Chapter Thirteen: Being Positive

2.7K 149 30
                                    

[A/N: HAPPY 3K READS!!!  Thank you for support everyone and I love yah!]

CHAPTER THIRTEEN
BEING POSITIVE
━━━━━━━※✧✦✧※━━━━━━━







ALESSANDRO




                 Halos di mawala ang kaba sa dibdib ko habang patakbo akong pumapasok sa hospital, tinawagan ako kanina nila Carter at Alex, nawalan daw ng malay si Cass kaya tumawag ang dalawa kay Raiko na nagdala naman agad ng ambulansya para madala sa hospital si Cass. Agad akong pumasok sa emergency room at nakita ko kaagad ang kambal sa tabi ng hospital bed ni Cass.
                "Carter, Alex..." Pagtawag ko sa kanila. Agad naman na tumayo ang dalawa pero si Carter lang ang lumapit sa akin at yumakap saka ko nilapitan si Cass na wala pa ding malay. Agad ko syang hinagkan sa noo at sa nakikita ko medyo maputla nga ito.
              "Ano bang nangyari?" Tanong ko ng bumaling ulit ako sa kambal.

              "Dumating po si Tita Monique.... Tapos pag-alis nya... Nawalan na po ng malay si Papa." Sagot ni Carter saka ko pinahid ang luha nya. Di ko naman maiwasan ang makaramdam ng galit. Bakit pinuntahan ni Monique si Cass, di pa ba tapos itong manggulo?
              "Totoo ba ang sinabi nya?" Si Alex. Napakunot naman ang noo ko sa tanong nya
             "Totoo ang ano?" Naguguluhang tanong ko. Lumapit naman si Alex sa akin.
              "Na kaya ka nakikipaglapit kay Papa para makuha kami ni Carter? Gusto mo ba kaming ilayo ni Carter kay Papa?" Nahihimigan ko ang galit sa boses ni Alex. Napakuyom ako ng kamay, kung nasa harapan ko lang si Monique baka nasakal ko na sya sa kasinungalingan at gulo na dinudulot nya ngayon. Ramdam ko naman ang pagkalas sa akin ni Carter. Napailing ako saka ako lumuhod sa harapan ng dalawang bata.

           "Anak..." Sambit ko saka ko hinawakan pareho ang mga kamay nila.
          "Wala akong balak na ganoon.... Hindi ko kayo kailanman ilalayo sa Papa nyo...pamilya tayo..." Lumambot naman ang expression ng muka ng dalawa.
           "So hindi po totoo ang sinabi nya?" Tanong ulit ni Alex. Umiling naman ako.
         "Nagsisinungaling si Monique... Walang katotohanan ang mga sinabi nya." Paliwanag ko sa kanilang dalawa, agad naman na yumakap sa akin muli si Carter samantalang tumango lang si Alex at alam kong naniniwala sa akin ang kambal.
            "Ano ng balita?" Si Piper na kadarating lang mula sa pagpapark ng kotse, sya kasi ang kasama ko ng matanggap ko ang tawag ng kambal.

            "Wala pa.....pero tiningnan naman na daw si Cass." sagot ko. Yinuko naman ni Piper ang kambal.
             "Hello Kids.... I'm Tito Piper....kaibigan ako ng Daddy nyo." Nakangiting sabi ni Piper. Tumango naman ang dalawa at mag-mamano sana kay Piper ng bawiin nito ang kamay.
            "Hug na lang nakakatanda yan." Nakangiwing sabi nito na sinunod ng kambal at yumakap kay Piper na ngiting-ngiti naman sa dalawa. Tiningnan ko naman si Cass at napansin ko na dumidilat na sya kaya naman lumapit agad ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay nya.
          

              "Cass....maayos ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko ng tuluyan na nyang namulat ang mga mata nya at napatingin sa akin pero dagli din nyang inalis at tiningnan ang kambal na nakalapit na din sa kanya.
            "Papa... Are you okay na po ba?" Tanong ni Carter. Marahan naman tumango ito saka inalis ang pagkakahawak ko sa kamay nya.
            "Akala po namin kung ano na po nangyari sa inyo." Si Alex nakangiting hinaplos naman ni Cass ang pisngi ng kambal.
           "I'm okay mga anak...baka napagod lang si Papa." Ang sagot nya sa dalawa.
           "I told you Carter... Wag ka kasing malikot napapagod mo tuloy si Papa!" ani Alex sa kakambal. Malungkot naman na tumingin si Carter kay Cass.
             "Ganun po ba yun Papa... Sorry po." Hinging paumanhin nito. Umiling naman naman ang Papa nila.
            "Shhh.... Anak di naman yun dahil doon.... Wag ka ng malungkot...and Alex stop blaming your brother....walang may kasalanan sa inyo." Anito sa dalawa tumango naman ang mga ito at yumakap sa Papa nila, nang mapatingin si Cass kay Piper.

Reason To BreatheWhere stories live. Discover now