Near group

7 1 0
                                    

A.N. This love story started with an unfamiliar chat.

Chanel's POV

"Hi"

Halah! Sino 'to?!

Natatandaan ko pa kung paano akong nagreact sa pangyayaring 'yon. Gulat na gulat akong may nagchat sa akin mula sa messenger account na inirekomenda sa akin ng aking pinsan.

Yeah, that's Near Group. First time ko kaya nangangapa pa ako noong gumamit no'n kung kaya't hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman ko noong mga panahong 'yon. Kaba? Excitement? Idunno!

Basta, nakisakay lang ako.

"Hello"

Kaswal lang ang naging pagsagot ko.

"Taga-saan ka?"

Iyon ang una niyang tinanong na hindi ko rin naman kaagad sinagot. Natutunan kong huwag na huwag magbibigay ng personal information sa mga hindi katiwa-tiwalang mga bagay katulad nito.

"Luh! Ikaw ang taga-saan?"

Ibinalik ko sa kanya ang ibinato niya sa aking tanong. Wala pang ilang segundo ay nag-reply kaagad siya.

"Ako ang unang nagtanong. Ikaw ang unang sumagot"

Napaismid ako sa kanyang sagot. Tsk! Iniisahan niya ako. P'wes, magaling din yata akong makipagbarahan.

"Ako? Edi sige. Ako ay taga-bahay sa barangay na may lupa at bayan na may mayor"

Iyon ang aking sinagot. Miski ako ay natutuwa sa aking ginagawang kalokohon. HAHAHA. Hayysst. Masaya nga ito. Libangan lang.

"Ahhh. HAHAHA. Sana mahanap ko kung nasaan sa mapa 'yan. Anong pangalan mo?"

Tanong niyang muli. Hmmm. Mukhang magaling siyang makisakay sa mga jokes ko ah. HAHAHA. Subukan pa natin lalo.

"Ako nga pala si Emma"

Natatawang reply ko. Nagulat ako nang bigla muling tumunog ang cellphone ko. Chat niya.

"Emma lang?"

Napatawa muli ako bago mag-type.

"Ang buo kong pangalan ay Emma G. Nation"

Pinindot ko ang send button bago humagalpak ng tawa. Sinaway pa ako ni Mama pero tinawanan ko lang ulit siya.

"HAHAHA. Galing mo naman. Emma G. Nation? Nakakatawang pangalan. Ako nga pala si Jeyan. Jeyan lang din sa tabi tabi nakatira"

Natawa ako sa reply niya. Palabiro rin pala.

"Jeyan talaga ang name mo?"

Pagtatanong ko sa kanya noon. Medyo naconfuse rin kasi ako. Hindi ko alam kung kailan siya nagbibiro o kung kailan siya nagseseryoso.

"Eh ikaw? Emma talaga?"

Pabalik niyang tanong. Napakatalino niya naman para maisip na ibalik sa akin ang tanong.

"Ang talino mo ah. Top 1 ka siguro sa klase ninyo!"

Pagbibiro ko sa kanya. Agad siyang nagreact ng "haha reaction" bago tuluyang sumagot.

"Ang galing mo rin. Paano mo nalaman?"

Pinaghiwalay ng Tadhana (One Shot Stories) [COMPLETED]Where stories live. Discover now