Chapter Ten ♥

273 12 2
  • Dedicated to Bhebz Bettina Moon
                                    

Text Msg:

                                Mareh, engrande ba talaga yung EP niyo?

Reply:

                                Oo naman no. One zillion times ko na yatang sinabi ‘yun sayo.

Text Msg:

                                Okay lang ba ‘tong suot ko? Hindi ba panget?

Reply:

                                Ganda nga eh, okay na yan J

Nagtetexan ang dalawa sa likod ng kotse kahit magkatabi lang sila. Si Jarred naman ay nagmamaneho sa harapan.

“Gals, we’re here! Tago niyo na yang mga phones niyo. It’s time to mingle with the people.” Sabi ni Jarred. Inihinto niya ang kotse sa harap ng medium sized dome na may red carpet sa gitna papasok ng pinto hanggang sa loob. Bumaba silang tatlo at pinaubaya na ni Jarred ang kotse niya sa assistant niyang lalaki. Umambrasete si Annicko sa fiancé at lumakad sa red carpet.

“Guys! They’re here!” sabi ng isang lalaki na umiinom ng champagne. Lumakad na din si Catalina sa red carpet mag isa. Almost all of the guest are throwing a who-you-are look to her. Na-insecure tuloy siya sa sarili niya.

“Di mo naman sinabi na ganito ka-sosyal ang mga tao dito. Kung sinabi mo lang sana ng maaga eh di sana nakabili naman ako ng mas magandang damit.” Reklamo ni Catalina sa kaibigan.

“Okay naman ang damit mo ah!” pang-eencourage sa kaniya ni Annicko para hindi mahiya.

“Red! Kamusta ka na?! ang ganda pala g magiging bride mo ah!” sabi ng isang lalaki na medyo wavy ang buhok katulad ng kay Tom Cruise.

“Naman! Itong bride ko, maganda na, mabait pa!” pabida naman ni Jarred. “And most importantly, mahal na mahal niya ako.” Dugtong pa niya. “hindi ba babe?”

“Oo naman. Kahit pilyo ka eh love na love kita.” Pagpapatotoo naman ni Annicko. Hinalikan siya ni Jarred sa noo at nagkangitian ang dalawang lalaki.

“O siya, pare, saglit lang at ipapakilala ko muna itong maganda kong fiancé sa iba. Iinggitin ko muna yung iba nating ka-tropa.” >:D

“Mare, dun muna ako ha. Baka kasi nakakaistorbo ako sa inyong dalawa.” Itinuro ni Catalina ang mesa sa di kalayuan.  Mataas ang mesang ‘yon. Parang mesa sa mga sosyaling bar.                “O sige, dun ka muna. Babalikan ka nalang naming mamaya. Wag kang magtataray ha. Be good. Makipagkaibigan ka para ‘di ka naman nila sabihang loner.” Pinagbilinan siya ng kaibigan.

“Oo na. Sige, dun muna ako.” Pumunta na siya sa table at umupo. Humingi siya sa waiter ng vodka na may kasamang chaser.

Bakit ba by partner nalang ang lagi kong nakikita? Ako lang ata ang walang kasama dito. Sabi niya sa isip habang tinitignan ang isang lalaking may kasamang babae. Nakapatong ang kamay ng lalai sa bewang ng babae. Nahulaan tuloy ni Catalina na magkasintahan (wow, magkasintahan.) sila.

Ano ba naman yan, puro nalang magjowa ang nakikita ko. Wag naman sana ipamukha sa’kin ng tadhana na wala akong boyfriend L Sinimot niya ang natitirang vodka na nasa baso niya. Tiningnan niya ang dalawa, ang bestfriend niya at si Jarred. Masayang-masaya ang lovebirds. Masayang nagtatawanan, masayang nakikipagkwentuhan at masayang nag-iibigan. (awww. Poor Cat)

Kumuha ng wine si Catalina sa umiikot na waiter. Unti-unti niya iyong ininom at nang maubos niya iyon ay talagang bored na siya. Napagdesisyunan niyang puntahan si Annicko at hiramin muna siya saglit kay Jarred para may makausap naman siya kahit sandali.

Kanina pa palakad-lakad si Catalina pero hindi niya pa rin mahanap ang dalawa. Naiihi na siya. Mabilis siyang lumakad papuntang restroom at nang…

Napapapikit siyang bigla.

“Ay! Kabayong nalaglag!”

Nadulas siya! :O Feeling niya ay bali na ang kaniyang kanang paa dahil sa suot niyang 3 inches na heels.

                Mabiyak na sana ang simento at kainin na ako ng lupa! NOW NA! Minulat niya ang kaniyang mga mata. Isang imahe ng lalaki ang tumambad sa kaniya. 

Nabagok na ba ang ulo ko at nasa-langit na ako? Ito nab a si Angel Gabriel? Tapos na ba ang lahat sa akin? Tumingin siya sa lalaki.

                Hazelnut eyes… Mahahabang pilik-mata… matangos na ilong… ganito ba ang mga anghel sa langit? Pero, naka-tuxedo siya. At blue ang polong panloob niya. Ito ba ang new attire ng mga anghel sa langit? She came back to her senses. Narinig niya ulit ang mga nagtatawanan na bisita at angmga cheers ng mga nag-iinuman.

                “Miss, are you alright?” tanong sa kaniya ng lalaking nakita niya na yata sa panaginip.

------------------------------------------------------------------------------------------

Footnote: Be my fan ! Hahahaha :D Vote :)  How you enjoy my story so far :) Im open for suggestions, just message me :)

                                                                                              ~ MariaGraciaaa :)

Love at First FlightWhere stories live. Discover now