Chapter Seventeen ~

60 1 2
                                    

"What the---"

tanging nasambit ko nang matapos ang kidlat at kulog na yun.

Parang nagfreeze ang buong paligid. Hindi kami makagalaw pareho.

Nakikita ko ang maamo niyang mga mata sa kabila ng dilim.

It was hypnotizing. Every single detail about her.

Just one last.

Baligtad kami ng posisyon.

"I---" what should I say?

Dali-dali akong tumayo dahil sa sobrang pagkapihiya ko.

"I'm sorry. I'm sorry. Hindi ko sinasadya." I just fixed my suit.

What the hell Seb?

"Okay lang. 'Di mo naman sinabi sakin na takot ka pala sa kidlat. Hahaha." binigyan niya ako ng mahinang tawa.

She was still sitting at my receiving chair while fixing her hair. Nagulo ko ata iyon nang bigla akong napasampa sa kaniya.

That was embarrasing man!

"Lahat naman tayo e may kanya-kanyang kinatatakutan. Ano naman kung iyon ang sayo?"

she pointed with her lips the lightning that was again appeared on the sky.

Her face was innocent.

Urgh!! Hindi niya alam kung gaano niya ako sineseduce sa ginagawa niya.

KRUGHHHSSSSSSSS!!

Wala sa sarili kong tinakpan ang mga tenga ko and I curled like a child.

"Shhhhh. Okay lang iyan. Sasabihan na lang kita ulit kapag meron."

Di ko namalayan ang mabilis niyang paglapit sa akin. Hinagod niya ang likod ko hanggang umayos ang pakiramdam ko.

She comforted me like she knew me before.

She comforted me like Sarah. Ganun din ang ginagawa niya sa tuwing ganito ang panahon.

Sa tuwing makakarinig ako ng kidlat.

Sa tuwing kailangan ko siya.

But she's definitely gone.

And never coming back because of my stupid mistake.

---

Catalina's POV

Ohhhhh.

Sa kisig niyang lalaki e takot pala ang isang yun sa kidlat.

"Walang dapat na makaalam nito." sabi niya sakin.

"Anong sinasabi mo diyan? Anong sinasabi mong NITO?" bingyan ko ng diin ang huling salita.

Inayos niya ang damit niya. Nanahimik siya at tumingin sa langit na madilim.

"Na takot ako sa kidlat." tanging sabi niya.

"Eh ano naman ngayon kung malaman nila na takot ka sa kidlat? No big deal naman siguro sa kanila yun." pagismid ko sa kaniya.

"It was meant to be a secret. Siya lamang ang nakakaalam nito." wika niya habang malungkot na nakatitig sa larawan.

Hindi ko iyon makita dahil nakaharap ito sa kinauupuan niya.

"Sinong siya?" tanong ko.

Biglang pumait ang expresyon niya. Para bang napaisip ng malalim.

"Ah, wala." kinuha niya ang frame at itinago iyon sa drawer ng desk niya.

Aba. Masikreto pala talaga siya.

"Okay." tanging naging sagot ko lang.

"Inuulit ko Cat, dapat walang makaalam nito. Or else---"

"Sa isang kondisyon." pilyang ngiti ko sa kaniya.

"Aba, Miss Saragoza, first day mo pa lang e may kondisyon ka na. Hahaha" mahinang tawa niya.

---

Seb's POV

Ano kaya ang iniisip ng isang 'to?

I'm getting interested to her.

Ang lahat ng naga-apply bilang secretary ko ay umu-oo sa lahat ng desisyon ko.

"Let's see Miss Saragoza. Ano ba iyon?" itinaas ko ang dalawang kilay ko.

Nagpaikot-ikot siya sa kinauupuan ko.

"Wait lang, nagiisip pa ako ." sabi niya ng nakapameywang.

Parang siya ang boss ahh.

'Di ko namalayan ang sumilay na ngiti sa aking mga labi.

"Ayan... ngumingiti ka na din. Mas bagay sayo iyan e. Mas pogi ka tignan." she smiled at me in return.

She's straight to the point at walang paligoy-ligoy ha. She's really interesting.

"Sabi nila masungit ka daw dito. Pero sa tangin ko naman hindi eh." dugtong pa niya.

"Oh ano na Cath? Say it. Basta hindi lang dapat lumabas ang sikreto ko."

That was more than a secret. May memories din kami ni Sarah dahil dun.

At gusto kong kaming dalawa lang ni Sarah ang nakakaalam nun.

At wala nang iba pa.

"Name it." iniling ko ang ulo ko.

tumayo siya sa harap ng desk ko.

"Be my date."

What?!

"Pleeeeeeeeeeease?"

bago pa man ako makapagsalita ay nagmakaawa na siya ng parang bata.

Urgh! Irresistable.

"Fine."

Sabi ng labi ko na may sarili na yatang utak.

---

Ajujujuuuuuu :)))

Wait for C18 :")

~MissWhiteSwan :3

Love at First FlightWhere stories live. Discover now