Chapter Sixteen ~

76 3 2
                                    

And I'm back after a very loooooong break ;))

I know, sobrang tagal bago ko nai-update into story ko. Sana basahin niyo pa din. Mehehehe.

I'm sorry for the very late update but here's Cath and Seb again :)

~ MissWhiteSwan

---

Yihieeeeee :"> first time ko sa office ni Mr. pogi. And for that, I decided to wear a simple work dress that suits my curves.

And yes, di naman sa pagmamalaki pero nang hakbang ko pa lang sa building na 'yun e ilang mata na ang nahuli kong nakatitig sa'kin.

So, it's my first time so I want, desperately want to make it perfectly perfect.

"This way to Sir Sebastian's office 'mam." sabi nung inutusan ata ni Seb para sumundo sa'kin.

"Is that the girl na sinasabi ni Sir na temporary secretary niya?" narinig ko yung isang babae na bumulong dun sa katabi niya as I walk by sa mga nakalinyang cubes doon.

Malaki ang building na pagmamayari nila. Desente ang mga tao at halatang high class ang serbisyo na ipinagkakaloob nila sa kanilang mga clients.

"Masungit ba ang boss niyo dito?" tanong ko sa lalaking sumundo sakin. Mapapanis na kasi ang laway ko dahil no pansin naman ang isang to.

Always poker face lang like kanta ni Lady Gaga.

"Before I answer that, I'm Mike. I work here as a marketing assistant." iniabot niya ang kamay niya sa akin na siya namang tinanggap ko.

"Hindi naman. Actually medyo lang. He's always straight to the point at strikto siya sa trabaho."

Nasa 9th floor ang office ng magiging boss ko kaya mabilis kaming nakarating doon sa pamamagitan ng elevator.

Lumakad lang kami ng kaunti at isang malaking pinto ang binuksan ni Mike.

"Good morning Sir, andito na po si Miss Catalina."

"Thanks sa pagsundo sa kaniya Mike." He maintains a straight face.

Parang cherry mobile pala 'tong si Seb. Dual sim. As in dual personality.

Bakit nung unang nakita ko siya eh he seems so sweet and gentle. Pero bakit ngayon he look fierce na parang leon?

'Di ko napansin ang paglaho ni mike mula sa pinto dahil abala ako sa pagtitig kay Seb.

"Catalina." he snapped.

"oh---" nawala tuloy ako sa sarili ko.

Napasilip ako sa malaking glass window para matakpan ang hiya ko.

Nahuli niya yata akong nakatitig sa gwapo niyang mukha.

It is raining very hard. It's raining cats and dogs. Narinig ko sa radyo bago ako pumasok na may bagyo.

Halos maputol na ang mga puno sa pagsabay sa malakas na hangin.

"You'll be my secretary hanggang matapos ang vacation ng permanent sec ko."

"Expect me to make you feel that I'm the boss. We're on a work."

"Expect me to---"

- -------ERRRRRKKKKK

"Ayyyyyyyyyy!" napatili ako dahil bigalang nawalan ng ilaw.

Urgh! First day na first day tapos biglang ganto?

"Crap!!" Napasigaw si boss. May kung anong hinanap siya sa drawer niya na nasa ibaba ng desk. Idinabog niya into nang hindi makita ang hinahanap.

Kinapa niya ang bulsa niya at kinuha ang cellphone.

"Normal lang naman na magka-brownout sa ganitong panahon." sabi ko sa kaniya pero para wala naman siyang narinig.

Nagpatuloy siya sa pagdial ng contact sa phone niya.

"What happened?! Nasaan na ang generator natin?!" bulyaw niya sa kanilang linya.

"Wala akong pakialam kung may naputol na puno at sumabit sa cable ng kuryente! All I need to know is kung nasaan na ang generator natin!"

Pogi pa din siya kahit nagagalit :">

"What you mean na lowbatt? Ayusin niyo ito."

binaba niya ang telepono.

" Cath, keep close." sinabi niya sakin na para bang may sniper sa labas ng building na handa kaming patayin.

"Huh?" James Bond 007 ikaw ba 'yan? :)))

Nagsimula na ulit ang pag-iingay ng langit,

KRUGKRIGGGGGG!!

pinanood ko ang pagilaw ng alapaap mula sa kinauupuan ko.

Maganda pero nakakatakot.

May malakas na bagyo na sisira na naman ng mga bahay at kalsada.

"Cath, I said, keep close." he almost whispered.

"Sir, gaano ka close?" Sarah G bilang Laida Magtalas lang ang peg ko.

I draw my face near him. Nagkatitigan kami saglit nang...

KRUUUUUUGGGGSSSHHH!!

Isang nakakabinging kulog at sinundan ng kidlat na gumuhit sa langit ang tumakot sa amin!

At ang nakakagulat pa ay may napaupo sa legs ko at yumakap sa akin.

"HUWAAAAAHH!" Hindi ako ang tumili.

MABIGAT SIYA.

Love at First FlightOnde histórias criam vida. Descubra agora