CHAPTER 1: Do you really love me?

Start from the beginning
                                    

Ilang minuto ang lumipas may dumating ng guro saka nagsimula na maglesson. Nakatitig ako sa board pero yung atensyon at utak ko ay nakatuon parin kay Dash. Iniisip kung mahal nya pa ba ako? Baka nakahanap na sya ng ibang mas gwapo saakin? Mas matalino? I even made her mad for staring at her searching for the answers on her face this morning before we arrived at the main building.

What the hell should i do? Manghingi na ba ako ng tips kay Mr. Boogle? Sa mga katropa ko? Malamang walang matinong sasabihin ang mga iyon pero i'll try my best!

"MR. PIERCIVAL! I'M TALKING TO YOU!" biglang nagreact ang katawan ko sa sigaw ni sir saakin. Napahampas sa desk na kung saan ikinagulat nya pati ng mga kaklase ko at ang titig kong mala batang hindi binigyan ng candy sa kanya.

"I'LL DO MY BEST!" sigaw ko at ang dahilan kung bakit natahimik silang lahat. May nagsalitang anghel. Bigla silang tumawa. Ngayon ko lang din narealize yung ginawa ko dahil naglalakbay yung isip ko sa ibang dimensyon.

Napapikit nalang ako at napakagat ng labi. Nakakahiya. May nahulog na isang buhok narin ni sir sa sobrang galit saakin. Hindi nya pa kasi pinashave lahat, nagtira pa talaga. Mukha tuloy yung ulo nyang halaman.

Nasa labas na ako ngayon ng classroom. Pinalabas ako ni sir. Dito nakikinig sa klase ni sir at nagsusulat. Pinagtatawanan padin ako ng mga kaklase ko lalo na yung mga tropa kong nakatipon doon sa likod. Ako lang ang nawawala.

Ilang oras akong nakatayo doon, halos manginig ang puwet ko. Kaya nung natapos na ang klase, agad akong bumalik sa upuan ko para umupo at ipagpahinga ang mga binti ko.

May umakbay saakin. "Lutang tayo ah. San ba naglalakbay yung isip mo? Nakasampong tawag kaya sayo si sir habang ikaw naman ay nakatitig ka lang sa blackboard na akala mo may gusto ka doon." natatawang bungad saakin ni Kein.

"How pathetic. You look so damn haggard, Lavi. Take care of your skin more, sinasayang mo ang maganda mong kutis." Si Aiden naman na mukhang walang pakialam sa kagaguhan ko kanina at ang pokus ay nasa aking itsura.

"Dahil dyan, lilibre tayo ni Lavi!" biglang sabi ni Kiel na ikinalaki ng aking mga mata.

"Yey!" wika naman nung dalawa.

"Don't just go deciding on your own! Tch! May problema na nga yung tao, hindi nyo pa maintindihan yung kalagayan ko. Ilibre nyo nalang ako." inis na sabi ko sa kanila at ihiniga ang aking ulo sa desk.

Dash! Dashielle! Clau! Claurence! Lau! Laurence!!

Ah, wala na akong maisip kung ano. Hanggang pagiisip nalang ba ako ng pangalan nya?

Ngayon ko lang din nalaman na wala pala akong load sa kakadownload ng mga private videos dahil in case na mangyari iyon, naghahanda na ako ngayon palang.

Dapat maging alerto at handa sa kahit anong oras, hindi natin alam kung kailan ito mangyayari kaya dapat tayo ay handa para hindi natin pagsisihan sa huli.

"Fine! Tutulungan ka namin sa love problems mo na yan. Pagkatapos ng sunod na subject doon tayo sa rooftop." nakathumbs up at nakangiti na sabi ni Kein. I'm sure behind those smile there's a meaning. This sadist bastard isn't going to fool me. Ilang beses ba naman akong naloko nyan. Scammer yan. Wag tutuluran.

Bumuntong hininga si Aiden at hinawi ang kanyang buhok. "I'm a love expert. You can ask me anything when it comes to love." said the narcissist.

"Libre mo muna akong sandwich bago kita tulungan." wika ng kuripot. Sa totoo lang, sya dapat ang maglibre dahil sya ang pinakamayaman sa aming tatlo dito eh.

Hindi na ako aasang may makukuha akong magandang sagot sa mga to. May mga experience din kasi sila kahit papaano sa ganitong bagay di katulad ko na halos ngayon lang nagkaroon ng girlfriend. Kaya matanong nalang din.

My Coldhearted GirlfriendWhere stories live. Discover now