Chapter Twenty-One: Acceptance and Space

2.2K 155 21
                                    

[A/N: I found the perfect song for them, pero kayo may naiisip ba kayong bagay na kanta for Alessandro and Cass?]






CHAPTER TWENTY-ONE
ACCEPTANCE AND SPACE
━━━━━━━※✧✦✧※━━━━━━━



              Puting kisame ng bumungad kay Cass ng magising sya. Agad nyang naalala ang nangyari kaya kabado syang napahawak agad sya sa tyan nya. Nangangamba syang baka iniwan na din sya nito, na baka di na sya makakabawi sa mga ginawa nyang pag-babalewala sa sarili nyang anak.
              "Cass...." Napalingon sya at nakita nya si Alessandro saka nya hinawakan ang kamay nito.
             "S-Si Baby? Is he alright?" Tanong nya agad. Marahan naman na tumango si Alessandro at nakahinga sya ng maluwag saka sya umusal ng panalangin ng pasasalamat at di hinayaan ng Diyos na mawala sa kanya ang anak nya.

           "Sabi ni Doc Elaine dehydrated ka daw at kulang sa timbang. Di din daw makapit ang bata dahil di mo naman daw iniinom ang vitamins na binigay nya sayo... Maswerte na lang talaga at di sya nawala." anito. Napatango naman si Cass at may sasabihin sana sya ng alisin ni Alessandro ang pagkakahawak nya sa kamay nito.
          "Alessandro...."
          "Alessandro... Can we talk?" Mahinang pagtawag nya ulit dito. Napatingin naman ito sa kanya saka umupo sa gilid ng kama nya
             "Are you mad at me?" tanong nya. Yun lang ang nakikita nyang dahilan kung bakit ganoon ang inakto nito kanina. Napahinga ng malalim si Alessandro.

             "I don't know... Honestly I don't know what to feel.... After what you said then that happened..." Napakunot ang noo ni Cass parang di maganda sa pandinig nya ang sinabi nito.
               "So you really think I can...do that...get rid of our child?" Di maiwasan ni Cass ang masaktan. Oo nasabi nga nya iyon pero Alessandro should know better.
             "Alam kong nagkamali ako sa mga sinabi ko pero....You should know that I didn't mean that.... I was so emotional back then...di ko sinasadya ang mga sinabi ko." Paliwanag nya. Tumango naman ito.
             "I know.... Di lang maalis sa akin..."
             "Na isipin na kaya ko nga?" anya. Napahinga naman si Alessandro ng malalim.

              Di nya alam kung paano nya sasabihin na ganun nga, na nagkaroon sya ng doubt na kaya ngang gawin ni Cass yun. At kaya di nya ito makausap ay sa kadahilanang na-gi-guilty syang pinag-isipan nya si Cass ng ganoong kasamang bagay.
            Matagal na sandaling natahimik ang dalawa na para bang pinag-iisipan nila ang susunod na sasabihin sa isa't-isa, hanggang si Cass na ang bumasag ng katahimikan nila.

                "I think we need space." aniya napatingin naman si Alessandro dito.
                "Para makahinga tayo.... Makapag-isip." Mahinang sabi ni Cass. Nanatili lang na tahimik si Alessandro. That not what he wanted pero baka nga iyon ang kailangan nila, baka iyon ang kailangan ng relasyon nila ngayon.           
              "If that what you wanted...." Mahinang sabi nya saka sya tumayo. Umiling sya.
              "It's not what I wanted Alessandro, but it's I think what we need." sagot ni Cass. Tumango si Alessandro maybe Cass is right, space is what they needed, to be alone for awhile...to grieve on their own, to heal on their own.
               Aminin man kasi nila or hindi ay nasisira na silang dalawa dahil sa mga nangyari at kung ang magkalayo pansamantala ang maghihilom sa kanilang dalawa so be it, para sa oras na handa na sila ay maibibigay na nila ng buo ang sarili nila sa isa't-isa.

             



………………………………………






           "Cass.... Okay ka lang ba dito?" Tanong ni Tita Lydia kay Cass na nasa loob muli ng kwarto ni Carter. Nakangiting tumango naman ito.
            Isang linggo na din mula ng ma-discharged sya sa hospital. At mula ng magka-usap sila ni Alessandro ay di na sila nabigyan ng pagkakataon na magkasarinlan. Sa tuwing dadalaw ito ay si Alex ang kausap nito, minsan nga lumalabas na silang dalawa lang which is okay lang sa kanya.
            At least kahit may space silang inilagay sa pagitan nila ay di nito nakakalimutan na maging ama kay Alex at sa dinadala nya.

