"ANNYEONG!!!" napunta yung atensyon namen kina Ate Pau na kararating lang habang nakapose sila. Umalis na rin si Esme, nakakuha ng pagkakataon eh. Oh well

"Nandito kayo?" halatang nangaasar si Chen pero di sya pinansin nina Yvan

"Hihiramin lang namin saglit si Ysa" sabi ni Ate Pau sabay hila saaken pero hinarangan sya ni Baekhyun

"At saan kayo pupunta?"

"Mr. Byun, ang magiting na fiance ni Ysa. Hindi ata kame na aware na bawal na palang hiramin si Ysa" sabat ni Jumi

"Saan kayo pupunta?" Hala! Hahaha. Di pinansin si Jumi

"Sa Infinite" simpleng sagot ni Ate Pau saka na ako tuluyang hinila palabas. Dalawang kotse yung gagamitin. Kamebg tatlo nina Skyrene and Ate Paula ang magkasama. Habang sina Yvan, Chrystal and Jumi eh doon sa kabila

"Anong gagawin natin doon at kailanang kasama pa ako?" tanong ko

"We're too fab to explain" sabay pa nilang sagot -_- ang timang ng dalawang to

Nanahimik na lang ako habang nasa may biyahe na kame. Simula nung nag ka amnesia ako ang sabi nina Luhan di na daw ako masyadong umiimik pag nasa biyahe na. Eh ano namang problema doon? Baka natyempuhan lang

"Aii! Ysa, bakit nga pala err... nasa may haranga--este sa may pintuan sina *ehem* Chen and *ehem* Esme?" tanong ni Skyrene, napatingin naman sa kanya si Ate Pau, ewan ko ba kung bakit bigla akl naalarma, hinampas ko ng malakas sa may braso si Ate Pau

"Ate Pau naman! Gusto mo bang mabangga tayo?!" medyo pasigaw na sabi ko

"Sorry naman. Bakit kase ganyan magtanong si Skyrene" sagot ni Ate Pau habang natatawa pa ng kaunti

"So?" pagpapatuloy saaken ni Skyrene

"Pinipigilan ni Chen na wag umalis si Esme eh. Uhmm. Ahh!! Hindi hindi, tinatanong pala kung saan pupunta. Nakakapanibago nga si Chen eh kase kanina nung bago kame mag breakfast, tinititigan nya si Esme" sagot ko naman

"Okay ka lang Unnie?" pang aasar ni Skyrene kay Ate Pau

"Huh? O-Oo naman. Hahaha. Bakit mo tinatanong?" focus na ngayon si Ate Pau sa daan, ni hindi tulad kanina na tinitignan pa kame pag nagsasalita sya. Ngayon focus lang talaga. Saka oo nga pala no? Gusto nya si Chen. Meheee. Thelot sya. Hahaha. Naging tahimik na si Skyrene. Huwee, ang awkward lang. Kinuha ko na lang yung phone ko saka ako nagshuffle ng kanta

"Ahhhhh!!!!!! Ate Pau!! Focus sa daan!! Muntik na tayo mabangga eh. Aish!!" sermon ni Skyrene kay Ate Pau, ang higpit ng hawak ko sa inuupuan ko since nasa passenger seat ako. Kinabahan ako doon, mukhang focus si Ate Pau pero lumilipad yung isip nya, muntik na lase kame mabangga doon sa isang kotse, nalipat si Ate Pau sa kabilang lane eh. Buti na lang naagapan ni Skyrene

"Sorry. Sorry talaga" sabi ni Ate Pau habang nagbobow

"Hindi ka mukhang okay Unnie eh. Ako na lang magd-drive. Baka mapano pa tayo eh" sabi ni Skyrene. Bigla akong napapikit sa sakit nung biglang sumakit ulo ko. Para akong pinupukpok ng isang daang martilyo

"AAAAAHHHHHH!!!!"

"Ysa! Anong nangyayare?!"

"Ysaaaaaaa!!!!"

--

A U T H O R

"Mama. Mama. Bilisan mo. Hihihi. Yipiehhh!! Pupunta kame sa Jollibee" sabi ng isang bata sa isang babaeng di masyado katandaan ang edad. Nag aayos sila para kumain sa isang fast food chain

"Ysa baby. I want you to behave okay?" sabi naman ng isang lalake na gwapo kahit na may kaedaran na late '30s. Tumango naman ang batang nagngangalang Ysa na nasa edad na 3

"I won't make any noises habang nagd-drive si Mama" labas ngipin na sabi ng batang Usa

At the car..

"Mama! Mama! Papa! Look oh! There's a cute butterfly on my head" talon talon pa ang batang si Ysa habang tinitignan ang sarili sa harap ng hawak ng maliit na salamin

"What did I told you Ysa? Papa said behave diba?" mahinahon na tanong ng Papa ni Ysa sa kanya pero di nya pinapansin ang Papa nya. Kaya napa iling na lang ang Papa nya and nagtuloy sa pagdrive. Nasa may kalagitnaan na sila ng daan ng huminto ang Papa ni Ysa sa pagd-drive

"Okay ka lang?" tanong ni Mrs. Park kay Mr. Park

"Huh? Oo, nahilo lang" iistart na sana ni Mr. Park ang sasakyan pwro pinigilan sya ni Mrs. Park

"Hindi ka mukhang okay eh. Ako na lang magd-drive. Baka mapano pa tayo eh" sabi ni Mrs. Park saka sila nagpalit ng upuan

--

"Ysa! Wag kang tumakbo! Baka mapahamak ka!" sigaw ni Skyrene habang hinahabol ka kasama si Paula. Ikaw naman eh takbo ng takbo habang nakatakip ang mga kamay sa tenga di mo pinapansin ang mga nababangga mong mga tao buti na lang nasa tabi ka

--

"Ysa, wag magulo. Nag d-drive si Mama mo oh" sabi ni Mr. Park sa anak na si Ysa na magulo na nakaupo sa may shotgon seat, pero patuloy parin ito. Hanggang sa masagi nya ang manibela

"YSAAAAA!!!!!!"

--

"YSAAAA!!!!" sabay ng pagsigaw ni Paula ay ang paghila nya sayo. Muntik ka ng masagasaan NANAMAN

××

"Ysa!!" sigaw ni Baekhyun ng makapasok sya sa room kung saan ka nakaadmitt. Agad agad mo naman syang yinakap at umiyak

"B-Baek. N-natak-kot ako. N-namatay s-si M-m-mama d-dah-hil saaken" yinakap ka lang ni Baekhyun

Another Day with Byun Baekhyun [Book 1 and 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon