CHAPTER 1: Do you really love me?

Start from the beginning
                                    

Still a beginner at love.

Naalala ko naman si Dash. "Eh, pano si Dash? Iiwan ko ganon? Hindi ko sasamahan?" napatingin ako sa kanila ngayon. Halos simula nung naging kami, magkasama kami araw-araw. Lalo na pag recess.

Kahit na hindi nagpapansinan okay lang. Dahil makasama ko lang sya, okay na ako.

Napapikit si Kein at tinapik ang aking balikat. He seems so serious. What the hell's going on in his mind? I have a bad feeling about this.

He suddenly smile, yung ngiting mapang asar. "Gave her some space! You're Girlfriend is Ms. Coldhearted so probably walang pakialam yun kahit wala ka sa tabi nya. Mwahahaha!" sabay binigyan ako ng malakas na tawa.

Strike!

Napahiga muli ako sa desk. Mas lalo mo pang pinalala yung nararamdaman ko Kein. Walang hiya kang sadist ka. Scammer!

Natapos ang aming klase at recess na. Nilibre ko pa si kuripot dahil ayaw akong tigilan. Pagkatapos noon, dumiretso kami sa rooftop pero nakalock ang pinto. Swerte nga naman.

"Ang malas mo daw kasi Lavi. Hahaha." Ipinasak ko sa bibig nya yung kabubukas kong sandwich na aking kakain sana. Kanina pa ako natitrigger sa mga sinabi nya. Kung immortal lang ang mga tao, ilang beses ko na to hinulog sa hagdan.

Napatingin naman kami kay Kiel ng may dukutin sya sa kanyang bulsa. Isang susi. "I payed the teacher just to get this key. Kaya itong sandwich na nilibre mo saakin yung bayad mo. You better thank this genius." nagpalakpakan naman yung dalawa sa kanya. Tuwang tuwa pa.

Genius my ass. More like a trade. But, i didin't think he will go that far just for his poor friend. It really is convenient to have a rich friend.

Nakapasok na kami sa loob at pumwesto sa lugar na hindi mainit bago magsimula ang usapan namin.

"Explain." napatango ako sa sinabi ni Aiden.

Sinabi ko ang aking problema. Yung hindi nya ako pinapansin atyaka yung mga negative thoughts na bumabalot sa isipan ko. Palihim na tumawatawa si Kein, kahit hindi nya pinapahalata, alam ko ang mga kilos at itsura nya pag sa ganitong bagay.

He's a sadist after all.

"Hala! Baka mamaya may gusto na nga talaga yang iba si Laurence, yung mas better pa sayo." i just ignored the guy. Payo ang tinatanong ko hindi conclusion.

Napahawak sa baba si Kein habang ngumunguya. "Hmm. Give her money?" Hindi ko nalang sya pinansin at inilagay kay Aiden ang tingin. Ang problema nga lang sa lalaking to, ganito. Puro pera ang nasa isipan.

Wala nadin akong maasahan dito sa lalaking ito. Malamang walang sense din ang sasabihin nya katulad nung sa dalawa.

"Just ask her directly if she loves you." nanlaki yung mata ko at nanibago ang tingin sa kanya. Holy! I didin't know he was the right person to ask when i'm in a pinch like this.

Napangiti ako at napahawak sa balikat nya. I misunderstood this narcissist friend of mine. Akala ko bibigyan lang ako ng tips para alagaan ang kutis ko eh o kaya patanungin ako kung ano bang mga ginagamit na pampaganda at pampakinis ni Dash.

Looks can deceive nga naman.

He smirk and acted conceited. "Masyado mo akong minaliit, my friend. Hindi mo ba alam na expert ako sa mga ganyan? Ni hindi ko na nga mabilang kung ilang ang mga naging kasintahan ko..." Let's just cut this one. Baka mamaya abutin pa kami ng uwian dahil sa kwento nyang ito.

Napailing-iling nalang ako ng maalala yung personality ni Dash. Bihira manlang nga ako tignan, o kausapin manlang. Baka mamaya hindi nya iyon sagutin at iwan akong naghihintay ng sagot sa ere!

Ah, no good. My head's going to explode! May demonyo ding bumubulong saakin na hindi daw ako mahal ni Dash kaya naman pinakain ko sa kanya yung chocolate na ibibigay ko sana kay Dash. Hindi ko manlang nagawa dahil bigla nalang nawawala.

Tumunog na ang bell kaya naman nagsibalikan na kami sa klase. Wala ring nangyari, mga walang kwenta yung tinanungan ko pwera nalang sa isa. Matagal ko na gustong tanungin sa kanya dahil miski isa saamin wala pang nagsasabi ng 'Mahal kita'.

Natapos ang ilang oras na lessons at seatworks, uwian na. Nauna akong lumabas kaysa sa aking mga tropa, dahil sabay pa kaming uuwi ni Dash.

Nakita kong naglalakad si Dashielle kaya naman tumakbo ako papalapit dito para makasabay sya. Nananakit yung puso ko, dahil feeling ko kahit na nasa tabi ko lang sya, anlayo-layo nya saakin.

Naaawa din ako sa sarili ko. Puro walang kasiguraduhan, at puro katanungan nalang ang mga bumabalot sa aking isipan. Hindi ko kayang bumitaw sa totoo lang, kahit na kung sakaling may nahanap na syang iba, handa akong magpakatanga para lang maibalik ko sya.

Wala ng mga tao sa hallway, ambagal kasi naming dalawa maglakad. Lahat sila halos nasa labas na, yung iba naman nakauwi na. Napayuko ako at napahinto sa paglalakad. Wala sa sariling hinawakan yung uniform niya na dahilan ng paghinto nito sa paglalakad na katulad ko.

I want to know her answer so badly.

Iniangat ko ang aking ulo at tinignan sya. Kahit na nakatalikod ito saakin, wala akong pakialam marinig lang ang sagot nya. "Do you really love me?" ilang segundo akong naghantay para marinig ang sagot nya. Pero wala akong natanggap.

I knew this would happened. I've been preparing myself for this one.

Tinabig nya yung kamay ko, dahilan ng pagbitaw ko sa kanyang uniform.

She's going ahead and leave me, isn't she?

Handa kong marinig ang pagalakad nya papalayo. Napayuko nalang ako dito hinahantay nyang iwan ako pero nabigla naman ako ng biglang magsalita ito.

"Ano pa ba ang dahilan kung bakit sinagot kita at pumayag na maging boyfriend ka?" nanlaki yung mata ko sa sinabi nya at naiangat ang aking ulo ng walang oras.

Nawala lahat ng mga katanungan sa aking isipan pati yung mga sakit na aking nararanmadaman. Guminhawa din ang aking pakiramdam dahil sinagot nya ang tanong ko at hindi ako iniwan.

Also, she called me boyfriend for the first time!

Wala man doon yung word na gusto kong marinig sa kanya, at least narinig ko ang kanyang sagot na nakakonekta sa tinanong ko sa kanya.

"Tch! Hurry, you're so slow. I'll leave you." napangiti akong pumantay sa kanya at hinawakan ang kanyang kanang kamay.

Wala naman syang negative reaksyon sa ginawa ko. Natutuwa ako dahil kahit papaano, kahit ganito yung taong mahal ko, sinabi pa din ng mga words nya na mahal nya ako.

I would never questioned myself about what's my reason for loving this girl. The answer is just simple.

It's because, I just love her.

My Coldhearted GirlfriendWhere stories live. Discover now