Nang marinig iyon ni Gerry ay agad naman nitong inialis ang pagkakahawak sa aking kamay.

Gerry-Sorry Tekki.Masyado akong nadala sa ganda ng sunrise.

Medyo gutom na ang lahat sapagkat hindi kami nagkapag almusal sa pagmamadali namin kaya naman ay nang matapos ang pagsikat ng araw ay nagyaya si Jona para kumain.

Jona-Guys nagugutom na ako,hanap muna tayo ng kainan.

Sumangayon naman ang lahat unang umalis sa lugar si Will pabalik ng sasakyan na sinundan nila Chizzy at Jona habang ako ay hinihintay lang na mauna sa akin si Gerry.

Gerry-Oi Tekki!Ano pang ginagawa mo diyan?Tara na.

Kamakailan lang ay parang nanumbalik ang mga nararamdaman ko kay Gerry.Dati hindi ako nahihiya sakanya pero sa puntong ito ay hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.

Iba pala sa pakiramdam pag hawak ng taong gusto mo ang kamay mo.Alam kong wala lang iyon kay Gerry kaya ayaw kong bigyan ng malisya ang mga iyon.

Sabi nila pag gusto mo daw ang isang tao,kahit ang mga maliliit na bagay na gawin nila ay nabibigyan mo ng ibang kahulugan.Yung para bang mangitian ka lang ay iisipin mo ng gusto ka rin ng taong iyon.

Pero ako,pipilitin kong wag bigyan ng malisya ang mga bagay na ipinapakita sa akin ni Gerry.

SA LOOB NG SASAKYAN

Nakaupo ako sa tabi ng driver habang nasa likod naman sila Chizzy,Jona,Will at Gerry.Nakabukas ang mga bintana namin habang bumibiyahe sapagkat napakaginaw naman dito na hindi katullad sa Manila na mausok at mainit.

Habang busy ang mga mata ko sa pagtingin sa mga gilid-gilid ng kalsada para makakita ng pwede naming kainan ay siya namang ingay ng mga tao sa likod ng sasakyan na nagkukulitan.

Will-ahahahahah!Boom panes!

Jona-Hahahahah,nakakatawa talaga yung kwento mo Will.

Will-Eh tama naman ako!aba eh gago pala iyong nag interview sakin eh.Puta yung unang interview ko tinanong ako sabi situational daw.Tapos tinanong ako what is verb ? sabi ko verb is an action word, tapos sabi define VERB w/o using the word ACTION,wala akong naisip na synonyms ng action,nga nga beh . Punyeta siya.Sarap sabihing Flappy Verb ? o Angry Verb? hahaha

Nang marinig ko iyon kay Will ay maski ako ay napatawa ngunit hndi pa rin ako nakisali sa kulitan nila.

Mayamaya lang ay bigla silang natahimik kaya naman ay tinanong ko sila.

Tekki-Oh bakit kayo natahimik.

Will-Pagod na ako!Ako lang may bunganga dito?hahahaha.

Mayamaya ay nagsalita si Gerry at kinalabit ako.

Gerry-Tekki, On mo yung stereo,sagad mo yung volume ah.Sounds muna tayo.

Tumango naman ako dito bilang tugon.

Lumapit ako sa may stereo ng kotse at ito ay isinindi.Nag hanap ako ng local fm station at ng may nahanap ako ay dito na kami nag tune in.

Mayamaya lang ay biglang tumugtog ang kantang ito na naging instant jamming ng barkada.

Sama sama

Alamid

Sama sama tayong magsayawan sa daan Umikot ikot kumembot kembot

Walang pakialam

Sama sama tayong magsayawan sa daan Umikot ikot na parang senglot

Walang pakialam

Minsan pa Na tayo'y nagkasamasama

Sa saliw ng musika At sa tunog ng gitara Iduduyan kita Sa awiting nabuo ng pinagsamahan Muli natin buhayin ang ating nakaraang kalokohan

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Where stories live. Discover now