Chapter Twenty-Two: Starting Again

2.5K 160 26
                                    


CHAPTER TWENTY-TWO
STARTING AGAIN
━━━━━━━※✧✦✧※━━━━━━━






             "You want some apple pa?" Tanong ni Cass kay Alex habang nagbabalat sya ng mansanas sa kusina at naka-upo ito sa tabi nya.
            "I'm full na Papa." Sagot naman nito.
            "Okay kay Papa na lang ito... Gutom pa kasi si Papa.. Malakas kumain si Baby Calix." Nakangiting sabi nya. Nasa anim na buwan na ang tyan nya at nakita na sa ultrasound na lalaki nga ang baby niya. Tama si Carter.
             At sa loob ng limang buwan na yun kumonsulta si Cass sa pschyciatrist na nakatulong naman sa kanya dahil mas natatanggap na nya ng husto ang pagkawala ng anak nya.

            "Papa.... Kailan po uuwi si Daddy?" Tanong ni Alex pagkainom nito ng tubig. Natigilan naman si Cass, kagaya nga ng napag-usapan nila binigyan nila ng space ang isa't-isa although nagkikita naman sila pag-check up nya, small talk lang about his pregnancy ang pinag-uusapan nila nothing personal. Kahit na may space silang nilagay sa pagitan nila hindi naman ito nagkukulang sa pagiging ama kay Alex at sa dinadala nya.
                At sa totoo lang aminin man nya or hindi ay na-mimiss na ni Cass si Alessandro para sa kanya tama na yung space na binigay nila sa isa't-isa, sa pakiramdam nya buo na ulit sya para ituloy ang relasyon nila pero baka ito mismo ang di pa handang balikan ang relasyon nilang nakabitin.

               "Well di ko alam... Di ba nya sinabi sayo?" Tanong niya saka kumagat ng hiniwa nyang apple. Nasa New York kasi si Alessandro kasama si Piper may business deal na ginagawa ang dalawa doon at magkakapirmahan na yata ng contract kaya kasama si Piper. Bakit nya alam? Sinabi kasi ni Alex sa kanya.
             "Eh bakit po di din kayo masyadong nag-uusap?" Tanong ulit ni Alex.
             "Because... Your Daddy and I agreed to have some space." Sagot nya saka bumaba si Alex sa upuan at nagpunta sila sa sala.

             "Space? Katulad po ng hiningi ni Basha kay Popoy? Edi hiwalay po kayo?" Tanong ulit nito. Natawa naman ako.
              "Kung ano-ano ang nalalaman mo... Wag ka ngang laging nasama kapag nanonood ng drama ang Lola Lydia mo." Natatawang sabi nya. Napakamot naman sa ulo si Alex saka sila umupo sa couch.
            "Eh ano nga po?" Tanong ulit ni Alex.
            "Were not hiwalay... We just needed space para sa sarili namin." Sagot nya at kahit mukang di naiintindihan ay tumango na lang si Alex.

             "Sino ang may gusto ng ice cream!" Napalingon sila Cass at Alex sa may pintuan ng pumasok doon si Raiko na may dalang ice cream nga.
            "Wow kundi pa naglambing si Alex di ka dadalaw eh noh." Sabi ni Cass. Natawa naman si Raiko.
            "Sumbat agad si buntis... Di ba nga nag-mo-move on ako sayo." Natatawang sabi ni Raiko. Agad naman na tumakbo si Alex at nagmano kay Raiko bago pumunta sa kusina at ito na ang nagkusang kumuha ng baso at mga kutsara.
           "Sinong niloko mo. Alam kong matagal ka ng naka-move on sa akin noh." Natatawang sabi niya. Umupo naman si Raiko sa tabi nya saka binuksan ang ice cream at kinuha kay Alex ang mga baso para lagyan ng ice cream.

           "Thank you." Nakangiting sabi ni Cass ng abutin ang ice cream saka sya sumubo. Ganun din ang dalawa.
            "Hmmm.... Kamusta na nga pala si Piper?" Tanong bigla nito.
            "Si Piper? Talaga ba? tinatanong mo kung kamusta si Piper?" Tanong nya.
            "Bakit anong masama?" Patay malisya na sagot ni Raiko. Natawa naman si Cass.
            "Wala lang....but I smell something fishy." Natatawang sabi nya. Napailing naman si Raiko.
             "Enough... How about you and Alessandro? Tapos na ba yang spacing nyo?" Tanong nito. Natahimik naman si Cass.

            "Kung ako lang... Gusto ko ng tapusin...pero sa tingin ko kasi sya ang di pa handa.... Kasalanan ko naman." Sagot niya ng biglang napatayo si Alex.
            "Alex bakit?" Tanong ni Raiko. Umiling naman ito.
            "Wala po may tatawagan lang po ako." Ngiting ngiti na sabi ni Alex saka ito nagtatakbo papunta sa kwarto nito. Nagkibit-balikat naman sila Cass at Raiko saka hinyaan ang bata.

Reason To BreatheWhere stories live. Discover now