus ang landas namin.” Pagpapaliwanag ni Catalina.

“So, mahal mo siya? Diba nagiilusyon ka sa kaniya lately? Tapos ayun, nagkatagpo ulit kayo.”

“Mahal gad? Hindi ba pwedeng crush muna?” tinaas ni Catalina ang kilay niya.

“Eh di crush!” sinara ni Annicko ang Etude (O, endorser. Magaganda make-up nila kaso mahal. Waley akong money.) niyang foundation at inilagay iyon sa gold purse niya.

“Leggo! Puntahan na natin ang future mo.” Sabi ni Catalina pagtapos mag-ayos ng konti at magpahin ng lipstick.

“Future ko o future mo?” ngiti ng kaibigan at saka lumabas sa pinto.

Napatingin si Catalina sa salamin. Tinitigan niyang maigi ang sarili.

Pwede ko ba siyang maging future? Future ko ba siya?

-------------------------------------------------------------------------------------------

Footnote: Im supposed to write my editorial assignment for journalism but 'di ako inspired. So, eto ang bunga ng walang magawang isipan! Hahahahaha :D

Next update, next week na. Exam na namin. Dami pang project. Hassle talaga grabe, laki na ng eyebag ko :( 

Godbless! :) 

~MissWhiteSwan♥

Love at First FlightWhere stories live. Discover now