             "Opo Tita... Pakilagay na lang po yung mga boxes dyan." Anya. Tumango naman si Lydia saka ipinatong sa kama ang mga box na pinakuha nya saka ito lumabas ng kwarto. Inilibot naman ni Cass ang paningin nya sa buong kwarto. Ngayong araw na ito ay napagpasyahan nyang ligpitin na ang mga gamit ni Carter.
                After nyang mapanood ang ginawa nitong video ay natanggap na nya, na wala na talaga si Carter. Hindi na nila ito makakasama kailanman pero alam nyang di sya dapat malungkot at mag-alala para dito cause for sure he's in a good place right now, masaya at walang sakit na nararamdaman.
             At tama din ito sa sinabi nito sa video, di sya tuluyang mawawala sa kanila dahil mananatili ito sa mga puso nila magpakailanman.

                  Una nyang itiniklop ang mga damit nito at inilagay sa loob ng box kasunod ang mga personal na gamit nito sa drawer. Di nya maiwasang mapangiti ng makita ang isa sa mga drawings ni Carter, sila ito.
               Ang buo nilang pamilya, Carter had a talent for art. Kapag wala itong ginagawa noon panigurado nag-pe-paint ito or nag-ssketch na bihira na lang nitong magawa ng mga huling buwan nya dahil siguro sa napapagod na din ang katawan nito.         
              Agad na lumabas si Cass saka sya nagpunta sa storage room at kinuha ang isang picture frame doon na walang laman at inilagay nya ang drawing ni Carter dito at bumalik sa kwarto nito.
            "I love you, son.... Magiging matatag kami... And in time mabubuo pa din ang pamilya natin." Nakangiting sambit nya saka nya isinabit ang picture frame na naglalaman ng sketch ni Carter at umupo sya sa kama ng bumukas ang pintuan at pumasok si Alex. Nakatingin ito sa kanya saka sya ngumiti.

            "Alex...." Mahinang tawag nya dito. Kiming lumapit naman si Alex sa kanya.
           "Are you okay na Papa?" Tanong nito. Tumango naman sya saka nya tinap ang pwesto sa tabi nya.
            "Halika upo ka sa tabi ni Papa." Nakangiting sabi niya saka sumunod si Alex at tumabi kay Cass.
              Niyakap naman agad nya ng mahigpit ang anak at yumakap din ito sa kanya saka bumugso na ang luha nya. Ngayon lang nya na-realized kung gaano nya na-miss ang yakap ng panganay nya at Iniisip pa lang nya na napabayaan at nasaktan nya ang anak nya ay labis labis na guilt na ang nararamdaman nya.

             "Alex.... I'm sorry." anya saka tumingala sa kanya ito at nakikita nyang namumuo na din ang luha sa mga mata nito
             "I'm sorry cause I forgot that you're hurting too, that you also need me. i'm sorry, son." Paghingi nya ng tawad sa anak. Tumango naman ito
             "It's fine, Papa... I understand." anito. Umiling naman sya.

             "It's not fine, darling. I know you're hurt.  i'm sorry kasi naging makasarili ako. Hindi ko man lang inisip na mas nahihirapan ka at nasasaktan dahil ikaw mismo ang kasama nya ng mawala sya." Di na mapigilan ni Cass ang umiyak. Humarap nan ng tuluyan sa kanya si Alex saka nito pinahid ang mga luha nya.
             "Papa.... It's okay."
             "Still I'm sorry, baby. Ikaw kasi yung laging matapang sa inyong dalawa. Ikaw yung di nangangailangan sa akin lagi...I didn't know that you're hurting inside and it's because of me... i'm sorry." ani Cass saka nya niyakap ulit ang anak. Umiyak naman sa mga bisig nya si Alex, para bang sa unang pagkakataon ay hinayaan ni Alex na makita ng Papa nya ang vulnerable side nya, na nasasaktan din sya at di sya lagi ang 'stronger one'.

              "I love you, son... And I'm so sorry...I'm really sorry." Bulong ni Cass dito.
             "It's okay Papa and I love you too." Humihikbing sagot naman ni Alex. Ngumiti ito sa kanya saka yumakap ng mas mahigpit. Ipinapangako ni Cass sa sarili nya na di na muli nasasaktan ang mga anak nya ng dahil sa kanya. Patuloy nyang mamahalin ang mga ito ng higit pa sa sarili nya.
            Napangiti naman si Tita Lydia pagpasok nya ng kwarto. Tama sya malalampasan ng pamangkin nya ang lahat ng pinagdadaanan nito at nakikita nya na magiging maayos na ang lahat simula ngayon.

…………………………………


VOTE.

Reason To BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon