Chapter Two ♥

302 18 2
                                    

   "Miss Saragoza." tinawag siya ng senior flight attendant nila. "It's the third time you arrived late." tinaasan siya ng kilay nito.

"Sorry 'Mam. Traffic po kasi at umuulan." pagsisinungaling niya. Kaya siya na=late ay dahil ang bagal bagal niyang kumilos at mag ayos sa sarili.

"So, is it my fault that it is traffic and raining hmm? You're always like that. Full of excuses." tiningnan siya ni Madam Chona ngmasama, pataas, pababa, at saka umalis papalayo.

   So, is it my fault that it is traffic and raining? muling ulit niya sa isipan niya.

  Maldita. Buti nalang at 'di ako natulad sayo. Kundi, puno na sana ng wrinkles ang mukha ko. Hehehe! :P 

Nalarawan sa kaniyang isip ang mataray na mukha ng kaniyang boss. Unti-unti itong nagkaroon ng background na apoy. Agad siyang napahinto sa pag-iisip dahil nahuli niya ang sarili na mag-isang nakangiti.

   "Oh, anung nginingiti-ngiti mo diyan?" Tanong sa kaniya ni Annicko na bestfriend niya simula pa noong college sila. Parehas sila ng kinuhang course at ngayon ay magkatrabaho na sila.

   "Si <adam Tray kasi, nagiging kamukha na ni Lucifer sa sobrang sungit." ngisi niya sa kaibigan.

   "Hay nako. Maria Catalina R. Saragoza, 'di ka pa nasanay." kumpay ng kamay ni Annicko sa hangin. "Kanina nga e napagalitan ako niyan dahil 'di daw maayos ang buhok ko. Eh tingnan mo nga yung buhok niya, kulot-kulot!" iginala niya ang mga mata at napapikit nang mamataan niya ang kaniyang boss na nakatingin sa kanila.

   "Nakatingin 'yong bruha. Tara na at baka masabon nanaman tayo nang hindi nababanlawan." pumunta sila sa unahan ng aircraft.

   "Saang class pala tayo naka-assign ngayon, Nicks?" tanong ni Catalina habang nagaayos ng uniporme. 

   "Business class tayo ngayon marehhh !" Kumpas ni Annicko ng kamay sa hangin. Nakasanayan na niya iyon na natutunan niya sa mga beki na kung makapagsalita eh laging may kulot ang tono sa dulo. 

   Yeeeaaahbah! Business class! Mukhang ayos 'to ah! Sosya-sosyalan muna tayo sa kilos ngayon at ayaos ayos din ng grammar at accent. Yung mala-British ba. Para sossy!

   "Ladies and gentlemen, we'll start our wonderful travel brought to you by Kingledge Airport. Enjoy the ride and fasten your setbelts please." sabi ng captain ng eroplano. Pagkatapos nun ay pumunta ang lahat ng mga assigned na stewardess ng business class para i-demo ang mga gagawin sakaling magka-aberya. sa eroplano. Pansin ni Catalina na halos lahat ng paseho ay sa kaniya nakatingin. Pansinin naman kasi talaga ang height niya na 5'7 at makurbang katawan na akala mo ay sadyang hinubog sa hulmahan because it's close to perfect. Makinis ang kaniyang balat at maputi kaya hindi mo aakalain na 100 percent siyang Pilipino.

   Oh! Palong-palo ang beauty mo lola! Likish ka nilang lahat! Buti nalang pala at ginamit ko yung bagong make-up na bigay ni mama! galing britai ang make-up na sinasabi niya. Padala iyon ng isng manliligaw ng mama niya sa chatbox.

   Totoo namang magarbo ang lugar kung saan siya na-assign. Merong mga sosyaling ilaw na nakakabit sa cieling like a spotlight for performers. Ang mga upuan ay mistulang kama sa sobrang laki at sobrang lambot pa ng kutson nito. Ang carpet naman eh parang red carpet sa Oscars Award being held at Hollywood.

   "White wine or red wine sir?" nagsimula nang mag-asikaso si Catalina at si Annicko ng mga pasahero.  Tinuro ng matabang lalaki na naka long-sleeves polo ang red wine. Agad namag sinalinan ni Catalina ang kopita niya. Ngumiti ang matabang itsik kaya nagmukhang buddha siya dahil sa malaking tiyan niya. 

   Pipi ba yun oh ano? Hindi manlang magsalita. Sinabi niya sa sarili habang papunta sa susunod na pasahero. Napatigil siya nang muntik na siyang matapilok.

   "AY KABAYO, NALAGLAG!" mabilis niyang sabi.Buti nalang at nakahawak siya sa headrest ng isang upuan malapit sa kaniya kundi kanina pa sana namamaga ang kaniyang kanang paa. 

   Peste naman 'tong heels na 'to. Wa poise tuloy!

Hanggang dito muna. Antok na 'ko. May gagawin pa akong script para sa play namin sa school. Antoks nko -________-

Love at First FlightWhere stories live. Discover now