"Ayos ka lang?" Inabot sa akin ni Jelo yung isang mountain dew na nasa can. Nasa rooftop kami ngayon at nagpapalamig. Tumango ako. "Who's Emma?" he asked.

"You don't know?" umiling-iling siya. He really don't know? "Emma... is my mom." tumingin siya sa akin.

"What?" hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Anong ginawa ni mommy sa mom mo?" tanong ko sa kanya. Dahil natatakot ako. Na baka... na baka dahil sa mommy ko kaya naging ganun ang mom niya.

           Pumunta siya sa harapan ko at hinapit ako sa bewang. He kissed me on my forehead.

"Don't think too much. Maybe it's just a coincedence. Maraming Emma sa mundo."

"What if... may nagawa nga yung mommy ko? P-Paano na yu--"

"Shhhh... hindi yun ang mommy mo. Okay?" yinakap niya ako. Isang napaka-warm hug. Isinandal ko ng lubusan ang ulo ko sa dibdib niya. Gusto kong ganito lang kami. Napapalakas niya ang loob ko.

           Pero paano nga kung si Emma ay si mommy? Marami pa namang nagsasabing kamukhang-kamukha ko ang mommy ko lalo na si daddy. Feeling ko ang dami ko pang hindi alam sa pamilya ko. Pero ano pa nga ba ang mga dapat kong malaman?

           Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng dumalaw kasi si mom ni Jelo. Pero hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari sa ospital. Bago ako mabaliw, naisipan kong dalhan na lang ng pagkain yung pito dahil nasa condo raw sila. Dinalhan ko sila ng pagkain galing sa karinderya ni Aling Nena at streetfoods na pinagbilhan ko sa suki ko malapit sa school. Hindi ko sila tinitipid a, request nila yun. Namiss raw nila.

           Nasa elevator na ako, nang may pumasok na pamilyar na babae sa loob ng elevator. Kung hindi ak nagkakamali, she's the girl in the cemetery and sa party ni Bianca. Anong ginagawa niya dito? Napalingon siya sa akin, kaya umiwas ako ng tingin.

"Nice to see you again." she said. Ngumiti na lang. This girl is always creeping me out. Lagi na lang siyang sumusulpot kung saan-saan. "Saan ka pupunta?" tanong niya. Bakit niya inaalam? Huhuhu. Mumultuhin niya ako?

"Friends." matipid kong sagot.

"Jelo?" tumingin ako sa kanya. How did she know?

"Kilala mo si Jelo?"

"Yeah. He saved me when I'm tried to commit suicide." aba't nagpakabayani pa yung mokong na yun. *pout* "Are you jealous?"

"Pfft? Ako? Magselos? Pakialam ko dun."

TING!

"Finally." Tiningnan ko siya. "Mauuna na ako." lumabas na ako sa elevator.

"Goodbye." kumaway siya. I just smiled at her. At naglakad na.

            Please remind me to kick Jelo's ass! Hahawakan ko na dapat yung doorknob ng makita kong nakabukas na yun nang bahagya. Malinaw na malinaw kong narinig ang pinag-uusapan nila.

"Ngayon na lang nagrespond si Mom. Pinagtataka ko lang kung bakit ganun na lang ang reaksyon siya ng makita niya si Babo." that was Jelo.

"Baka may naaalala lang siya, when she saw Eunice." I think that was Vince. Di ko sila gaanong makita.

"Paulit-ulit niyang sinabi ang pangalang 'Emma' hanggang sa umiyak siya sa harap ni Babo."

"That was WEIRD." saad ni Sam. "Bihira lang magsalita si Tita. Kahit na dumalaw kami doon at kausapin siya, hindi niya kami nililingon at pinapansin."

"Matapos nang naranasan ni Tita noon, mahirap talagang makarecover." si Migs naman yung nagsalita.

"Sabi ni Babo, pangalan ng mommy niya is Emma. Do you think connected sila?"

Can't Help Falling In Love With You (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon